3: Red Velvet Cupcakes

21 0 0
                                    

A/N: Continuation pa rin po ito ng flashback. Kung mapapansin niyo, pinalit ko siya into first person point of view. Mas madali kasi e. :P Ie-edit ko din yung naunang dalawang chapter into first person's POV pag sinipag ako. :P

Enjoy reading. ♥

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THREE

~Charlotte~

Kagaya ng nakasanayan kong gawin, nagpunta ako sa gazebo ng open field ng campus nang mag-lunch break. I really like this place. Nasa may dulo kasi ito ng open field at hindi puntahan ng mga students. In short, tahimik. Napapalibutan pa ng naglalakihang puno kaya presko din. I never liked being in a crowded place, being the anti-social that I am. I got used to being alone since I was a kid.

I ate my vegetable salad while checking my camera when someone spoke.

“Hey, Charlotte.”

Somehow, alam ko na kung sino ang tumawag sa’kin bago pa ‘ko mag-angat ng tingin. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa’kin by my real name and not my nickname. And I was right.

There he was, Kyle Madrigal.

He smiled. “Mind if I join you here?”

I just shrugged my shoulders and went back to eating my salad. Pumasok siya sa loob ng gazebo at umupo sa tapat ko. Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong kumain.

“Yan lang kakainin mo for lunch?” tanong niya bigla.

I looked at him. “I prefer light meals.”

“Kaya naman pala ang payat mo,” pinatanong niya ang isang paperbag sa table. “Eto, kainin mo yan.”

“Why do you care? Tsaka ano ba yan?”

“I care because I’m your friend, remember? Your very first friend,” he winked. “And to answer your second question, that’s a paperbag.”

“Thank you, Captain Obvious.”

He chuckled. “Joke lang. Chill out! Pastry yan. Gawa ko.”

“You bake?”

“I’m a Culinary Arts student. Hilig ko talaga ang pagluluto at pagba-bake. Ginawa ko yan para sa’yo.”

“Why?”

“Because I want to give something for my new friend.” He smiled.

Hindi ako tumugon. Bakit ba ganito ‘tong lalaki na ‘to? He’s really persistent. Katulad nung isang araw na hinatid niya ‘ko sa condo, I gave him a silent treatment para lang tantanan ako pero sobrang kulit. In the end, he became my “first friend”.

I don’t know what’s up with me that I accepted his friendship. Marami noon ang gustong makipagkaibigan sa’kin. Pero hindi ako nag-open up. Dahil ayokong maging parte ng buhay nila.

But the sincerity in his eyes when he offered me his friendship… I don’t know. There’s just something different about him. But still…

Umiling ako. “Salamat na lang.”

He cocked his head. “Ayaw mo?” he sighed. “Sayang. Masarap pa naman ang pagkaka-bake ko ngayon sa red velvet cupcakes…”

Napatigil ako. “Red velvet cupcakes?”

“Yup.” Binuksan niya yung paperbag at nilabas ang isang medium-sized pastry box, and there it is, in front of me, so yummy looking red velvet cupcakes…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon