AINE: CHAPTER 6

91 2 2
                                    

"Eula! Go away!"

Agad nagpanting ang tainga ko ng marinig ko ang pangalan ni Eula na kakabanggit lang ni Seb. Yes, I'm here in his office.

Agad kong isinara ang pinto at naglakad palayo.

Si Eula.

Sya ang babaeng sumira sa amin ni Seb noon at hanggang ngayon sya pa rin pala ang babae ng boyfriend ko.

"Eula. Faster!"

"Yes, Babe! Ahhh!"

Naririnig ko ang ungol ng dalawa sa kwarto ni Seb.

Nagpunta ako sa kanila to give this gift. It's our 1st anniversary. Napapikit na lang ako at tumulo ang luha ko. Aalis na sana ako ng masagi ko ang flower vase na nasa gilid ng pinto ng kwarto ni Seb.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at dahan-dahan akong humarap sa kanila. Naka boxer shorts lang si Seb at nakabalot sa comforter ang katawan ni Eula.

"By, happy anniversary." I handed him the gift and hugged him habang tumutulo ang luha ko.

Agad din akong lumabas ng pintuan at tuluyang lumayo sa lugar na iyon.

"Tama na Alliah! This is too much!" Sigaw sa akin ni Trisha.

"Trish, this can't be! I'm pregnant." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit habang umiiyak

"Ha?! Ano?! Nagbibiro ka ba! Di ba nga ni isang halik hindi mo sya mapagbigyan! Then now you're telling me na...... you're pregnant." Sabi nito sa akin.

"He's on drugs that time. I can't resist him. He's holding a knife." Paliwanag ko sa kanya habang umiiyak.

"E p*ta! G*go pala syang h*yop sya e! Isumbong natin yan kay Tita at Tito! This can't be Lia!"

"Hindi mo pwedeng sabihin ito kay Mama at Papa, okay?" Punas ko sa luha ko at hinawakan ko ang magkabila nyang braso.

"Naririnig mo ba yang sarili mo ha Lia? E anong balak mo?! Palakihin mag-isa yang anak mo at ano? Kulang sa kalinga ng isang ama katulad mo?!" Napabigla nya sigurong nasabi. Naiintindihan ko.

Sabay hawak nya sa braso ko. "I mean, ayaw mo namang maranasan ang narasan mo noon sa sarili mong pamilya di ba?"

"Trisha, hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta alam ko sa araw na ito ayoko na ng may kahati ako at ang anak ko. Kaya kung hindi nya kayang magpakatino hindi ko kailangan ng isang katulad nya. Ako at ang anak ko ay sapat na. Ibibigay ko lahat sa magiging anak ko. Hindi ako magkukulang sa kanya. Kaya kong maging ama at ina sa kanya." Nasabi ko na lang bigla ang mga salitang ito.

"At hinding-hindi nya malalaman ang tungkol sa anak ko." Huling salita na nabitawan ko kay Trisha.
----------------

LORENZO' S POV

"Papa, excuse me. Punta lang po akong wash room."

"Okay Hija. Bilisan mo, ipapakilala pa kita sa mga Samonte okay?" Sabi nito kay Alliah.

Naglakad na papunta sa wash room si Alliah.

Laking gulat ko ng makita ko syang sumuka sa sink. Kaya't agad akong pumasok sa loob ng wash room.

"Allie, okay ka lang?"

Halata naman ang pagkagulat nito ng makita ako.

Dinanggil nya ang kamay ko na nakapatong sa likod nya.

"Female's room 'to. Try to read." Sabi nito ng mahinahon pero halatang naiinis.

Lumabas din ako agad sa wash room at tama sya. Pambabae nga pala yon. Tsk!

Hinintay ko naman syang lumabas ng wash room at saka sya sinundan palabas ng event hall.

-------------

"Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko Lorenzo Samonte! Kaya don't speak as if you know everything about me." Inis nyang saad sa'kin.

Iimik pa sana ako ng makita ko syang napahawak sa ulo nya at nakapikit. Agad ko naman syang inalalayan para makaupo sa isang bench sa garden na kinaroroonan namin.

"May sakit ka ba Allie? Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina sumuka ka sa wash room ngayon naman nahihilo ka?" Nag aalala kong tanong.

Ano pa nga bang aasahan kong sagot galing sa kanya syempre kasungitan na naman.

"Ano bang pakialam mo! Kahit humandusay ako dito wala kang pake dahil hindi mo naman anak 'tong dinadala ko!" Parehas kaming nabigla sa sinabi nya.

Buntis sya.

Buntis sya.

"Sinong ama ng dinadala mo?"

Napalunok naman kami parehas ng may magsalitang lalaking di katangkaran, di din naman kagwapuhan kasi mas gwapo ako sa kanya obviously. Pero seryoso, si Sebastian Martinez ba 'to?!

"Siya. Siya ang ama ng anak ko."
Hinawakan nya ang braso ko.

Nakatanggap naman ng isang sampal si Alliah.

Hindi ko agad napigilan ang pagsampal sa kanya ni Mrs. Montelago.

"Hindi ka namin pinalaki para magpabuntis sa hindi mo asawa o boyfriend man lang Alliah!"

Agad kong niyakap si Alliah dahil anytime ay pwede syang matumba.

"Alliah, mark this day!" Huling salita na nadinig nya galing kay Sebastian.

Mabuti na lamang at walang tao sa garden dahil nasa likod ito ng event's hall.

Umalis na din si Mrs. Montelago sa garden.

Humagulhol na ng iyak si Alliah.

"Lia, hindi yan nakakabuti sa bata." Mahinang saad ko sa kanya habang yakap ko sya ng nakaupo kami.

Para sa'kin ayos lang na madamay ako dito. Siguro bilang kabayaran na din sa mga hassle na nagawa ko sa kanya noon at iba ang pakiramdam ko kapag nakikita syang umiiyak. Nasasaktan din ako para sa kanya. Para kaming dati ng magkakilala na pinaghiwalay ng tadhana.

"Enzo, hindi ka na dapat nadamay. I'm really sorry. It was my all fault. Sorry. Sorry. Please, don't be mad at me. Sorry. " Saad nya sa'kin na sobrang hagulhol pa.

"I'm not mad at you. Marry me, Alliah."

Tumigil sya sa pag iyak at iniangat ang ulo nya.

"Yes. I will marry you Lorenzo."

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon