"Wala ka talagang kuwentang anak!" Galit na galit si Don Rodrigo sa nalamang pagkatao ng nag-iisang anak, na bakla raw si Bearlan Grylls na tanging tagapagmana nito sa lahat ng naipundar nitong negosyo at ibang ari-arian.
Isa iyong malaking kahihiyan para kay Don Rodrigo. He was one of the most influential and powerful business tycoons in the country. He was renowned worldwide because of his legitimate businesses. He ran a vast warehouse and online sites. He also owned a group of companies, kaya paano nito matatanggap ang isang baklang anak na puwedeng magpabagsak sa lahat ng meron nito ngayon sa isang iglap.
"Why, Dad? What's wrong if I'm gay? I don't see anything wrong with it," pagtatanggol ni Bearlan sa sarili. Hindi na siya papapigil. Itutuloy na niya ang kanyang kalokohan.
"That's bullsh*t!" Hindi na napigilan ni Don Rodrigo ang galit. Isang suntok ang pinakawalan nito na tumama sa guwapong mukha ni Bearlan.
Sumargo ang dugo sa labi ni Bearlan, pero hindi niya hinayaang matumba. Paninindigan niya ang ginawa niya. He won't back down from his father this time. He doesn't want to get married. Hinding-hindi siya magpapakasal kay Jullie Anne kahit pa katauhan niya ang mayuyurakan. Kung kinakailangang pangatawanan niya ang pagiging isang gay ay gagawin niya, hindi lang siya matatali sa isang babaeng hindi naman niya mahal. Wala siyang pakialam kung itakwil din siya ng kanyang mga magulang. Sa totoo lang mas gusto pa niya iyon, ang itakwil siya para makalaya na siya sa bahay na ito. Bahay na puro nga siguro ginto ang laman pero wala namang kasiyahan ang mga nakatira.
"Rodrigo, tama na! Maawa ka sa anak mo!" awat ng kanyang mommy sa daddy niya. Dumating na ito, na sana hindi na lang para nabugbog na lang siya para maging manhid na sana ang pakiramdam niya.
"Pagsabihan mo 'yang anak mo, Amelia, or else I will disown him! Wala akong anak na bakla!" matatag na mga salitang binitawan ni Don Rodrigo bago ito umalis.
Napahagulhol ng iyak ang mommy niya na yumakap sa kanya. "Anak, bakit ka nagkakaganyan kasi? Ano ang pumasok sa utak mo at sinabi mong bakla ka?"
Hindi umimik si Bearlan. Nanatili siyang pipi dahil kahit noon pa man ay mistula naman na siyang pipi sa pamilyang ito. Hindi rin naman siya pinapakinggan.
Humarap sa kanya ang mommy niya at masuyong hinaplos-haplos ang kanyang mukha. "Don't worry, Son. Gagawin ko ang lahat maging lalaki ka lang. Ipinapangako ko sa 'yo na hindi ka maitatakwil na iyong ama."
Bearlan let an exhausted sigh. Kung alam lang sana ng mommy niya na iyon nga ang gusto niya, ang itakwil na siya, pero ayaw niyang madamay ang mommy niya. Sobra-sobra na rin ang pagpapakamartir nito. Sobra-sobrang pasakit na kaya hindi na niya dadagdagan pa iyon. He decided that he would take action alone, without involving his mother.
**********
TIRIK NA TIRIK ang araw pero naglalakad na naman si Tiffany sa mga kalye-kalye. Naghahanap pa rin siya ng trabaho. May mga nahanap naman na siya pero mga 150 hanggang 200 lang ang mga sahod na offer sa kanya. Kung kukuwentahin niya ay kulang na kulang iyon para makapag-ipon siya ng pampa-enroll sa pasukan. Magsasayang lang siya kung papatulan niya ang mga ganoong kababang mga sahod, buti sana kung wala siyang pag-iipunan at pangkain lang ang kailangan niya.
Hindi bale, hindi pa rin naman siya nawawalan ng pag-asa.
Gutom na gutom na rin siya pero hindi niya magawa-gawang bumili ng kahit tinapay man lang. Nagtitipid kasi siya. Kaya pa naman niya, eh.
Ngunit ilang lakad pa lang ang nagagawa niya ulit ay kumurap-kurap na siya. Para kasing lumalabo ang kanyang nakikita. At saglit pa'y natumba na siya. All of a sudden, her world turned black.
"Ay, 'yong babae! Nahimatay!" tili ng isang nakaunipormeng katulong na nakakita sa pagkatumba ni Tiffany sa gilid ng kalsada.
"What is it?" usisa ng amo nito na pinapayungan nito.
"Madam, 'yung babae natumba po. Nahilo yata kaya nawalan ng malay," imporma ng katulong sa amo.
"Eduardo, tulungan mo 'yong babae! Ipasok mo sa kotse! Faster!" utos na ng madam sa driver nito nang makitang nagkakaroon na nga ng kumosyon dahil sa nahimatay na babae.
"Opo, Madam." Dali-daling lumapit ang driver ng madam sa babaeng nahimatay. Pinangkot at dinala sa kotse.
PAGMULAT ng mga mata ni Tiffany ay isang puting silid ang nabungaran ng kanyang paningin. Takang-taka niyang inilibot ang mga mata at bigla na lang siyang napabalikwas ng bangon nang mapagtanto niyang nasa isang silid siya ng ospital.
"Luh! Bakit ako nandito?" tanong niya sa sarili while checking herself. Naka-dextrose rin pala siya.
"Hija, huwag ka munang magkikilos," narinig niyang malumanay na boses ng isang ginang.
Tumingin siya sa kanan at nakita niya roon ang nakabihis mayamang babae na nakaupo, isang Madam. At isang babae rin sa tabi nito na nakauniporme naman ng pangkatulong.
"A-ano pong nangyari?" magalang niyang tanong sa kanila.
"Nakita ka namin sa gilid ng kalsada na nahimatay kaya dinala ka namin dito sa ospital," ang katulong ang sumagot.
"Naku po! Salamat po sa pagtulong niyo sa 'kin pero wala po akong pambayad dito," nataranta niyang sabi. Kulang na lang ay hugutin na niya ang dextrose na nakakabit sa kanyang kamay.
"You have nothing to worry about, hija. Ako na ang bahala sa 'yo. Basta magpalakas ka," pigil sa kanya ng madam. "Ako nga pala si Madam Amelia at nakita ko rito sa envelope mo ang mga ginawa mong resume? You're hunting a job?"
Nahihiyang tumango siya. "Opo."
"Then you're hired."
"Po?" hindi makapaniwalang naisambit niya. Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat.
"Yes, hija. You heard me right. Magwo-work ka sa 'kin kung magugustuhan mo ang trabahong ipapapagawa ko sa 'yo."
"Opo, kahit anong trabaho po gagawin ko. Pero... pero magkano naman po ang magiging sahod ko?"
"Walang problema ang sahod sa 'kin. Basta magagawa mo lang ang ipapatrabaho ko sa 'yo."
"Galante si Madam kaya huwag kang mag-alala," sabad ng katulong sa usapan.
"S-sige po." Napangiti si Tiffany ng abo't hanggang tainga. Labis-labi ang pasasalamat niya sa Diyos at naambagan din siya sa wakas ng suwerte.
Kailangan pa pala niyang magutom nang sobra at mahimatay para mahanap ng magandang trabaho. Nakakaloka.
"Sige, magpalakas ka muna rito sa hospital." Tumayo na ang Madam. "Bukas ka na umalis. Don't worry dahil bayad na ang bill mo. At bukas na lang tayo magkita para pag-usapan natin kung ano magiging trabaho mo sa 'kin. Tawagan mo na lang ang guardian mo para puntahan ka rito, okay?"
"Opo. Ingat po," may kasamang pagyuko ng ulo na sagot niya bilang paggalang na rin sa paalis na madam. Naiwan siyang mag-isa sa ward ng ospital na nagtataka at napapaisip kung ano kaya ang magiging trabaho niya kay Madam Amelia.
Naisip niya na malamang secretary o kaya personal assisstant. Puwede na 'yon.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG, PUWEDE NAMAN
RomanceNoong namatay ang Mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Hanggang sa isang Madam ang tu...