Two

51 2 0
                                    


Pagkagising ko sa umaga, agad akong naligo, nagbihis, at kumain. Pinababa ko narin kay Manang Sita yung mga gamit ko at pinalagay sa kotse ko.

"Mag-ingat ka, Anne." Bilin ni mama sa'kin. Tumango lang ako at sumakay na sa kotse at umalis.
Maraming estudyante ang nagkalat sa Institute ng makarating ako. Marami na ring mga bago. Huminto ako sa vallet stop at binigay ko ang susi ko sa vallet attendant.

"Room 18-B." Sabi ko. Meaning kailangan niyang ilagay ang mga bagahe ko sa room na yon.

Papunta na ako sa registrar para kunin ang schedule ng klase ko ng may tumawag sakin.

"Anne!"

Siya si Vi. Kaibigan ko. Wag kayo, may topak rin yan sa ulo.

"Sabay na tayo. Aish. Alam mo bang kanina pa ako dito? Ang loner ko as in!" Sabi niya.

"Eh di sana nakipaghalubilo ka. Para di ka na loner." Ako.

"Eeehh. Ayoko nga."

"Eh di wag."

Nang umabot na kami sa registrar, meron pang isang babaeng nakapila. Transferee ata.

"Room 18-B ang room mo." Sabi ng registrar attendant.

"San po yan?" Tanong ng babae. Sasagot na sana ang attendant ng mahagip ng mga mata niya kami ni Vi.

"Ayan. Sila yung mga roommates mo. Sumabay ka nalang sa kanila."

Napalingon ang babae sa'min at parang nahihiya kaya tumango ako sakanya. "Sumabay ka samin. Kukunin lang namin schedule namin." Sabi ko at lumapit sa registrar. Agad naman binigay ng attendant ang sched namin ni Vi.

"Lika." Aya ko sakanya. Yumuko lang siya at sumunod samin. Ugh. Pipi ba to? Tahimik niya ah.

"Ako nga pala si Anne." Sabi ko at siniko ng mahina si Vi.

"Huh? Oh, Vi nga pala." Sabi niya with a smile.

Ngumiti rin samin yung babae. "Nikka."

"Well, Nikka, sana magkasundo tayo para di na ako lonely pag late na naman to si Anne." Sabi niya. Tss. Seriously, kailan ba siya makakaget-over sa issue na yan.

Ngumita naman si Nikka. "Sige po."

"Eeeh. Don't 'po' me. I'm the same age as you kaya." Sabi niya. Ayan na naman sakit niya. Nagcoconyo na naman siya.

Tumawa lang ng mahina ang babae. Mga ilang minuto rin ang lumipas ng makarating kami sa building B, isang malawak na greenfield pa kaya ang linakad namin. Buti nga hindi kami naka-register sa building D, yun na ata ang pinakamalaying building dito sa Elite Institute.

Nang makarating na kami sa room namin, nakita ko ang mga bagahe namin ni Vi sa tapat ng mga beds namin.

"Nasan ang mga bagahe mo, Nikka?" Tanong ni Vi.

"Sabi ng butler ko, makakarating na raw yun mayama." Sabi niya.

"Well, you should make a follow-up. Mukhang uulan pa naman." Sabi ni Vi habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Sige." Sabi naman ni Nikka.

Lumayo si Vi sa bintana at pumwesto sa bed niya. "Well, same place for us so, bed 3 ka." Sabi niya kay Nikka na tumango lang.

"Tawagan ko muna butler ko." Sabi niya at lumayo ng kaunti samin. Hinayaan lang namin siya at inilagay ang mga gamit namin sa kanya-kanyang mga closet.

Tapos na akong mag-ayos ng gamit ng may kumatok sa pintuan namin. "Ako na." Sabi ni Vi at binuksan ang pinto.

Nakita namin si Sir Terrence sa pintuan na may dala-dalang mga bag. "Delivery for Ms. Endrique." Sabi niya with all smiles. Tss. Kung di lang talaga to Prof, magkaka-crush na ako ng over-over sakanya. Ang gwapo kaya niya.

"A-ahahay. K-kala ko pa naman dito kayo matutulog sir. Tabi pa sana tayo." Sabi ni Vi. Ayan na. Umiiral na naman kalandian niya.

Tumawa lang ng mahina si sir. Sa lahat kasi ng mga Prof dito siya lang ang pinakabata at pinaka-jamming. "Hay nako Ms. Lawrence hindi ka parin nagbago. May I come in?"

"Oo naman babe---este sir!" Haaaay nako Vi! Tumawa lang naman si Sir. Sanay nayang pinagpapantasyahan siya ng mga babae rito. Buti nga hindi pumapatol dahil mega turn-off talaga.

Inilagay na niya ang mga gamit ni Nikka sa tapat ng bed niya.

"Naku, nag-abala pa po kayo sir." Sabi ni Nikka.

"Nahh, my pleasure. Just wanna make you feel welcome. Kung may problema ka, wag kang mahihiyang pumunta sakin, okay?" Sabi ni sir. Naks! Bait talaga. Tumango lang naman si Nikka.

"Ako po Sir, may problema po ako." Aysus. Ayan na naman. Buti si Sir marunong makisabay.

"Ano na naman problema mo Ms. Lawrence?"

"Kung bakit kasi napaka-manhid mo. Pangalan na nga natin ang nagsasabi eh. Lawrence, Terrence. Oh diba! Tumpak na tumpak! Akin ka nalang kasi Sir!" Sabi ni Vi. Napatawa nalang kami sa inaasal niya.

"Hahaha. Haaay nako Ms. Lawrence. Sige na guys. Mag-ayos na kayo, classes will start in an hour. Kita-kits for those who have me in their sched." Sabi niya at lumakad paalis.

"Bye baaabeee." Pahabol ni Vi. Napailing nalang ako. Hirap talagang makakaibigan ka ng may topak sa ulo. Well, atleast di plastic.

"Ano sched mo, Nikka?" Tanong ko sakanya.

"AP Lit ang first sub ko." Sabi niya.

"Dun ka kay Vi sumabay. M.Arts pa kasi ako." Sabi ko.

"M.Arts?" Tanong niya.

"Martial Arts."

"May subject bang ganun?"

"Hindi lang yan ang weird sa paaralan na to. Basta hirap i-explain. Observe. Obey. Pass. Yan lang kailangan mo para maka-survive sa paaralang ito." Sabi ni Vi.

"Survive?"

"Wag kang mag-alala. You have us. As long as hindi ka tatraydor samin, walang magyayari sayo." Sabi ko.

"Huh?" Sabi ni Nikka na halatang naguguluhan.

"Omg. Wag mong sabihing hindi mo alam ang BUONG detalye ng paaralan nato?" Tanong ni Vi.

"Uhhm..." aisshh wala ngang kaalam-alam. Nagkatinginan kami ni Vi. Napabuntong hininga nalang ako at sinabing...

"Innocent one, you just had yourself a free ticket to hell."

A Complicated Life Formed From Too May LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon