EPILOGUE

2 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Manong! Sa Dalamama Academy po. Sabi ng dalaga. Mukhang nagmamadali ka talaga iha. Sabi ng tricycle driver. Opo manong. May kailangan po akong ma meet na tao. Importanting tao. Saad ng dalaga. Oh sige halika na't baka di mo maabutan.
Mabilis silang nakaabot sa Academy. Pagkabayad ng dalaga sa driver ay tumakbo kaagad ito. Hanggang sa nasa harap na siya ng isang pintuan. Sa harap ng Library to be exact. Nagdadalawang isip siya kung papasok ba o hindi. Papauwi na sana siya sa kanilang bahay pero bumalik siya upang makita ang isang importanting tao. Mga bandang 7pm na ng gabi at wala ng masyadong tao sa nasabing Academy. Napakacreepy ng lugar dahil na rin siguro sa madilim Ito kaya nakaramdam sya ng kaunting takot.Pero ipinagsawalang bahala niya ang kanyang takot at pumasok. Tumambad sa kanya ang maaliwalas na silid. Humakbang siya papasok at hinanap ang switch ng ilaw at pinindot ito ngunit hindi gumagana.
Aaahhhhhh! Napasigaw siya ng biglang kumalampag ang bintana. Dahil lang pala sa malakas na hangin kaya pinuntahan nya ito at sinarado ng biglang nagpatay sindi ang ilaw. Nanginig ang kanyang tuhod dahil sa takot hindi na nya kayang manatili sa silid kaya tumakbo siya papunta sa pintuan pipihitin na nya sana ang doorknob ng bigla itong bumukas.
Aaaaaahhhhhhhh!!!. Malakas nyang sigaw. Tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaking itim ang mukha at may bahid na pulang likido sa katawan nito. Teka lang miss-. Bago pa man matapos ang pagsasalita ng lalaki ay nahimatay na kaagad ang dalaga.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

All right reserves 2016. Jk.

It's Her DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon