This is it

182 28 39
                                    

Christine's P.O.V.

Ito na. This is it. I can't believe after 4 years I am now getting married to the guy whom I loved the most. He may not be perfect, but he is perfect to my eyes.

We may not be the perfect couple because we fight sometimes, diba part lang yun ng relationship?

Madalas kaming nag aaway na pati kaibigan ko sinasabi na iwanan ko na siya, pero dahil mahal ko siya tiniis ko lahat.

*Flashback*

One night, I asked him if he still loves me, and he still do. Napangiti ako sa mga sinabi niya at sana hindi siya nagsisinungaling, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko at mas lalo akong napangiti at pinikit ang aking mata habang siya ay nakayakap sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam pag kayakap mo ang taong minahal mo ng lubos-lubusan. Binuksan ko ang aking mata at tinignan ang mga bituin, 'ramdam ko ang simoy ng hangin na napakalamig.

Tumayo siya at napatayo na rin ako inisip ko na siguro gusto niya na pumasok sa loob, pero hindi.

Nakita ko siya hinawakan ang kamay ko at iniluhod ang isang paa niya at may nilabas na singsing.

Di naman ako pabebe, kaya magpapapabebe pa ba ako? Baka echos lang 'to, syempre kahit 4 years kami nagsama malay mo echos lang pala lahat.

O baka nagtatali ng sapatos kahit nakapaa kami? Abno ba siya?

Ano ba yan pinagiisip ko, may nilabas na nga na singsing, edi syempre mag wi-will you marry!

Eh pano, pag pinahawak niya lang sa akin? Hala, edi may mahal na siyang iba simula pa noon?! Di man ako nainform?

"Matagal ko na itong pinaghandaan, alam kong lagi tayo nag aaway, alam kong minsan masakit na ang nasasabi ko sayo, pero alam mong mahal na mahal kita,"

Kinakausap niya ba ako? Baka may multo sa likod ko. Hala, gusto ko na pumasok sa loob, natatakot na ako pakshet.

"Christine Yvonne Andrada, will you marry me?" Ano? Sino si Christine.... Ay teka. Ako yun ah.

Hala, naiiyak ako. Hinding malungkot na iyak.

Tears of joy.

"Nakakainis ka. Pinapaiyak mo nanaman ako," pinahid ko luha ko at nagsalita ulit, "Magpapaka-pabebe pa ba ako? Syempre, oo ang sagot ko," sinuot niya ang singsing sa akin at tumayo at hinalikan ako sa labi.

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga labi niya.

Kung ako ay mamamatay, gusto ko ay makahalik at makasama lang siya sa huling araw na yon.

*End of Flashback*

Di ko malilimutan ang pag propose niya nung gabing iyon.

Napangiti ako dahil ako ngayon ay nakasakay sa taxi, naisip ko na mga a year na kami nag hihintay sa kasal at ngayon alam ko na ikakasal ako at di na ako engage sa kanya.

Well, ngayon engage pa lang kasi papunta na ako sa simbahan para ipractice ang magaganap na kasal.

Di ako mahatid ni honey ngayon kasi may inasikaso muna siya saglit, at naintindihan ko naman yon kaya pinahatid niya na lang ako sa taxi.

Ang sarap isipin na bukas ay hindi na practice ang sunod.

Tumingin ako sa bintana at nakita kong red light pa ito at mga ilang segundo naging green na din ito.

May nakita akong dumiretso na truck kahit alam na ito ay pula.

Nangdidilim ang paningin ko.

*

HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon