WHEN I BECAME A REBOUND
DISCLAIMER:
This is only a work of fiction. Created by my own imagination. I wrote this, and I didnt copied from others work. Please, NO COPYING OF WORKS. (Kahit wala naman talagang kokopya hahahaha!)
---
I was busy having a chit-chat with my best friend Aya when I saw him walking alone, again.
Like the always, suot suot nanaman niya yung earphones niya’t nagpapakaloner sa buhay.
“Best! Sorry, maya na lang tayo mag-usap ha? Sa tingin ko kasi may isang taong kailangan ng makakausap. I love you Best! Be considerate!” Sabi ko sa kanya. Nilingon naman niya yung tinitignan ko and after that umiling iling na lang siya’t tumango sakin.
“As usual, ipagpapalit mo nanaman ako na best friend mo sa oh-so-ultimate crush mo.” Sabi niya habang tinataboy taboy na ko palayo. Natawa na lang ako.
Sanay na sakin yang bestfriend ko, na everytime kasi na makikita ko siya, talagang lalapitan ko para kausapin. Wala lang, reflex reaction na siguro yun sakin. Tsaka wala eh, crush ko. Matic na yun.
Anyway, the name’s Amy Fariñas, a 3rd year Accounting student. Yes, third year, I survived these past two years and still fighting for life. Kidding. Anyway, done with the introduction. That’s my name and that’s it.
Nilapitan ko siya. Si Steven Alexander dela Cruz. Also known as Xander. But I call him Teban or Steven. Ang three years crush ko. Ay mali, ang three years one sided love ko.
Napakakulit, masayahin, at napaka-hyper niyang tao. Napaka-friendly din. Lagi pang naka-smile. Kaya talagang mabubuo ang araw mo pag nakikita mo siya. Ang lakas kasi ng impact niya sayo, lalong lalo na yung ngiti niya. Kaso noon yun eh. A year ago. Nung di pa sila break ng girlfriend niya.
Mabilis kumalat sa campus yung about sa break up nila ng girlfriend niya. At di na ko nagtataka kasi di lang naman ako ang naga-admire sa kanya. Most of the girls here, may gusto sa kanya. Syempre tulad nung nasa description ko sa kanya, bonus pa na ang gwapo gwapo niya, di malabong maging Campus Hearthrob siya. Haler, alam mo naman kabataan ngayon, basta ba gwapo, crush mo na! Aminin!
“Hey Steven Alexander dela Cruz. What’s with the long face again? Araw araw lagi ka nalang nakasimangot. Di ba nangangalay yang panga mong naka-stiff lang. Try mong dumaldal, ikaw rin, maba-bad breath ka.” Pang-aasar ko sa kanya. Ine-expect ko na ang pagkunot ng noo niya pero nagtaka ako kasi nakatingin lang siya sakin. Yung tingin na parang clueless sa mga pinagsasasabi ko.
Napailing na lang ako ng ma-realize ko ang kaengotan ko kasi nawala sa isip kong nakaearphones nga pala siya.
Paano pala kung sinasabihan ko na siya’t tinatawag ng kung anu-ano, wala pa rin siyang idea? Ang cute talaga nitong love ko na hindi naman ako love.
Imbis na humugot at mag-drama pa ako, sinabayan ko na siya sa paglalakad at hinila ko nanaman bigla yung earphones mula sa tenga niya.
“Anu ba naman Amy. Bakit ba lagi mo na lang bigla biglang hinihigit yung earphones sa tenga ko?” Inis na sigaw niya sakin. Natawa na lang ako, sa araw araw na ginawa ng Diyos lagi na lang ganito ang scenario namin. Kaya sanay na sanay na ko sa pagsusungit niya even though, miss na miss ko na yung dating siya.