Eleven

382 3 0
                                    

Nung kelan tinry kong basahin yung story ko and narealize ko andami pa lang typo.. hehe sorry ah? Paki intindihin na lang, di ko kasi napapansin eh. Thank you!!

~

"Hija gising. Nandito na tayo."

"Asan tayo?" 

"Basta sumunod ka na lang."

Andito kami ngayon sa isang building, hindi ko alam kung saan pero muka ngang mayaman ang bumili sa akin ngayong gabi. Yung nakita ni tanda na bumili sa akin ay yung driver lang pero sino kaya talaga yung bumili sa akin?

Habang naglalakad, may dalawang lalaki na nasa liko ko at tatlo sa harap. Dumiretso kami sa elevator a pinindot nung isang lalaki yung 8.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang mas maraming lalaki. Bodyguard yata. Puro sila armado. 

Medyo kinabahan ako. Sabagay isang gabi lang Zoey, isang gabi.

Mahaba ang hallway na nilalakaran namin hanggang sa pumunta kami sa dulo.

Binuksan nung lalaking nasa harapan ko ang pinto at nakita ko ang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa. Teka, office nga 'to. 

"Boss andito na po siya." Sabay hila sa braso ko.

"Ano ba!"

At iniwan na kami nung mga armadong lalaki.

"Hija, take a sit." Sabay pitik ng sigarilyo.

Inikot niya ang upuan niya at humarap sa akin.

"So, you're?"

"Zoey."

"Oh Zoey. Actually wala naman akong gagawing masama sayo. Gan'to yon parang blind date lang hehe" Akala ko pormal msyado 'tong matandang ko.

"K-kanino naman?"

"Sa pamangkin ko. Wala trip trip lang hehe" Sana kase matino siyang kausap diba?

"Ngayon?! Alas dos ng madaling araw?"

"Malamang hindi, bukas pa! Kaya matulog ka muna." Naguguluhan ako parang tanga kausap! "Alfonso, dalhin mo na si Zoey sa tutulugan niya."

Paglabas ko ng kwarto ay sumakay kami sa elevator. Msyadong mataas ang bulding na 'to. Pinindot ng lalaki ang 24.

Pagbukas ng pinto ay parang hotel. Puro kwarto. At dinala ako sa isang kwarto.

"Matulog ka na. Gigisingin ka na lang namin bukas."

Pagpasok ko, ay isang malaking kwarto.

Kung ikukumpara, mas malaki 'to sa kwarto ko. 

Inisa-isa ko ang sulok ng kwarto. Nakita ko ang banyo.May bathtub, jacuzzi at sauna. Separate din yung paliguan ay toilet.

Sa katapat ng cr ay may pinto. Walk-in closet pala. May konting damit at sapatos may mga bag din. At may letter..

Hija, pinabili ko ang mga 'yan para sayo. Hindi ko kasi alam kung ano ang tipo mong damit kaya pinabili ko yan lahat hehe magpahinga ka na. Good night!

Bumalik ako sa banyo para maligo. Wala akong oras magbathtub o jacuzzi kasi pagod at inaantok na talaga ako.

*knock* *knock*

"Ma'am Zoey, Gising na po!"

Ano ba yan, inaantok pa ako. Teka, 3pm na pala?! Jusko pag sobrang pangit ang pamangkin neto papatayin ko tong mga to!

"Gising na!"

Teka asan ba cellphone ko?

Ay nabasa nga pala. Swerte naman oh!

*knock* *knock*

"Uhm, hija. Ipapasok ko lang yung pagkain." Pagkabukas ko ng pinto may dala nga siyang pagkain.

"Salamat po, pero ang dami naman niyan"

"Hindi ko kasi alam kung ano gusto mo eh hehe."

"Uhm, hija?"

"Po?" Tanong ko habang sumusubo ng tinapay.

"Actually hindi alam ni Amiel ang gagawin ko. Sinabi ko na sakanya 'to dati pero ayaw niya. Gusto ko lang kasi magkaroon ng apo bago ako mamatay"

"*ehem* a-ano po?" nabilaukan ako sa sinabi niya.

"Matanda na kasi ako at hindi na ako magtatagal gusto ko lang talaga makita ang magiging apo ko. Si Amiel na lang kasi ang kasama ko sa buhay. Wala na rin kasi siyang magulang, wala rin siyang mga kapatid. Bali, siya ang magmamana ng lahat-lahat na kayamanan ko."

"Aah."

"Sige magbihis ka na. Labas nako!"

Pinili ko lang, dress na floral at pumps na black. Sigurado naman na formal ang magiging date na 'yon. Ginawa ko lang din na bun ang buhok ko para mabilis.

Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako.

"Tara na po."

Dinala na ulit ako dun sa opisina nung matandang lalaki..

Pagpasok ko nanlaki ang mga mata niya.

"So pretty hija!"

"Thank you po."

"Tinawagan ko na si Amiel at papunta na daw siya. Sige na umalis na din kayo. Kahit ayaw nung makipagdate. For sure magugustuhan ka non hehe"

"Ay, sige po"

"Bye!"

Pagbaba namin, nakaabang ang isang sasakyan. 

Ilang minuto pa huminto kami sa isang restaurant. Nakakain na ko dito at mamahalin nga ang mga pagkain. Good choice huh.

"Good afternoon ma'am, surname please?"

"Uhm, De Vera." Sagot nung lalaking nasa tabi ko. De Vera? Hmm familiar huh?

"Kayo na lang po ang sumunod." Kagad ko namang sinundan yung lalaki.

Habang palapit dun sa table may nakita akong lalaking nakaupo. Siya na nga yata yung Amiel.

Teka..

Parang kilala ko 'to ah.

ANAK NG!! SIYA NGA!!!

~

Sino kaya yon? hehe. Penge naman po ng votesssss. Tska comments na din kung ano pwedeng iimprove. Please please please? Nagiging boring ba or what? hehe sino nga kaya yung kadate ni Zoey? -Yel.

Naked disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon