Part 2

1 0 0
                                    

Tama na, masakit na.

"Iha, ano papayag ka ba sa kagustuhan namin?" tanong ng mama ni Raniel.

"Pumayag ka na anak" sabi naman ni mama.

"Ma, Tita. Pagiisipan ko po muna" Ani ko.

Kanina pa nila ako tinatanong about sa pagtulong ko sa condo ni Raniel at pagbantay na rin sa kanya. Ang request "lang naman" ni Tita ay makikitira ako sa condo ni Raniel, oo makikitira daw ako kay Raniel.

Imagine, kasama ko si Raniel sa iisang bubong. Shit! Mamamatay na ba ako kaya nangyayari ito? Di ko kakayaning manirahan sa condo ni Raniel, dahil baka pag katapos nyang maligo magahasa ko yan. Baka ako pa makabuntis sa kanya.

"Sige. Sana pumayag ka anak, payag naman kami ng mama mo eh" Ani Papa.

"Sana mapaaga ung pag desisyon mo iha" sabi ni Tita.

"Tama, dahil malakas na ang kutob namin dito kay Raniel" sabi naman ni Tito.

"Papa naman eh. Wala po ba kayong tiwala sakin ni Mama?" sabi naman ni Raniel.

"Wala na. Ang sabi mo wala kang girlfriend tapos malalaman namin kay Rizel na may girlfriend ka. At kalaban pa ng kumpanya natin." madiin na sabi ni Tito. Kalaban ng kumpanya? Talaga?

"Tss. Ang kulit ni ate. Sabi ko wag sabihin kila mama eh" naiiritang bulong nito. Kahit pabulong ung pagkasabi noon ni Raniel ay dinig ko pa din. Malamang katabi ko siya eh.

"May binubulong ka ba Raniel Palomeras?" Madiin na sabi din ni tita.

"Wala po Ma. Tara Lyndryl samahan mo ko sa labas" sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

Dinala ako ni Raniel sa garden nila. Maganda dito dahil may iba't ibang uri ng bulaklak ang nandito. Umupo kami sa bandang bench dito.

"Niel, kaya ba kayo hindi legal ng girlfriend mo dahil sa magkalaban ang kumpanya nyo at kumpanya nila?" tanong ko bigla sa kanya.

"Oo. Gusto man naming maging legal, kaso nung nalaman naming magkalaban ang kumpanya namin ay itinago na lang namin ung relasyon naming dalawa. Dahil pag hindi namin ito itinago baka magtalo pa." biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi nya. Parang... Parang masakit na.

Tumango lang ako sa sinabi nya at tumingala na lang para mapigilan ang luha ko. Ang sakit ng dibdib ko, parang di ako makahinga. Akala ko doon na matatapos ang usapan namin about sa kanila ng girlfriend nya.

"Mahal ko naman siya eh, mahal niya naman ako. Pero kailangan naming itago ang relasyon namin para na rin sa kinabukasan ko at kinabukasan naming dalawa" Aniya. Alam nyo ba ung feeling na tinusok ng ilang karayom sa mismong puso mo? Ganun ung nararamdaman ko ngayon.

"Hmm. Th-that's good. Yeah" tumatango kong sagot sa sinabi nya.

"Okay ka lang ba?" tumango ulit ako sa tanong nya.

"You sure?" kumunot ang kanyang noo kaya tumango ulit ako sa tanong nya.

"Nga pala---" Hindi ko na maintindihan ung iba nyang sinabi. Masakit sa dibdib, parang hindi lang maraming karayom ang nakatusok kundi paulit-ulit niyang tinutusok ang puso ko. Bakit ganun? Masakit sobra na parang gusto ko nang magpakamatay para lang hindi maramdaman itong sakit.

Daldal pa din siya ng daldal sa gilid ko kahit na parang nahahalata na nyang di ako nakikinig sa sinasabi nya.

"Ra-Raniel tama na, masakit na eh. Please tama na" tumayo na ko dahil naramdaman ko na ung luha ko sa pisngi ko.

Lumabas ako ng bahay nila Raniel at naglakad palayo habang umiiyak pa rin. Onti onting nawawala ung sakit pero tuwing naaalala ko ung mga sinabi nya kumikirot itong muli. Bakit sobrang sakit? Bakit ganun? Kaya ba ung iba pag nakipag break ang mga girlfriend/boyfriend nila halos magpakamatay na? Tama na, tumigil ka na sa pag kirot ano ba.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makauwi na ko. Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Ate na naka upo pa rin sa Sala at nanonood ng paborito nyang palabas. Bigla siyang lumingon sa gawi ko. Siguro narinig nya ang pinto na bukas kaya siya napalingon.

"Oh bakit ka umiiyak? Pinagalitan ka ba nila Mama?" nagaalalang tanong ni ate sakin.

Umiling na lang ako at umakyat na lang sa kwarto ko. Akala ko susundan ako ni ate, buti na lang hindi.

Habang naka higa ako sa kama iniisip kong mabuti kung, tutuloy pa ba ako sa nirerequest nila Tita. Napabuntong hininga na lang ako. Mahirap mag-desisyon lalo na kung may masakit pa sakin. Siguro bukas makakapag desisyon na ko.

Pinikit ko na lamang ang aking mga mata upang makatulog pero mukha ni Raniel ang lumalabas. Shit, paano ako makakatulog nito?

--

I Will Help Him No Matter What HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon