Tala, saan ka matatagpuan?
Nais na muling masilayan
Ang ganda ng pagkabusilak
Daig pa lahat ng bulaklak
Mga ulap ay tinatakpan
Ang mahiwagang kagandahan
Nais maramdaman ang init
Ngunit ngayo'y puno ng pait.
Nawa'y kaya kong pawiin
Mga ulap sa aking paningin
Upang ngiti mo'y pagmasdan
Walang humpay n kaligayahan.
Tala, nasaan ka na ba?
Naghihintay ako sa iyo, sinta
Ang iyong dakilang pag-ibig at diwa
Nasa puso nitong makata...
Dedicated to: Victims of Typhoon Maring (2013)
BINABASA MO ANG
First Wave
PoetryMy collection of poems during my high school days. Wait for other pieces to be uploaded for I know I had already written dozens of poems.