(Crisnel's POV)
"Bwiset talaga yung lalaking yun ang ganda ganda ng gising ko at higit sa lahat napakaganda ko pero sinira ng tukmol na iyon talagang sinusubukan ako ng lalaking iyon" ang galit na sabi ko sa sarili ko at di ko na namalayan na nakalbo na pala ang damo sa harap ko nasa park kase ako ng school nagpapalamig baka may mabuntunan pa ako ng galit ko kawawa naman.
Papunta na ako sa classroom dahil malapit ng mag start ang klase namin at baka mahuli pa ako mahirap na, pero sa di inaasahan nakita ko si tukmol papunta na rin at naka isip agad ako ng gagawin.
"Walang hiya kang lalaki ka nandito na ako!!!!" ang malakas kung sigaw at sinugod siya.
Sa di inaasahang pagkakataon humarap lang siya ng malapit na ako sa kanya at nabigla ako sa pagbigla niyang harap kaya di ko na kontrol ang sarili ko at derederetso akong napunta sa kanya at natumba kaming dalawa.Sa pagbagsak naming dalawa natumba ako sa may dibdib niya at napa aray siya ng malakas at sa pagtingin namin sa isa't isa biglang nagwala ang dibdib ko na parang may milyong kabayong nagtatakbuhan at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko "Lub dub lub dub lub dub" di ko maintihan kung anong nangyayari sa sarili ko kaya tumayo ako agad at nagtatatakbo papunta sa classroom at hinawi ko lahat ng humarang da daan ko.
Sa pagpasok ko deretso ako sa upuan ko at swerteng wala pa si Ma'am kaya umupo nalang ako at kinakalma ang sarili ko "Ano yun? anong nagyayari sa akin bwiset na lalaki yun" ang nasabi ko nalang sa sarili ko.
Makalipas ang ilang minuto dumating na si Ma'am at sa pagdating niya yun rin ang pagpasok ni tukmol at nang tignan ko siya nginitian niya ako na parang iniinsulto ako "Badtrip na lalaking yun talagang iniinsulto ako!" ang bulong ko at nagsimula na ang klase.
Discuss dito, discuss doon, recite dito, recite doon yan lang naman ang nangyayari pero biglang.
"pssst! psssst! pssssst! pssssst!" ang paulit ulit kung naririnig at nang di na ako makatiis tinignan ko kung sino ito at tama nga ako si tukmol na naman kaya pinandilatan ko siya ng matigil sa ginagawa pero ng flying kiss lang ang gago.
Ewan ko sa sarili ko pero napangiti ako ng wala sa oras dahil siguro ngayon lang may nagtangkang kumuha ng atensyon ko dahil sa lahat ng nagpapansin sa akin hindi ko sila binibigyang pansin pero iba si tukmol hindi siya tumitigil kaya siguro napapangiti na lang ako.
Pero winaglit ko sa isipan ko ito walang sinumang lalaki ang dapat umaali aligid sa kanya dahil hindi siya pwedeng magkagusto sa lalake dahil pare pareho lang sila iiwanan ka rin at lolokuhin ka lang nila o kung hindi man aaligid lang sila sa'yo dahil mayaman ka.
Yan ang mga natutunan ko sa buhay walang fairytale sa mundo o kung ano man diyan na nagpapaniwala na may "Happy Ending" dahil pagdating ng araw iiwanan rin nila tayo kaya huwag kang makampante.
Naiiyak na naman ako sa naiisip ko kaya nagpa excuse na ako sa teacher namin at dali dali na akong umuwi para ibuhos lahat ng sakit ng loob ko sa kwarto ko para walang makakita sa akin para walang makakitang mahina ako dahil alam nila matapang ako pero di nila alam mahina talaga akong tao napapagod rin at kailangan ng pagmamahal.
"Kailan ko kaya mararanasan ang pagmamahal? o kung mararanasan ko ba ito? dahil mismong mga pamilya ko wala man lang pakialam sa akin basta mapakain lang nila ako sapat na punyetang buhay to!" mangiyak ngiyak kung sigaw sa kwarto ko hanggang sa makatulog na ako kakaiyak.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
The Gay You Never Want To Mess
RomanceSi Crisnel Balallo Magandang bakla, Mayaman, Masungit, Lahat nakukuha niya, Mataray, Walang awa, Maraming Lalake ang nahuhumaling sa kagandahan niya, Isang Leader ng isang sikat na gang, Sopistikada, Sa maniwala't kayo't hinde Matalino siya at lagin...