Binilisan ko ang lakad ko.
Tatakbo na sana ako ng mabilis ng isang malamig na kamay ang bigla nalng humawak sa balikat ko.
Nagtindigan ang mga balahibo ko.
Sisigaw na sana ako ng bigla nalang maramdaman kong papalapit na siya sa harapan ko.
dugudug..
dugudug...
mabilis na tibok ng puso ko..
Pinikit ko ang mga mata ko.
Biglang tumahimik..
akala ko..nawala na ang nanakot sa akin..
pero nagulat ako sa muling pagdilat ko..
isang babaeng nakadamit ng mahaba na kulay puti,
hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi ang mapasigaw,
pero tinakpan niya ang bibig ko..
"hoy!ako to!ano kaba!!"..bulong niya sa akin.
Nilingon ko ang mukha niya at nagulat ako sa nakita ko,
Siya na naman! yung babaeng dumugas ng pera ko sa ATM.
"ikaw na naman?ano paba ang kailangan mo sa akin ha?kailan mo ba ako tatantanan?"..nanlulumo kong sabi sa kanya.
"pwede bang.."..
Hindi pa siya nakakatapos magsalita ng bulyawan ko siya.
"ANO NA NAMAN BA?"
Hindi na siya umimik,bagkus tumalikod siyang papalayo na animoy isang kuting na inapi.
Hindi ko alam kung bakit pero....
nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Sandali lang!!"
Lumingon siya.
"Kumain ka na ba?"
Umiling siya.
"halika..pumasok ka muna...sabayan mo nalang ako sa pagkain"
Ngumiti siya saka lumapit sa akin.
"Oh anak..ginabi kana yata?may problema ba?"tanong ni mama.
"Wala naman po" sagot ko.
"Teka..sino siya anak..kaibigan mo?"
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng bigla nalang mag salita ang babae.
"ako po si Jane fiencee ng anak nio!"
Sa gulat ni mama ay nanlaki ang mga mata nito.
Kahit kailan kasi hindi inakala ni mama na magkaka girlfriend ako dahil sa ka werduhan ko.
"hindi po yun totoo! " ,depensa ko sa sarili ko.
Pero bigla nalang umiyak ang babae.
"Maam buntis po ako at ang anak niyo ang ama!"
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang dala dala ko,samantalang si mama,hinimatay naman.
Aklain mo....
No girlfriend since birth akk taposbigla nalang may magsasabing.........
"TATAY NA DAW AKO?"