Prologue

89 1 2
                                    

Ako yung babaeng mabilis ma-fall sa mga lalaki, lalo na yung mga makulet, sweet, at cute.

Mabilis ako mag ka-crush, yung tipong nakatabi mo lang sa isang school program at naging close kayo, kinabukasan crush ko na.

Mabilis akong mainlove, lalo na kung nagbibigay sila ng motibo na may gusto sila saakin.

Mabilis ako magsawa, yung tipong marinig mo lang na may ibang gusto si crush, maghahanap ka na ng bago.

Pero kahit lahat ng pangyayari sa buhay ko mabilis, bawat heartbreak ko sa mga lalaki, sobrang sakit.

Sobrang pag sisisi kung bakit siya pa.

Sobrang pag kainis dahil pinaasa ka niya.

Sobrang sakit, to the bones, pero kahit ganun sa labas, cool ka lang. Parang walang nangyari, kahit sa kalooblooban mo nagdurusa ka.

Masaya ang buhay ko, sobra, yun nga lang sawi sa lablayp. :D 

Sa pag hahanap ko kay Prince Charming, marami akong pagdadaan, maraming mababago, maraming masasaktan, pero sa huli, sobrang kasayahan.

~~~~~~~~

Kamusta naman daw ang prologue. Hehe. :D

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon