The Decision

77 4 0
                                    

Chapter 8

Aljane POV 

Papasok na ako sa school para makita ko na rin si Bench. Pero bigla nalang may humila sa akin at dinala ako sa likod ng school namin. Bihira lang may dumaang tao dito. Kung may makikita ka lang ay yung mga late na estudyante na ayaw papasukin sa main entrance kaya ito nalang ang paraan para makapasok sila.Pero maaga pa kaya walang makakakita sa amin.

Pagkahila sa akin ay sabay tulak sa pader. At sa hindi ko inaaasahan na gawin niya ay hinalikan ako. Hindi agad ako nakapag-isip pero pagkatapos ng limang segundo ay bigla ko siyang tinulak.

"Ano bang ginagawa mo Adriel ! Pumayag na nga akong maging boyfriend kita pero wala ka paring karapatan na halikan ako !" nanggagalaiti kong sabi sabaya punas sa labi ko gamit ang likod ng kamay ko.

"Yun na nga boyfriend mo na ako kaya may karapatan ako." sabi niya ng mahinahon. " Mabuting makipagbreak ka na kay Bench habang maaga pa."

"At sino ka para diktahan sa gagawin ko ? Siya yung una kong minahal !"

"Matagal na yung panahon na nangako ka sa kanya. At sa tingin mo natatandaan ka niya dati ? "

Doon bumalik ang pinangako ko sa kanya.

'Bata ....sana magkita tayo paglaki natin at ikaw na ang magiging asawa ko :D " 

Yun lang ang pinanghahawakan kong salita na mahal ko si Bench. Pero pag wala ba yung pangakong yun mahal ko ba siya ?

Doon ko napagtanto na may tubig ng umaagos sa mukha ko at alam ko yun na umiiyak na ako. May naramdaman nalang akong isang bisig na yumakap sa akin.

"Andito ako Aljane, kahit hindi ako ang unang tumulong  pero ako ang huling lalaki na makakatulong sayo para maging masaya ka lang."

At bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang puso, bigla bigla nalang tumitibok sa taong nasa tabi ko. Pero ang mahalaga ay may taong handa akong mahalin kahit pinagtabuyan ko na siya.

At doon nakapagdesisyon na ako.

Adriel POV 

Andito kami ngayon ni Aljane sa Park, malapit sa school namin. Hindi na kami tumuloy sa klase namin dahil gusto kong makapag-isip muna ng desisyon si Aljane.

"Adriel ~ tulungan mo ako ha. Sa pagpapaliwanag kay Bench." nakasandal siya ngayon sa balikat ko.

"Basta para sayo." Kusa ko siyang tutulungan kahit hindi man niya sabihin dahil napabago niya ako sa pagiging playboy ko.

"Pano na si Collen?" bigla siyang humarap sa akin.

"Anong paano na si Collen ?" 

"Diba kayo ?" 

"Ee bakit kung kami ni Collen ?" Nakita ko sa mukha na parang sumimangot.

"Kung kayo pala edi hindi tayo pwede?"

"Anong hindi pwede ? Saan ?"  ang sarap niyang lokohin. 

Sa totoo lang, hindi naman talaga kami ni Collen. Plano namin yun para pagselosin si Bench. Hindi ko sinabi kay Collen na may gusto si Bench sa kanya. At itong si Collen naman may gusto kay Bench. Ang gulo ng buhay nilang dalawa ! Ginulo pa yung panliligaw ko kay Aljane na dapat kami na ! 

Liligawan ko na dapat sa araw na yun si Aljane pero naunahan ako ni Bench. Yung akin kasi plano ko na mamayang hapon kasi nagpareserve pa ako sa isang restaurant pero hindi na natuloy.

 Pero okay lang na hindi natuloy dahil gusto kong maisip ni Aljane ang isasagot niya na walang pagaalinlangan.

"Hay naku ! kung kayo pala ni Collen edi hindi ko dapat ibre- "

"HINDI KAMI NI COLLEN ! KAYA IBREAK MO NA DAPAT SI BENCH !" 

"EEH ? " ano ba naman tong babaeng 'to ! ang lakas na nga ng pagkakasabi ko hindi pa narinig -_-" ishlow lang.

"Hindi naman talaga kami o naging kami ni Collen kasi plano nalang namin na pagselosin si Bench."

"Bakit si Bench ?"

"Aist ! Sasabihin ko na nga sayo ang dahilan."

At kweneto ko na nga sa kanya na may gusto yung dalawa sa isa't-isa at yung mga plano namin.

"Ahhh ~ Edi dapat huwag ko munang ibreak si Bench at pagseselosin ko muna si Collen ^_^ "

Hayyy naku ! mga naiisip talaga ni Aljane (-_-)7 Pero susuportahan ko siya dahil mahal ko siya :D Yan ang nagagawa ng pag-ibig. Bakla man pakinggan magagawa mo ? Nainlab ako ee' try mo  ^_________^ 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Thank you !!! :D #213 sa chicklit 'to :)))))

KristineJoyDacanay :D

Bestfriend turned to Lovers -slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon