TEXT- 11

88 5 0
                                    



Evann's POV



Pumasok ako ngayon kahit wala parin ako sa mood na makita siya. Jusko, kung pwede nga lang bayaran siya na 'wag ng magpakita sakin ginawa ko na. Pero, alam kong mayaman na siya kaya 'wag na lang. Sayang pera, pang tuition ko rin 'to sa mga susunod na pasukan no. Hahaha!



Andito ako sa tambayan ng tropa kasama sila. Nagtatawanan sila, samantalang ako...




*plock*
1 new message...



Akala ko si C ulit, hindi pala. Hayss, bakit wala na yung mga pambungad niyang text sakin? Nakaka- miss na a.




"Mukhang may hinihintay kang text mula kay C a." Sabi ni Jill. Alam na pala simula nung isang araw. Bukambibig ko daw si Clarrise at si C nun e. Sana daw si C na lang daw ang minahal ko, sabi ko daw. Ewan ko.




"Heh! Manahimik ka." Sabi ko sa kanya.



From: Mom
Hey? Wanna comeover later? May ipakikilala lang ako sa'yo? She's very adorable. Nakilala ko lang siya kahapon.
Reply?





Hindi nga pala ako nakatira sa bahay namin, may condo kasi ako e. Regalo nila nung birthday ko para daw naman maging independent daw ako.




Pero mamaya? May pupuntahan kami ng tropa e. Importante e. Gagawa kami ng play. Yea at bawal umabsent kundi tanggal ka. Tss, higpit e.



To: Mom
I can't mom. May practice kami ng play. Pag absent ako ng isang scene tanggal agad ako. Sorry mom. Next time na lang po :). -Evann
-sent-



Tapos nagreply agad si Mama....




From: Mom
Oww, haha! It's okay. Marami pa namang next time e. Haha sige, 'wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Love you 'nak. :)
Reply?




Parehas sila ni C. Yea, I wish talaga si C na lang ang nakilala ko. I reply agad kay Mama.



To: Mom
Love you too Mom. Take care :* -Evann
-sent-



Pagkatapos nun tinawag na ako ng mga ka- grupo ko. Romeo and Juliet ang theme. Ako ang bida at yung isa kong classmate na maganda din. Hindi ko alam kung anong pangalan niya. No interest. Tss.



Pagkatapos naming magpractice ng kalahati nung play ay umuwi na agad ako ng condo at nahiga. Hayss, nakakapagod...



*plock*
1 new message...


Bigla akong napabalikwas baka siya na 'yan.. Please Lord! Sana po siya na 'yan. Kinakabahan ako... baka madissappoint na naman ako.



From: C
Hi! Alam mo nakita kita kanina, kaso mukhang ang lungkot mo. Ano bang nangyare? Pwede mo bang i- share?
Reply?



Halos magtatalon ako sa tuwa! Siya nga! Juskoo!! Lord thank youuu!!!! Ma- replyan nga.



To: C
Hey! Ahh yun ba? Wala 'yun. Nevermind that. Haha! Iniisip ko lang kung gaano kahahaba yung sasabihin kong line. Ikaw? Kamusta ka? :) -Evann
-sent-



Tapos ang bilis niyang magreply...




From: C
I'm fine naman :). Haha! 'Wag ka nang magre- reply ha? Masasanay na talaga ako niyan. ^^ Don't worry kaya mo 'yan! Ikaw pa? Ang galing mo kaya diyan ;). Btw, kasali din pala ako sa play ;). Hope you'll see me. Haha! O siya siya. Matutulog na ako. Goodnight na ha? Pray first ;).-C
Reply?




Hope you'll see me? Napangiti na lamang ako.. Hayss, sana makita na kita... Kung alam mo lang kung gaano ko kasaya na ganito tayo... parang parehas sila nung una kong minahal.. teka! Bakit ba iniisip ko pa siya? Tsk.

The Text Messages (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon