*beep* *beep*
Andyan na pala si Mia.
Text ko nga muna si Meg na hini ako makakapasok ngayon..
SMS to: Meg
Meg, ikaw na muna bahala diyan. May trangkaso ako ngayon eh.
*beep* *beep*
"Zoey andyan na sundo mo."
"Opo manang lalabas na po."
"Oh hi Lou- yung totoo.. pool party kase yun eh. Why chucks?"
Onga no. Naka-pants pala ako tas chucks.
"Eh hehe okay na to. Di kase ako nagssandals eh."
"Kailangan mo talaga ng fashion101. Sige tara na nga!"
Medyo malayo rin yung resort. Galing sa bahay namin, mga 45 minutes din yung biyahe.
"Mia.. nandito na tayo. Gising na!"
"Ay nakatulog pala ako hehe. Tara na!"
Maganda naman yung resort.
Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko na kagad yung mga schoolmates namin na nakabikini.
Pasalamat sila hindi ako nagtangkang magbikini.. baka mahiya sila sa baby fats nila hahaha okay.
"You two made it!" Bungad ni Alysha.
"Happy birthday Alysha"
"Girl, hindi tayo magmmovie marathon! bakit ka nakapants and omg is that chucks? hahahahaha"
"Hayaan mo na sya Alysha."
"Kung gusto mo magpalit sabihin mo lang, sige na nandito na yata ang lahat."
Pumunta na si Alysha sa may flatform sa harap ng pool.
"Can you turn off the music." Sabi niya sa dj. "Uhm excuse me guys.. excuse me!! hmm okay. First, I would like to thank you for coming tonight. I know some of you have classes tomorrow but still manage to come here. Duh study hard, but party harder!!! hahaha so yea. Let's just enjoy the night. For the highlights of the night, I mean highlight. Just wait until 12mn, its a surprise so just enjoy. Woo!!"
Ano nanaman kaya pakulo ne'to?
"Louisa, umiinom ka ba?" Tanong ni Mia.. Kung alam mo lang.
"Nakatry nako dati.."
"Oh try mo 'to.."
"Ano 'to?"
"Vodka." Pag-abot niya, ininom ko kagad at umarte na parang 1st time uminom.
"Ang sakit sa lalamunan!" Umubo-ubo pa ako.
"Ano isa pa?"
"Mamaya na hehe."
Sayaw dito, sayaw doon. Inom dito, inom doon. Jusko parang club lang. May naghahalikan pa kung saan-saan.
11:45 na.. medyo naeexcite ako sa surprise kahit hindi ko alam kung ano yon.
"Guys!! we only have 15mins for the highlight!!" Sigaw ni Alysha.
Gusto ko pa sana uminom kaso wag na.. mahirap na. Nako 'to si Mia, nakakailang shot pa lang tumba na.
"L-louisa.. CR lang ako ah? hahahaha"
"Samahan na kita.."
"Hindi na, kaya ko pa!"
"Sure ka ah?"
Ayan ako na lang mag-isa dito sa table..
"Last 5 minutes!! Okay here's the deal. Dapat lahat ay nasa pool! So, go!!"
Anak ng.. ako na lang ang wala sa pool.
"Uy guys tignan nyo si Louisa oh!!" Sigaw nung lalaki.
"You know what to do boys!"
Binuhat nila ako.. isang lalaki sa kamay ko at iang lalaki sa paa.
1..
2..
3..
P*ta!! wala akong extrang damit!
"Ayan.. lahat nasa pool na. Let's get the real pool party started!!"
Bigla na lang namatay ang ilaw sa buong resort, except sa ilaw na nasa ilalim ng pool.
"Louisa, okay ka lang?" Si Lance pala.
"Oo hehe nakita mo ba si Mia?"
"Kanina, may sumundo sa kanya. Lasing na lasing eh."
"Hala.. wala na kong kasama."
"Ako bahala, dito ka muna sa tabi ko. Teka, tara dun sa may hagdan. May towel yata dun."
"Sige."
Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng katawan ni Lance.
"Eto tuwalya oh."
"S-salamat."
"Nanginginig ka. Tara sa room ko. May damit dun si Che. Mabait naman yun, hihiramin ko na lang."
"Eh sabi ni Aly-"
"Tara na nanginginig ka na oh."
Lance's POV
Puro sando pala 'tong dala ni Che. Yung v-neck ko na nga lang.
"Eto oh, puro sando kasi yung kay Che kaya shirt ko na lang isuot mo. Andun yung shower room kung maliligo ka."
"Ah sige.."
"Lalabas na lang muna ako, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na."
Nginitian niya lang ako.
Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko kay Louisa. Simula nung nakilala ko siya parang kahit tipid siya magsalita eh ang saya-saya ko kapag kasama ko siya.
"Lance, tapos na ako." sabay punas ng tuwalya sa buhok niya. Ang ganda niya pala lalo na pag walang salamin at bangs. "Ay!" Bigla siyang pumasok ulit ng kwarto at nagsara ng pinto. Bakit kaya?
"Sorry may inayos lang kasi ako hehe" lumabas ulit siya ng nakasalamin na.
"Okay lang haha diyan ka na pala matulog, kela James na lang ako makikitulog."
"Ay hindi! Sa sofa na lang ako."
"Wag na. Okay lang, maluwga pa naman 'don eh."
"Hindi na nakakahiya, dito ka na lang."
"Sure?"
"Ang laki-laki kasi ng kama. Hindi ako sanay matulog sa malaking kama eh."
"Sigurado ka ah? Sige magpahinga ka na. Maya-maya pa ako matutulog eeh."
"Sige.."
"Pre mukang may chx ka sa kwarto mo ah?" Si James, bestfriend ko.
"Sira. wala kasi siyang matutulugan, di rin makauwi."
"Palusot lang yan. Baka type ka non." Biglang bumilis tibok ng puso ko sa sinabi netong kumag na to.
"H-ha? hindi ah."
"Oh bat ganyan ka? wag defensive pre.. Ah alam ko na. Baka ikaw ang may gusto hahaha"
"Tigilan mo nga ako. Tara inom na lang."
Zoey/ Louisa's POV
Naleche na, mukang dito nga ako matutulog. Nabasa phone ko. Nakakaasar talaga!!
Ang tagal naman yata ni Lance. Makatulog na nga..
Ano ba yan! Bakit ba kailangang tumalon papuntang kama! Sarap na ng tulog ko eh!
"Lance?"
"Hmmmm? hahaha" Lasing pala. ts ang baho naman!
Tumalikod na lang ako para di ko maamoy.
~
Medyo mahaba-haba. hehe thanks for reading!! -Yel
BINABASA MO ANG
Naked disguise
Teen FictionZoey or Louisa is a college student which defines "a sex goddess behind a nerd glasses"...