Chapter 4
Buddy
To: Lake Ongpauco
Salamat sa paghatid! Ingat sa pagmamaneho!
I sighed. Kailangan ko na talagang tumigil sa pagiging butthurt. Nagmumukha lang akong ewan e. Hindi naman ako assuming pero nagiging sobrang sensitive naman ako. Napansin nga ni Lake na nanahimik ako after ng incident na 'yon with his friends.
"If you bump into them in the future, ignore them, okay? They're my friends but they're toxic. Ayoko lang mapa-tropa ka sa gano'n."
At least nalinaw na mali yung iniisip ko. Ayaw niya lang ako mapalapit sa mga bad influence na tao. Nakakahiya tuloy dahil ang sama ng inisip ko sa kanya no'ng una.
From: Lake Ongpauco
No worries, buddy. See you tomorrow.
Buddy?
Naku, hinga nang malalim. Ilang beses ka na niya tinawag na 'bud' or 'buddy' before pero wala lang yun, okay? Pero shucks, bakit may kaunting kilig?
Magtigil, Kimberly Joy. Term of endearment lang 'yan. For sure madami siyang kaibigan na may tawag din siya. 'Bud' lang 'yan. Nothing special.
Friends lang kayo, okay? Friends.
Huminga ako nang malalim at tumitig pa ulit sa harap ng pintuan ng apartment namin. Nagulat ako nang biglang bumukas ito. Kanina pa yata ako mukhang ewan dito, nakatayo at nakatitig sa cellphone.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Jamie, mukhang nagtataka siya at nandito ako.
Napakunot ang noo ko. Ako dapat ang nagtataka at nandito siya. Anong ginagawa niya rito? Kakalipat niya lang last week sa condo ng asawa niya, ha? Bored na ba siya sa buhay may-asawa? Na-miss na niya kami ni L?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na si Jamie at magkakaroon na sila ng baby ni River. Mag-21 years old pa lang siya sa May! Hindi pa siya legal uminom sa ibang bansa tapos may anak na siya. Ang weird talaga. But then again, diyan siya masaya e.
Nginitian ko siya. "Anong ginagawa mo dito? Miss mo na kami ni L, 'no?"
Sumimangot siya bago ako tinalikuran at umupo sofa. "Bawal na ba ako bumisita?"
Hindi ko siya pinansin at kumuway ako kay L na nasa kusina. Busy na busy siya sa pagkain ng pizza, as always. Ito namang isang 'to, hindi na tumigil kakakain ng pizza. Palibhasa kasi spoiled din ng boyfriend niyang si Cascade pagdating sa foodtrip.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay Jamie at umupo sa tabi niya.
Pabiro ko siyang siniko. "Ito naman. Bawal na tanungin kapag buntis?"
Tinulak niya ako nang malakas. "Ano ba! Buntis ako! Bawal ako sikuhin! Masama sa baby ang physical abuse! Do'n ka! Layo!" sabi niya sabay turo banda sa kusina.
Weh, ginawa pang palusot ang baby niya.
Imbes na lumayo sa kanya, niyakap ko siya nang mahigpit. "Ang hina-hina lang n'on! Ang OA mo! Pero nakaka-miss ka!"
Pero mas nakaka-miss yung mga luto niya at hindi ko aaminin 'yon sa kanya.
Kumalas siya sa yakap ko. "Mukha mo. Sabi ni L, yung beefsteak ko lang ang na-mi-miss mo."
Oops. Busted.
"Anyway, saan ka pala galing? 'Di ba hanggang three PM lang pasok mo today? Late ka na umuwi, sa tapat lang naman yung uni!" sunud-sunod niyang sabi.

BINABASA MO ANG
When Will It Be Me?
ChickLitKim Talavera has feelings for Lake Ongpauco. The problem? They're one-sided because he likes her best friend... or so she thought. *** Kim Talavera has been head over heels for the perfect guy, Lake Ongpauco, ever since she laid eyes on him. But lu...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte