PROLOGUE
Okay so... bagong school year, bagong campus, bagong bag, uniform, damit, sapatos... lahat nagbago. Pinalitan ko na lahat... sa bagay pinagpalit lang naman ako eh... huhuhu... charot xD. Joke lang noh. Hayssst... College na, shocks! Kakaexcite pumasok, bagong mga mukha na rin ang makikita ko araw-araw.
"RING!!!!! RING!!!!!" Wow ah, may tumatawag agad sa'kin? Eh kakapasok ko pa nga lang sa main gate eh... Nu ba naman yan...
"Hello Caroline! Asan ka na girl?! Gora na, bilisan mo na! May nangyayari dito sa classroom natin!"
"Ano?! Ano ba naman yan Abby, ang aga-aga girl, kakatapos ko pa nga lang magbreakfast, papatakbuhin mo'ko agad? Sige sige papunta na'ko." *sigh* Haggard pumasok. Tsk. Okay lang yan... basta makagraduate lang, at makakuha ng trabaho... makahanap ng Prince Charming ko... at kung anu-ano pang ka-echosan sa buhay na dream ko.
*Bangga Noise* "Aray! Uhhhmmm..." Nanlaki ang mga mata namin...
"Sorry Miss... Caroline?!" Aray ko, nagmamadali si Koya, ang tulin ng takbo. Tsss.
"Huh? Sino po kayo?" Hmmm...di ko s'ya kilala pero parang familiar ang face n'ya.
"Ah... yeah... 'di mo pa talaga ako kilala... busy ka kasi nun eh. Sige, bye." Busy? Noon? Nalilito na'ko ah. Hmmp mamaya ko na nga s'ya aalalahanin.
Okay balik tayo... Ako nga pala si Maria Carolina Abero Palomanio, 17 years old and my friends and family calls me Caroline, ang panget kasi ng first name ko... sa totoo lang... at, well... nag-aaral dito sa Horizon University. Maraming Universities ang nag-iinvite sa'kin pero ito ang pinili ko kasi nandito ang mga pinakaloka-loka, pinakabaliw, at siyempre, pinakamatatalik kong kaibigan.
Tinanong ko sila nun habang kausap sa phone nung mag-eenroll na sana'ko sa ibang University, tapos nung nagsalita na yung registrar...
"Ano?! Magkakasama kayong tatlo diyan?! Daya!!!" Kaya yun...
Sila sina Abigail, Patricia, at Julianna. Magiging schoolmate din ata namin yung naging kaibigan naming boys nung high school, sina Ian at Kevin. Mukhang boring ang school pero nandyan naman ang mga kaibigan ko para damayan ako sa boredom. Shocks! Boredom at studies? Pero sa love life kaya? Hmmmp... 'Di ko alam, bahala na ang sadista kong kaibigan na si Tadhana diyan... sabagay mas may thrill di'ba? Eto na! Lets Go na sa buhay kong bipolar.
BINABASA MO ANG
No Such Thing as Coincidence
Teen FictionFate is simply unpredictable and toys with people most of the time. Ang Tadhana ay sadyang di inaasahan at minsa'y mapaglaro din.