Man of my Dreams (Story)

506 36 14
                                    

 Man of my Dreams

Julia’s Point of View

“hmm. Alis na ko?” tanong ko sa sarili ko.

Nagtatanong pa ko alam ko naman yung sagot ayoko pa! Di ko pa sya nakikita.

May naramdaman ako sa pisngi ko. LUHA, lumalabo na ang nakikita ko at hanggang

Dumilim na. Wala na.

*ring**ring**ring*

Umaga nanaman pero di ko na sya nakita. Bwiset!

Wala ako sa mood dumaldal. Gumayak na para sa ekswela.

Habang mukha akong Zombie na naglalakad na lumilipad ang isip.

May isang epal na bumatok sakin.

 

“Elle? Paging Julia to earth, Julia to earth please. Taray ni Ate. Tulaley ang peg” Bungad ng Super Friend ko na si Fiee. Gwapo sya, mayaman, magaling pumorma pero bakla. At hindi Fiee ang pangalan nya: LIAM FIER V. ACOSTA. HAHHAHAHHA Sinusumpa nyang pangalan.

 

Ako? Di ako panget. SINO NAMAN BA MAGAADMIT NA PANGIT SILA?!  Typical lang ako na babae, simple lang ayoko ng fashion na may motto na TIIS GANDA. Medyo maldita at wala akong boyfriend, NBSB.

Di naman dahil sa walang nanliligaw pero walang pumapasa pano ba yan?

 

“JULIA?! LUWA NA NGALA NGALA KO DITO. GRAVEEEEEEE” inisna sigaw ni Fiee

 

“Bakit ba kasi?! LIAM FIER.” Sagot ko naman at hinarap na sya. Ka insecure na lalaki kay kinis at pink ng lips. Mas mukha pang babae sakin

 

“Magkwento ka nga. May shumuklulu promblema aura sayo” sabi nya habang parang espiritistang pineprayover ako.

 

“Ganito yun simula nung nag—“ tutuloy ko sana pero may sinabi si Fiee

 

“Nag 16th birthday ka, nanaginip ka ng konekektado sa isat isa?” tanong nya. Di ko nasabi mahilig magbasa ng witch crafts, wizardry, potions, love, old book myths at iba pa si Fiee

 

“Oo.” At hinayaan na nya akong ipagpatuloy na para bang may inaalala syang bagay.

 

“Nung birthday ko mismo nakatulog ako sa may car, lumuwas nga kami di ba nun. Nakakarinig lang ako ng may tumatawag sa pangalan ko, lalaki at lumiwanag at nasa isa na kaming school nandun sya nakatayo. Gwapo nya Fiee. Nung nakita ko sya parang may parte sa katawan ko na nabuo. Kinikilig ako sa kanya pero di ko pa alam pangalan nya. Kaya gusto kong natutulog. Fiee, nababaliw na ata ako” Pagpapatuloy ko. At si Fiee naman ayun parang ewan na may inaalala

 

“Friend. May nabasa na kong ganyan, aalalahanin ko” Tss. Akala ko naman kung ano. Pero love ko tong beki na to supportado ako.

Man of my Dreams (A Julniel One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon