Sue Nerves
Maingay. Magulo. At higit sa lahat BULOK.
Yan ang masasabi ko sa bus na sinasakyan namin. Meron kaming Educational Tour ngayon at etong sasakyan na 'to ang pagsasawaan ko sa isang buong araw.
Basag ang bintana, ang dumi ng floor, punit yung upuan, mainit....
Punyeta, wala na bang mas BULOK na bus dito? Palibhasa 370 lang ang binayaran namin eh.
Sana naman maenjoy ko tong Side Trip namin. Kahit gustuhin ko mang libangin ang sarili ko sa katabi ko eh hindi ko magawa kasi katabi ko ang lalaking nasaktan ko.
Si Joshua.
Ang lalaking nasaktan ko ng bongga. Hindi naman sa Super Duper Ultra Mega Sakit, sadyang may nagawa lang ako sa kanya na syang ikinabago nya.
Hindi na sya yung dating Joshua na cheerful, kalog, pero sya na yung Joshua na cold at snobber. At ako at ang ginawa ko ang dahilan kung bakit sya ganyan.
Dahil nga sa 'stranger mode' kami ngayon, wala akong magawa kundi ang sumilip na lang sa bintana kesa naman kausapin sya na alam ko naman na di nya ako papansinin.
Nabalitaan ko, kakagaling lang nya sa sakit at may konting sinat pa sya. Mahahalata mo sa kanya na medyo nanghihina sya ng onti, maputla rin ang labi nya. Kung dati, hindi sya palaimik, aba mas grabe ngayon.
Well hindi naman ako naninibago sa kanya, sanay na nga ako eh. Sanay na ako sa cold treatment nya. At sanay na rin ako sa real life seenzone nya.
Napansin kong medyo giniginaw sya. Kinuha nya yung jacket na nakapulupot sa waist nya atsaka ito sinuot. Naamoy ko yung pabango nya nung inextend nya yung braso nya sa may gawing mukha ko. Lechera ang bango!
Nananadya ba 'tong magpaamoy?
Niyapos nya yung braso nya at nagcross arms sya na parang niyayakap nya yung sarili nya. Pwede naman kasing ako na lang yayakap sa'yo, ayaw mo pa. Ang hot hot ko nga eh.
Hindi naman sa may pagnanasa ako sa kanya, sadyang late receiver lang ang puso ko at late nakaramdam ng tama ni kupido at syempre gusto ko rin makapuntos sa kanya. Turn off na kung turn off, wala akong pake kasi alam ko di nyo ako maiintindihan. Kung sya dati ang naghahabol sa akin, ngayon sumuko na sya at ako naman ang may tama sa kanya.
Tama nga yung commercial ng EO, love is painful if Cupid has poor eyesight. Di nya kasi ako kayang asintahin kaya sabi nya, next time na lang daw. Hahahaha!
Naramdaman ko na yung pagstart ng engine ng bus, nagbabadya na aalis na kami patungo sa first destination namin. Nagvolunteer yung isa kong classmate na maglead ng prayer para safe kami sa byahe namin.
Natapos na syang magpray atsaka umalis na yung bus namin. Meron kaming instructor ngayon na syang nagkekwento ng history ng mga municipality na madadaanan namin.
Sige lang sa kabibigay ng trivia yung instructor namin habang ako naman ay inaantok na dahil na rin sa kulang ako ng tulog. Tiningnan ko si Joshua kung interesado sya sa sinasabi nung instructor pero mukhang hindi naman kasi tulog na sya.
Nagbago na nga sya. Dati kasi mahilig din sya sa mga trivia at facts, ngayon mukha namang di talaga sya interesado. Tulog na tulog na eh. Dala siguro ng sinat nya. Pahinga ka na muna, mamaya lumala pa yan eh.
YOU ARE READING
February 29
RandomOne day, may nagkagusto sa akin na lalaki. Nireject ko sya. Pero hindi ko akalain na kung kelan wala na sya sa akin, saka lang ako magkakagusto sa kanya. ©2016 BlackRider_ ALL RIGHTS RESERVED