TEXT- 1

236 6 1
                                    



Evann's POV




Andito ako ngayon sa school dahil kailangan naming tapusin ang mga requirements namin. Btw, clearance week na ngayon at dapat kumpleto kami, in short bawal umabsent.




"Evann! Kamusta naman sina Tita Elainne?" Tanong sakin ng isa kong kabarkada. Si Jack. Isa siya sa mga best budd ko dito.




"Ayos lang naman sila. Kayo? Mukhang magkaka shobe (li'l sis) ka na ulit ah!" Sabi ko naman sa kanya.




"Haha! Oo, nga pala! May pinabibigay si Papa sa'yo." Sabi ni Jill. Kakambal ni Jack. Parang Jack'nJill lang no? Haha! Yun ang gusto ng mama at papa nila na ipangalan e. Bakit ba? XD.




"Ano naman 'yun? Suhol ulit, para ligawan ko ang mataray na pinsan mong si Amie?" Tanong ko kay Jill. Oo, pinaliligawan sakin ng tatay nina Jack'nJill ang pinsan nilang si Amie. Ang taray kaya nun. Tsk. Tsaka hindi ko naman talaga siya gusto e.




Mas gusto ko pa nga ang ugali ni Christine e. Si Christine kasi ang ugali niya, simple! Ang pagporma niya Simple! At mukha niya walang kolorete! O? Tsaka ano ka ba, hindi siya basta basta nang- aaway kapag walang ginagawa. E yung si Amie? Jusko, konting danggil mo lang galit na. Tsk. Pero bawal si Christine. Fragile yan at sensitive. Haha! Ka- tropa namin yan.




"Hindi no. Sabi ni Papa, salamat daw sa pagtiya- tiyaga kay Amie. Nautas nga ako nung niligawan mo 'yun nung una." Sabi ni Jill.




Haha! Oo, niligawan ko yun nung una. Kaso basted! Paanong hindi basted? E ang binigay ko ba naman kay Amie noon ay cactus na galing sa bakuran namin. Hahaha! Nautas nga ako nung nakita ko yung itsura niya. Parang ewan. Haha! Pero sabagay ang bad ko rin naman kasi noon sa kanya. Hahaha!




*plock*

1 new message...




Huh? Sino naman 'to? Unknown number...




From: 0921-------
Hi :). Ang cute mong tumawa :D. I'm C, nice to meet you Evann ^^. -C
Reply?





Huh? C? Cno daw? E- este SINO daw? Ang cute ko daw tumawa? Sa gwapo kong 'to? Cute lang ang sabi. Tsk. Nireplyan ko nga.





To: 0921-------
Huh? Ano? Cute daw? At tsaka, may pangalan bang C lang? Sa gwapo kong 'to? Cute lang? Tsaka kanino mo kinuha ang number ko?-Evann
-sent-




Pagkatapos non, sabi niya secret daw walang clue. Tsk. Pagkatapos nun 'dun na nagsimula ang pangungulit niya sa akin. Nabubungaran ko kaagad ang mga text niya sa umaga, 'yung mga Goodmorning, kain ka na :). Hope to see you again later ;). Mga ganun niya tsk, parang girlfriend kung umasta. Hindi ko na nga siya nirereplyan e.





Pero dun ko lang narealize, paano kaya kung nag- aantay pala siya sa mga reply ko araw araw? Ano kaya mararamdaman niya? Pero hindi ko parin siya nirereplyan. Mukhang hindi naman siya nagagalit e. Tsaka wala siyang sinasabi na text back or kung ano man...

The Text Messages (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon