Chapter 2- Mr. Mahina

74 2 1
                                    

" Jaaaaaadeeeeeee!", sheez alam ko na kung sino tong mga to. Naglalakad pala ako papuntang school, ayokong magpahatid e, sayang gas. Haha.

" Hi Izzy, oy Joree!", sino pa nga ba ang mga maiingay na nilalang? Edi si Izzy at Joree. Di pa ko nasanay!

"May assignment kayo?", tanong ni Joree. Hindi ko kasi sila kaklase, bale tatlong sections kami, tapos magkaklase sila ni Izzy at ako lang ang nahiwalay. -_- Saklap diba?

"Yep, reading assignment sa Science, e kayo?"

"Same lang tayo" ~Izzy

"Psst! May bago ako crush", sabi ko with matching kilig gesture. Eto nanaman ako, sinusuportahan naman nila ako sa mga nagiging crush ko e, yun nga lang, lagi akong pinapangaralan. Hahaha

"Pang-ilan na yan?", sabay nilang sabi. 

"Pang... Hmmmm.. anim!", sabi ko na tuwang tuwa pa.

"Tss. Pang- anim ngayong buwan?", sarcastic na sabi ni Joree.

"Grabe naman kayo! Di ko na lang nga sasabihin kung sino! Blehh!" 

"Uy! Joke lang! Sino naman yang sawing palad na yan?" ~Izzy

"Sawing palad agad? Sa ganda kong to, malas pa ba siya? Tsk, tsk!" ~Ako

"Che dami mong alam! Sino na?" ~ Joree

"Siiiiii.... Hehehe." ~sabi ko, mukhang nabitin sila! Hahaha

"Siiinnooo?" ~Joree at Izzy

" Siiii. *whispers* Vince" ~ako

"Ah.. Owkay. E diba may nililigawan yun?", sabi ni Joree na nagtataka. Oww, enebenemen.

"Tsk, okay lang, di na ko masasa------... "

"Miss! I.D. po?", sabi ni manong guard. 

"Ah, nasa library po e. Eto po yung book na hiniram ko" Sabi ko habang pinapakita yung makapal na Physics book na bitbit ko.

"Ah, ok, sige, layas na!", ay antaray ni manong guard! 

Nakita ko si Joree at Izzy sa tapat ng clinic, kinakawayan ako, edi ako naman tumakbo papunta sakanila.

"Huuyy! Wait laaa------ *boogsh*", may nabangga akoooo! 

Lalaki yung nabangga ko, pero siya yung natumba? Hahahahahaha.

"Umm, sorry ah", sabi ko habang inaabot ang kamay niya para alalayan siyang tumayo.

"Sorry ka jan!", sabi ni Mr. Mahina habng tinatabig ang kamay ko at tumayo ng sarili.

"Sa susunod kasi, mag ingat ka!" ~ Mr. Mahina

"Sorry na nga diba? Pasalamat ka nag-sorry pa ako e! Ikaw ang lalaki, ikaw pa yung natumba. Tsk!", sabi ko with flip ng hair.

"Heh! Ang amazona mo kasi!", sabi niya, habang ako nag-lalakad papunta kela Izzy.

"Ang yabang nung nabangga ko, sayang ang gwapo", sabi ko nung nasa tabi na nila ako. 

Para silang shunga dun na gulat na gulat na parang natatae na ewan, problema ng mga 'to?

"Alam mo ba kung sino yung nabangga mo?!?" ~ sabay nilang sabi

"Hindi, bukod sa mayabang, gwapo, at mahina siya, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya, tara na nga anung oras na malelate nanaman tayo.", sabi ko at naglakad na papunta classroom. Sumunod naman yung dalawa sakin.

"Hindi mo talaga kilala kung sino yun?"~ tanong ni Izzy. Punyatera, sino ba yun? Ang big deal sakanila..

Umiling nalang ako, nakakatamad magsalita kung paulit-ulit.

"Anu ka baa!? Galing ka ba sa sinaunang panahon at di mo kilala yun?" ~Joree

"Walanjo naman ang kulit niyo! Sino ba yun? Ang big deal sainyo", sabi ko na nakalingon sakanila.

"Yun si Jerry Nathaniel Cruz!" ~sabay nilang sigaw sakin.

Sa sobrang lakas e pinaktinginan kami ng mga tao na nakatayo sa may corridor.

"Shhh, anlakas ng boses niyo! E sino naman yung Jerry Nathaniel Cruz na yun?", sabi ko.

"Mamaya na namin ikukwento kita tayo mamayang lunch sa hide out. Ito na room namin o!" ~ sabi ni Izzy

"Owwwwwwwwwkkkayy." sabi ko, haha, di ko napansin na andun na room nila, at ako sa kabilang room lang.

Hmmm. Sino kaya yung Jerry Nathaniel Cruz na yun? Sikat siguro, pero ang yabang lang kasi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yey! natapos ko rin ang Chapter 2! 

Salamat sa mga nagbabasa! :*

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon