II

3 0 0
                                    

{ KYUNGSOO }

"Kakain na!" Sigaw ko sa kanila. Pano, iniwan ako dito sa kusina. Lahat sila nagpractice ng sayaw.

"Mm ang bango!" —Yeol
"Sarap naman niyan, hyung!!!" —Sehun
"Shet real food!" —Lay

Nabatukan ko naman siya sa sinabi niya.
"Oy gago anong real food? Bakit, nagluluto naman ako sa dorm ah? Kingina neto."

"Eh. Ewan ko din. Hahaha! Kainan na!!!"

Natawa nalang kaming lahat sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, sabi ko kay Yeol, siya maghugas ng pinggan tutal kanina pa sila nagmomoment ni Baekhyun. Sabi ko onting distansya muna! Hahaha.

"Kai!" Tawag ko sa kanya.
"Oh, hyung bakit?"
"Tara sa basement."
"Ha? Bakit?"
"Turuan mo ko ng sayaw. Di ako nakapagpaturo kanina eh? Ayos lang ba?"
"Oo naman hyung. Teka, bihis lang ako."
"Sige!"

~~~
"May problema ka ba, Jongin?"
"W-wala naman hyung. Ba't mo naman natanong yan?"
"Wala pero nauutal ka. Tanga ka din eh? Ano ba talagang meron? Kanina ka pa tuliro habang kumakain."
"Wala 'to hyung. Promise." At nginitian niya ako.

'Yung ngiting 'yun. Nakakatunaw. It still has the same effect on me. Grabeng puso naman 'yan, Kyungsoo.

"Sige na nga. Basta pag may problema ka, sabihan mo lang ako ha?"
"Oo naman. Oh game na, turo ko na."

~~~
Natapos kami magsayaw after an hour kasi mas marami pa kaming tawanan. Nung napagod ako, saka lang kami umakyat ulit sa taas. Magaaya na dapat ako umuwi kaso ang nakita kong set up ganto:

Si Chanyeol at Baekhyun, magkayakap sa sofa. Si Chen nakahiga sa hita ng Xiumin. Si Suho, Sehun, at Lay magkakatabi sa sahig. Lahat sila tulog. Wow.

Gigisingin ko pa sana sila kaso sabi ni Kai,
"Wag na hyung. Hayaan mo sila matulog diyan. Sa taas nalang tayo matulog sa kwarto ko. Magigising din yang mga yan."

"Sige." Pero kinikilig ako deep inside. Hah. Tangina Kyungsoo, sa kwarto daw niya!!! Heh magtigil. Bawal lumandi.

~~~
Nagising ako ng maaga kinabukasan. Napatingin ako sa tabi ko, he really looks like an angel. Napakaamo ng mukha. Napakaganda ng mata.

"Good morning, hyung. Bawal 'yan ah. Baka matunaw ako." Sabay kindat sakin.
"Peklat ka naman, Kai. Di kaya kita tinitignan."
"Bakit? Sinabi ko bang tinitignan mo ko? Hahaha ang cute mo!" Sabay kurot sa dalawa kong pisngi.
"Aray ko, Kim Jongin! Masakit ha!! Bangon na nga!"

Tumayo na ako mula sa higaan pero hinila niya ako which caused me to lie on top of him. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

"Ang ganda pala ng mata mo, hyung."
"Natural. Malaki pa nga diba?"
"Ah, oo nga pala. Kwago ka nga pala."
"Whatever, dancing machine. Bangon na please? Baka ano pa magawa ko."
"Bakit? Ano nga bang gagawin mo?"

And he smirked. JUSKO PO KAI. WAG KANG GANYAN.

"Heh bangon diyan!"

Tatayo na sana ako, pero hinila niya ulit ako. This time it caused me to almost kiss him. Buti nalang I fought the freaking urge to do so.

"Ano nanaman?" Sabi ko nang hindi ako nakatingin sa kanya.

"Ba't di ka makatingin? Sakin lang tingin, hyung!"

Pagtitig ko sa kanya, naramdaman ko agad yung labi niya sa labi ko. Shet. I'm on fire, gago. Ang aga aga! Kyungsoo tigilan mo!!

"That was a good start. Good morning, hyung. Baba na tayo?" Sabi niya nang nakangiti, at inoffer niya pa sa akin yung kamay niya. Kinuha ko 'to at bumaba na kami.

WHAT JUST HAPPENED THERE?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Happiness, always / KAISOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon