"Tiffany, tara na? Gumagabi na," anyaya na sa kanya ni Krishna. Padilim na ang paligid pero ayaw pa rin niyang umalis sa puntod ng kanyang mama. Inilibing na nila ito kanina pagkatapos ng isang linggong burol.
Wala na ang mga taong nakilibing. Tanging si Krishna at ang daddy na lang nito ang matiyagang naghihintay sa kanya. Ang lola niya'y pinauna na rin niya para kung may darating pang mga bisita sa bahay nila ay may mag-aasikaso. May mga kamag-anak pa rin kasi sila na hindi nakakadalaw.
"Sige na, Krishna, mauna na kayo. Okay lang ako rito," malumanay na sabi niya sa kaibigan.
"Pero, Tiffany..."
"Sige na, Besh. Nakakahiya na sa daddy mo. Huwag kang mag-alala, ayos lang talaga ako. Gusto ko lang mapag-isa." Pinilit niyang ngumiti. Laking pasalamat niya at naging kaibigan niya si Krishna. Kahit sa mga huling sandali ay hindi siya nito iniwan. Si Krishna ang nagpapalakas sa kanyang kalooban para tanggapin ang nangyari, na wala na ang kanyang mama at sa araw pa ng graduation niya. Sa saktong oras na inabot niya ang diploma noong araw ng graduation nila.
Na-realize ni Tiffany na kaya pala ganoon ang naging pakiramdam niya sa sandaling iyon ay dahil kasama na pala niya noon ang mama niya sa entablado. Gano'n kahalaga ang pagtatapos niya sa kanyang mama.
"Dito na lang din kami. Hihintayin ka namin," nga lang ay sabi ni Krishna.
"Hindi na, Besh. Sige na," pagtataboy pa rin niya rito.
Ayaw pa rin sana siyang iwan ng kaibigan pero gawa nang pagpipilit niya, sa huli ay umalis din ang mga ito at iniwan siyang mag-isa sa sementeryo.
Nanatili si Tiffany na nakatayo at nakatitig sa ginagawang lapida ng kanyang mama. Pagkuwa'y umalis na rin ang supultorero nang matapos nito ang ginagawa. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinigilan ang sarili nang tuluyan na siyang mapag-isa. Pinakawalan na niya ang matinding pangungulila niya sa kanyang mama.
"Mama..." Napahagulhol siya na napasalampak ng upo. Halos yakapin niya ang flat na puntod ng kanyang mama. Hindi niya kaya, hindi niya yata kakayanin na wala ang kanyang mama.
Paano na siya ngayon? Paano na sila ng kanyang lola?
SA KABILANG DAKO ay para namang sasabog ang dibdib ng isang lalaking kararating lang para bumisita rin sa isang puntod. Inilapag ng lalaki ang basket na puno ng bulaklak sa binibisitang puntod habang hindi maalis-alis ang tingin sa babaeng nakalupasay na sa lupa kakaiyak.
Hindi tuloy na nakapag-concentrate ang lalaki sa dinadalaw nitong puntod kakatingin sa babaeng umiiyak. Parang siya lang kasi ang babae when his grandfather dies, like he can't handle everything.
Gustong lapitan ng lalaki si Tiffany pero nag-alinlangan siya. Alam niya na kapag ganoon ay gusto talaga ng namatayan na mapag-isa, tulad din niya noon.
Nakuntento na lang ang lalaki na palihim na binantayan si Tiffany. Hindi siya nagpahalata.
LUMIPAS ANG ILANG ORAS, nang halos maubos ang lahat ng luha ni Tiffany, ay saka lang siya nagpasya na lisanin na ang puntod ng mama niya at umuwi na. Mugtong-mugto ang mga mata niya na naglalakad papalayo sa lugar na iyon. Sisinghot-singhot siya. Pinipigilan na niya ang pagluha pero kusa pa rin iyong tumutulo habang papalayo siya sa lugar.
Gawa niyon ay hindi napapansin ni Tiffany ang lalaking nakasunod sa kanya, lalaking binabantayan siya, at handang alalayan siya kung sakali. Lalaki na nakahinga lang din nang maluwag nang nakita siyang pumasok na siya sa bahay nila.
"Apo..." Salubong ng lola ni Tiffany nang makita siyang paparating.
"Lola, mano po." Pinilit niyang ngumiti at nagmano sa lola niya. "May mga tao pa po ba?"
"Meron. 'Yung pinsan mo, kadarating lang. Asikasuhin mo nga at ako'y sa kusina muna."
Napakunot-noo si Tiffany. Ang alam niya kasi ay nakita na niya lahat kaninang nakiramay sa kanya ang mga pinsan niya. Maliban na lang iyong mga nasa abroad na hindi nakauwi.
Pumasok silang mag-lola at may nakita nga siyang babae na nakaupo sa pang-isahan nilang sofa. Nakatalikod pa ito sa kanya kaya hindi pa niya nakikilala.
Tumikhim siya para mapansin siya nito at lumingon nga ito sa kanya.
"Tiffany!" Tuwang-tuwa ang boses ng babae na tingin niya ay kasing edad lamang niya.
Mas napakunot-noo siya dahil hindi naman niya ito nakikilala.
"I guess hindi mo ako nakikilala?" nakangiting anang babae.
Nahihiyang tumango siya.
"Ano ka ba! Ako 'to si Mary," masiglang pakilala ng babae sa kanya.
"M-mary?" Hindi pa rin niya ito matandaan.
"Aisstt! Ulyanin ka na ba, pinsan? Ako ito si Mary. Mary Asuncion. Anak ako ni Tito Randy mo na bigla na lang naglaho at hindi nagpakita. Remember na?"
Ang haba ng, "Aaahhh!" niya. Oo, naalala na niya ito. Ito ang pinsan niya sa side ng papa niya.
Si Mary ay minsan naging alagain din ng mama niya, dahil bigla na lang nagtungo noon sa Mindanao ang Tito Randy niya at parang naglahong bula. Pero mga bata pa lang sila noon kaya hindi niya agad ito nakilala ngayon.
"Mary!" Naiyak na naman siya kasabay nang pagyakap niya sa pinsan niya. Malungkot silang nagyakapan. "Wala na si Mama. Iniwan na niya ako," iyak pa rito na parang nagsusumbong na bata.
"Kahapon ko nga lang nalaman, kaya heto agad akong lumuwas dito sa Maynila. Buti at tama ang address niyo na sinabi sa akin. Pero sorry, Insan, dahil hindi pa rin ako nakaabot."
"Okay lang, at least nandito ka ngayon," aniya.
Umupo sila sa sofa nang kumalas sila sa yakapan.
"So, anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko, ang makatapos ako ng kolehiyo para kay mama. Kahit wala na siya ay tutuparin ko pa rin ang gusto niya," malungkot niyang sagot. Tumulo ulit ang butlig niyang mga luha, na dagli ring pinunas ng mga palad niya.
"Sinong magpapaaral na sa 'yo niyan?"
"Hindi ko rin alam. Naubos na kasi ang inipon ni Mama na pera sa pagpapagamot niya. Si Lola naman ay matanda na para magtrabaho pa para sa akin," matapat niyang sabi.
Napalabi si Marry. Ginagap nito ang isang kamay niya. "I'm sorry, Insan."
Tipid siyang ngumiti. "Siguro mag-working student na lang ako tulad ng iba," saka dagdag niya sa sinabi na sisinghot-singhot.
"Ay, oo nga. Pwede naman 'yun, kasi 'yong iba naman diyan ay nakatapos naman gawa lang ng pagwo-working student nila. Huwag kang mag-aalala, Insan, magiging maayos din ang lahat. Basta kapag kailangan mo ng tulong ay sabihin mo lang ako."
"Salamat, Insan." Ngumiti siya ulit sa pinsan. Kahit paano ay gumagaan ang loob niya dahil na rin sa mga pampalakas-loob ng mga kamag-anak nila.
At oo, alam niya magiging maayos din ang lahat. Ipinapangako niya, gagawin niya ang lahat makapagtapos lang siya ng college. Hindi niya bibiguin ang kanyang mama. Makakapagtapos siya sa pag-aaral sa kahit na anong paraan.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG, PUWEDE NAMAN
RomanceNoong namatay ang Mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Hanggang sa isang Madam ang tu...