TGYNWTM 7:Meet Matthew Tadena

15 0 0
                                    

(Matthew's POV)

Hi I'm Matthew Tadena son of Mr. And Mrs. Greg at Anabelle Tadena ako ang panganay may kapatid rin ako si Alexander Tadena ang bunso namin at nasa Grade 8 na siya

I'm 5'10 sa height, 45 sa weight, moreno lang, may abs?! Oo, malaki rin biceps ko at ang mga toned muscles ko, kaw ba naman mag gym araw-araw ewan ko na lang kung di lalaki katawan mo. Hindi naman sa pagmamalaki pero sabi nila gwapo daw ako makapal ang kilay ko, I have brown eyes, matangos ang ilong, at parang rosas sa pula ang lips ko para raw akong hinulog sa kalangitan na parang isang Greek God.

About myself?! Mabait ako, Mapagmahal sa pamilya, Matalino, Mayaman, Pagmamay-ari namin ang Tadena Company, sa eskwalang pinag-aaralan namin ng kapatid ko May 30% share ang family namin yun lang mga information sakin. May GF?! Well wala pa naman kaw gusto mo?!.

The First Day of School

First day of school I met this gay Na parang babae Na ang angas ang taray ang black ng aura niya gaya ng damit niya pati Na rin ang make up nito. I don't know him dahil nga sa transferee ako at bago lang ako dito.

At ngayon nga magpagpakilala narin ako sa buong klase at muntik na ngang makalimutan ng adviser namin na ipakilala ako.

"Hi classmates I'm Matthew Tadena a transferee from St. Mary Catholic School, I'm 16, I like basketball and I was the first honor before in my school, and I hope we can all be friends" ang pagpapakilala ko at nang matapos ako ay tumingin ako kay baklang babae at kinindatan ko ito at pagkatapos nun umupo na ako.

First time ko maatract sa isang homosexual na tulad niya kaya ng matapos ang klase namin kinausap ko siya agad agad.

"Hai miss" sabi ko.

"Close ba tayo?! At kilala mo ba kung sino kausap mo?!" ang napakataray niyang sabi.

"Sungit naman makipagkakaibigan lang naman ako ehhh" ang pa sweet kung sabi.

"Well hindi ako interesado"ang sabi niya at nilayasan na ako.

Napakasungit naman nun akalain mo ini-snob ang kagwapuhan ko "perstaym yun dre perstaym!!!!!" yung iba nga sila pa lumalapit. Nakapang iinit ng ulo yung baklang yun at nang di ako nakapagpigil sumigaw ako.

"Ang taray mo naman kala mo kung sino ka" ang sigaw ko rito at alam niyo ang response niya sa akin tinaasan lang ako ng gitnang daliri niya.

Feeling ko nasira na ang buong araw ko unang unang pasok palang sa school gagsti mga tol!

At may mas malala pa palang mangyayari sa akin pauwi na ako ng may isang baklang humarang sa akin at tinanong kung ako daw si Matthew Tadena at nang umoo ako biglang lumabas ang isang lalaki at bigla akong sinuntok sa mata at biglang nagdilim ang lahat.

Nang magising ako nandoon parin ako pero masakit ang kaliwa kung mata at naalala ko ang lahat nang nangyari noong hapong yun.

"Bakit kaya nila ako sinuntok mga gago yun ahhh" ang sabi ko nalang sa hangin.

Nakauwi na ako ng bahay at buti nalang wala pa sila kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpakuha kay manang ng ice bag at sinabihan ko siya na pag tinanong nila ako sabihin na natutulog na ako at hindi ako gutom para makaiwas narin mahirap na.....

Maaga akong nag ayos para di ako makita nila Mommy at Daddy at baka mapagalitan at interview'n pa nila ako.

Itutuloy.....

The Gay You Never Want To MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon