Chapter 1

224 8 7
                                    

"aaaaaahhhhhhhhhh!!!"

"sh*t! asan ang magnanakaw? asan?" 

napabalikwas ako at nahulog sa kama ko dahil sa sigaw na nanggagaling sa kung saan..

pero wala naman ako nakitang magnanakaw..

ai putakte! anu ba yan??

sino ba ang nambubulabog sa mataimtim kong pagtulog?

lumabas ako sa unit ko kahit di pa ko nagsusuklay at gulo-gulo ang buhok..

pero mind you, nagmumog na muna ko bago ko lumabas,,nakakahiya naman kung may makasalubong ako sa labas..

taranta parin ako dahil di parin natitigil yung pagsigaw,,

pucha naman ohh! malamang si Maxwell na naman yan! anu na namang problema nian?

"HOYY! PWEDE BA TUMAHIMIK KA JAN! NAKAKABULABOG KA NG KAPITBAHAY!"

sigaw ko habang pinupukpok ang pinto ng unit nia..

oo, magkapit-unit kami..hehe..kaharap ng condo ko ang condo nia,. 

bakit ba hindi soundproof ang unit nia? nabubulabog tuloy ako ngayon..tsaka anu bang nangyayari??

dahil wala naman mangyayari kung magstay pa ko dito, pumasok nalang ulit ako sa sarili kong unit..

pero kakasara ko palang ng pinto nung may bigla namang kumatok ng malakas..

aii leche,,kaninang nasa labas pa ko, hindi dumating 'tong kung sino man na 'to..tapos ngayon, balak pa yata manira ng pinto ng may pinto? kung makakalampag, akala mo gigibain na 'tong buong building ehh..

pagbukas ko...

"anu bang problema mo----"

O-O

O_O

di ko na naituloy ang sasabihin ko at napatitig nalang kay Max.. Max nalang itawag natin, masyado mahaba pag Maxwell..

may dala syang...

baby??

"hoi, Maxwell, k-kaninong anak yan??" -nauutal na tanong ko..

tinignan nia naman ako ng masama..

problema neto? nagttanong lang ehh!

"aba malay ko! di ko din alam.. nakita ko nalang 'to kanina paggising ko, anjan sa doorstep ko..anu 'to, si Harry Potter??" -sya

joke ba yun??

-___-

diba kasi si Harry Potter, iniwan din ni Dumbledore sa doorstep nila Uncle Vernon??

aiii..

shatap na, Yui.. hindi ito ang oras para mag storytelling ka ng buhay ni Harry Potter!

kung nagtataka kayo, magkakilala at medjo close naman kami nitong si Max.. 

medyo lang ha!

babaero yan ehh,,sarap hambalusin..kung makapagpalit ng babae, akala mo nagpapalit lang ng brief!

napatingin naman ako sakanya dahil may naisip ako..

"teka, baka naman anak mo yang batang yan??" -ako

nanlaki naman ang mga mata nia,,  "excuse me? anung sabi mo??" -sya

"deny ka pa! anak mo yan, noh?? sa dami ba naman ng babae mo, hindi malabong nabuntis mo ang isa sa kanila! ano? tama ako noh??" -Ako

Baby Connection :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon