• Prologue

13 1 3
                                    



~~~

"Jack, sorry ah? Pero kasi mahal na mahal kita eh. Alam ko namang kaibigan lang ang turing mo sakin.. pero wala eh, tanga 'tong puso ko.. Sorry.." naiiyak ako habang sinasabi ko sakanya ang mga katagang iyan.. Alam ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin, pero wala eh.. minahal ko siya..

"Haaa?! Sorry Coleen, hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo, sorry.." lalo akong naiyak noong sinabi niya iyan.. lalo akong nagmukhang kaawa-awa.. Ang tanga ko.. Mas inuna ko ang nararamdaman ko kesa sa pag kakaibigan namin..

"Okay lang.. Pero pwedeng payakap? Last na to promise!" wika ko sakanya habang nakangiti.. nakangiti habang tumutulo ang luha..

"Sige.." napawi ang ngiti ko noong niyakap niya ako, at lalo lang akong napahagulgol.. "Sorry, Coleen." bulong pa niya.. kaya lalo akong napahagulgol sa iyak..

Naalala ko nanaman ang senaryong iyon.. 3 years ago mula nang mangyari ang mga 'yon.. 3 years ago mula nung nagawa ko ang pinakamalaking pag kakamali sa buong buhay ko..

Pinakamalaking pagkakamali? Haha! Yan ang tawag ko sa kagagahang ginawa ko.. Dahil sa pagamin ko ng nararamdaman ko sakanya, nawala ang pag kakaibigan namin..

Masayahin akong tao.. Noon, hanggang ngayon pero ang pinagkaiba lang.. Noon wala akong dinadala kaya natural lang ang pagiging masiyahin ko, Pero ngayon? Masayahin pa rin ako pero meron akong dinadalang mabigat sa damdamin ko..

Hayy well that's life.. Pipilitin kong maging masaya dahil ako si Athena Coleen Kirsten, isinilang akong matatag. Kaya alam kong lilipas din tong nararamdaman ko. Kakayanin ko 'to!

---

Ang lame ng prologue hahahaha sorry naaaaa! first story ko 'to eh.

Maraming typos dito kaya kung perfectionist ka chupi chupi ka na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon