Ikaw na nag-iisa;
Nag-iisang liwanag na aking nakikita
Sa gitna ng dilim
At pag ako'y nag-iisa
Ikaw ang nag-iisa
Nag-iisang tinig na aking naririnig
Nagsisilbing musika sa aking pandinig
Musikang nananatili sa puso't isip
Ikaw ang nag-iisa
Nag-iisang pag-ibig na aking nadarama
Pag-ibig na hinahangad bago ma kita makilala
Na ngayon sa puso ay nakatatak na
Ikaw ang nag-iisa
Nag-iisang nilalang na nais makasama
Sa habambuhay maging sa kamatayan pa
Dahil mahal kita...
Ikaw lang at wala nang iba.