#FirstLand/First Room

79 6 3
                                    

"AAAAH!!" hindi ko na kaya nahihilo nako, paikot ikot akong nahuhulog. Gaano pa ba kataas tong bangin nato?

*Splash!* napalingon ako sa likuran ko at napagtanto ko na..

"Lumulutang ako?" hindi hindi ako lumulutang, dahan dahan akong nahuhulog. Napatingin ako sa paligid, may iba't-ibang pinto dito sa pinto naman may mga larawan, napatingin ako sa isang pinto may larawan ito ng isang damit dahan-dahan naman akong pumasok sa kwartong ito. Bigla nalang akong nakuryente ng makapasok ako sa kwartong ito pero kuryente na para bang kinikilig ka. Masyadong maliwanag wala akong makita nakapikit kong kinakapa ang ding-ding may nahawakan akong isang matigas na bagay para bang..

"Sunglass?" hirap na sinout ko ang sunglass nayon, at namangha ako sa nakita ko. Damit, ang daming magagarbong damit. May mga damit na ang nakalagay ay isang diyamanteng hindi mo mahahawakan sa totoong buhay dahil ang mahal nito. Dahan dahan naman akong lumakad at tinitigan ang mga damit, ang gaganda sobra.

"IIIHHHHH!!" nagulantang ako bigla sa sumigaw, pagtingin ko ay may isang taong damit na nakatingi  sa akin. Nandidiri ang ipinapakita ng mga mata niya, nagsilabasan naman ang iba niya pang mga kasama. Bigla naman akong kinabahan ng biglang nagbulungan ang mga ito at lumapit sa akin.

"Lumayo kayo sakin. Yaaah!" nagulat nalang ako ng bigla nila akong ipinasok sa isang kwarto at mabilis na hinubaran nagulantang naman lahat ng sistema ko at nagpupumiglas nako. Ayoko! Virgin pako, jusko tulungan niyo ko!.

"Iiih?" maluha luha kong idinilat ang mga mata kong namataan ko na hindi na sila nakahawak sakin. Pagtingin ko nakatingin lang sila at parang nakangiti, naaliw sa nakikita nila. Itinulak ako ng isa papunta sa isang malaking salamin, at ng makita ko ang katawan ko namangha ako.

Ang ganda ng damit na sout ko, kulay kahel ito na sa ibaba ay may highlight ng kulay dilaw may mga maliliit na batong naka dikit sa damit ko na nagpapatingkad dito, mga diyamanteng nakakaagaw ng tingin.

"Iiiih!" napatingin ako sa mga taong damit, may kung anong pinagtatalunan sila. May isang lumapit sa akin at hinila ako sa kabilang kwarto, at ganoon lang rin ang proseso hinubaran ako ng taong damit. Nakapikit lang ako, hindi pa rin mawala ang kaba na nadarama mo. Pagbukas ko ng aking mga mata.

Isang offshoulder dress naman ang bumugad sa akin, kulay pula ito na may mga batong itim na pagtinitigan mo nagiiba ng kulay hindi pa rin mawala ang kaba at mangha sa mga nakikita ko. May binigay na paperbag ang taong damit, ito ang damit na kulay kahel. Lumabas ako at tinitigan ang kwartong pinasukan ko, mukha siyang baranggay ng mga damit hindi lang normal na damit kundi magagarbong damit.

"Iih?" may lumapit na isang taong damit sakin at inilahad ang laylayan ng damit niya, pinapasunod ako. Inilibot niya ako sa iba ibang sulok ng kwartong ito, ipinasout niya sakin ang iba-ibang damit. Ngayon lang ako nakasout ng napakaraming damit, may pera nga akong pambili hindi ko naman ito iginagastos sa pansarili kong pangangailangan.

Napaupo ako sa isang tabi, ang dami ko ng dalang paper bag. Ang dami kong isinout na damit, napalingon naman ako sa salamin na nasa gilid ko. Ang sout ko ngayon ay isang itim na turtle neck.

"Tick tock tick!" napalingon ako sa likuran ko ng may pamilyar na boses akong narinig. Ang kuneho! napatakbo ako palapit dito.

"Teka!" napatingin siya sa malaking relo niya at napasigaw.

"Papagalitan ako ng reyna!" at tumakbo papunta sa isang kwarto tumakbo naman ako at sinundan siya.
"Aaaaaah!!!" nahuhulog na naman ako wala na bang katapusan toh?!

BOOOOGSH!

"Aray..." napahawak ako sa bewang ko.

"Sino ka?" titignan ko na sana ang nakatayo sakin ng biglang...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A-Not-So Alice in WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon