Seven

52 2 0
                                    


Pauwi na ako, nalagpasan ko na nga ang main gate ng Institute eh. Kaso, as always, sa bakod ako papasok.

Paliko na sana ako sa mga punuan kung saan ako palaging lumiliko para dumiretso sa likuran ng Institute nang may nakita akong isang kotse at may humarang saking tao. Isang lalake.

Pinahinto ko yung motor ko at hinubad ang helmet ko at mabilis na sinuot ang baseball cap ko.

"Uhh.. Miss, may alam ka bang isang paaralan dito? College school siya kaso nakalimutan ko yung pangalan. Eliz ata yun eh." Sabi niya sakin.

"Elite. Elite Institue." Sabi ko sakanya.

"Oo. Yan nga. Studyante ka ba doon?" Tanong niya sakin.

Tumango lang ako at tinuro yung main gate ng school. "There. Should've travelled in daylight. It's really hard to see at night."

"Thanks."

"Might have to wait by sunrise. The gate doesn't open till 5:30." Sabi ko sakanya.

"Pano ka nakalabas? Pano ka papasok?" Tanong niya sakin but I shrugged.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya.

Ba't ba ang dami niyang tanong? Tsaka anong connect ng pangalan ko sa unang tanong niya? Psh.

"Alaiza." Sabi ko nalang. Trip ko eh. Shh.

"Nico nga pala. Thanks." Sabi niya.

Tinanguan ko lang siya at pinaandar ko na ulit yung motor ko. Umalis na ako at lumiko sa may punuan. Di na ako nag-abalang isuot muli ang helmet ko, malapit na naman ako eh. Pinark ko na sa dati kong puwesto at inakyat ulit ang bakod. Bumalik na ulit ako sa kwarto at inilagay sa secret compartment ang mga baril ko. Hinubad ko ang jeans ko at pinalitan ng denim shorts. Hinubad ko narin sapatos at baseball cap ko at napahiga sa kama ko. Ughhh. Finally.

Napaisip ako sa kung sino man ang naghahack ng system namin sa Den. Ano naman kaya kailangan nila sa amin? Sa pagkakalam ko, wala namang kahit isa sa mga Devils na nakigulo sa ibang gang na talagang isang napakalaking problema.

Tsaka napaisip rin ako sa taong nakasalubong ko kanina. Magiging studyante rin ba siya dito sa Institute? Bakit kaya hindi siya umabot sa first day ng class?

Sa dami ng inisip ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

------

Nagising ako mga 5:30 ng umaga habang sina Vi at Nikka naman ay tulog na tulog pa. Pambihira nga naman. Parang sila yung gumala kagabi ah.

Naligo na ako, nagtooth-brush, nagbihis. Natapos ako mga 6:00 pa kaya humiga ulit ako sa kama ko. Aishhhh. Ang bagal talaga ng oras kapag wala kang ginagawa.

Ilang mga minuto lang ay nagising na si Nikka at may kumatok sa pintuan. Lumapit ako rito at binuksan ito.

"Morning." Sabi ni Zion sakin with all smiles. Tch. Ansaya niya naman.

"Chief, kain na tayo. Gutom na ako." Sabi ni Alaiza na halatang bagong gising palang at wala pang ligo.

"Ge. Nikka, pakigising nga si Vi." Sabi ko kay Nikka. Lumapit siya kay Vi at yinugyog ito kaso di parin gumigising.

Lumapit ako kay Vi at inilapit ang bibig ko sa tenga niya. "OMG, SIR TERRENCE IS GIVING AWAY FREE KISSES!!!" sigaw ko. Agad naman itong napabangon.

"BABEEEE AKO." Sabi niya at agad na tumayo kaya ayon, di nakapag-balanse ng maayos kaya natapilok. "Ouuch." Sabi niya.

"Yan kasi. Umagang-umaga kalandiang pina-iiral." Sabi ko sakanya at nag-pout lang siya.

A Complicated Life Formed From Too May LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon