James

76 7 1
                                    

** WARNING TYPOS**

James P.O.V.

"Honey, sorry kung hindi kita mahahatid ngayon ah? May kailangan lang ako ayusin, may pinadala na akong taxi diyan para madali ka nang makapunta sa simbahan."

"Ano ka ba, okay lang. Tapusin mo na yan. Magkita na lang tayo sa simbahan, I love you."

Ang sarap pakinggan ng taong mapapaasawa mo. Masasabi kong napakaswerte ko dahil tiniis niya ako at minahal niya akong lubusan.

Akala ko sa mga nagawa ko o nasabi kong masama sa kanya ay iiwanan niya na ako. Pero hindi, mahal niya ako.

Masasabi ko din mas mahal ko siya.

Siguro kung hindi ko siya nakilala, malamang hindi ako isang maayos na tao.

"I love you too, mag ingat ka ha? Mamahalin pa kita lalo," Syempre, dapat minsan maging hokage para dagdag points.

"Corny mo, bye na! Love you more."

Ang sarap talaga pakinggan ang boses niyang parang anghel.

Siguro pag pinagpalit ko siya magsisisi ako. Sobra.

Inasikaso ko ang kailangan ko sa opisina at inayos na din ang desk ko bago umalis. Nagpaaalam na ako sa mga kaopisina ko at lumabas na ng building.

Sumakay ako sa kotse at bago ko iandar ay tinignan ko ang cellphone ko.

Nakangiti ako ngayon dahil ang ganda ni Christine.

Pinatay ko na ang phone ko at nilagay sa bulsa ko at nagsimulang mag drive.

Habang nag dadrive nakikita ko ang pamilyar na lugar na pinuntahan namin ni Christine, hindi ko maiwasang mapangiti.

Para na akong baklang kinikilig dito.

Dumating ako sa simbahan at nakita kong wala pa siya. Akala ko magiging maaga siya dahil medyo malapit lang ang simbahan.

Kinamusta ko si father at yung mga kaibigan at pamilya na aattend sa kasal namin.

Nang makarecieve na lang ako ng text.

Si Christine.

Tinignan ko ang text at ako bay nanghina. Yung parang wala ka nang ganang makipagusap, wala ka nang ganang gumalaw, at nawalan ka nang buhay.

Ayun ang nararamdaman ko.

Honey

Kuya, ikw b ung boypren ni ate? Dinala n sia sa ospital. Srry napakelaman ko cp ni ate dont worry babalik ko to sa poging mamang polis. Hehe. Kuya paload na din tnx. 09********.

Di ko alam kung san ako mawawalan ng gana, nung nasa ospital mapapangasawa ko o yung taong nagpapaload.

Gusto ko sumugod sa ospital, pero nararamdaman kong mas hihina ako sa makikita ko.

Nauna nang umalis si tita at mga kaibigan nila sa ospital.

Naiwan ako sa simbahan, naghihintay.

Alam kong hindi pa naman ito yung araw pero, ito na kasi yun.

Isang tapak na lang kasal na namin. Mapapakita kong mahal na mahal ko siya kahit anong mangyari.

Hindi ko na napigilang umiyak.

Nakakabakla pero minsan kailangan ko ding umiyak.

Tinapik ako ni father at sinabing magiging okay ang lahat. Kung ayaw ko daw siyang makitang nahihirapan pumunta na muna daw ako sa bahay namin.

Sa bahay kung saan pinagawa ko para sa amin. Kahapon nento ay pinakita ko itong bahay kay Christine.

Ang ganda ng ngiti niya.

Sumakay ako sa kotse at may naramdaman akong malakas na simoy ng hangin nung pagsara kong pinto.

Parang may sumusunod. Syempre, hindi ako naniniwala sa multo.

Nagdrive ako papunta sa bahay namin at tumawag si tita.

Sinagot ko ito, habang traffic.

"Hello, tita?"

"Iho, wala na siya," narinig kong umiyak si tita.

Pinatay ko ang cellphone ko at may lumalabas na luha sa mga mata ko.

Alam kong napakarude ginawa ko kay tita pero, hindi ako okay eh.

Pagdating sa bahay, pumasok ako at umupo sa sala.

Nanghijina ako, parang hindi ko kaya. Tulala ako ngayon.

Napapansin ko may hangin, pero wala namang bukas na bintana o pinto. At nakita ko na lang.

**CONTINUE MONDAY. PROMISE. NAGAARAL KASI AKO NG JAPANESE 2DAY. AND EDITED NA TO MONDAY. TY**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon