Single 4

18 1 0
                                    

Anna's P. O. V

May tupak na tong lalaking to. Paano naman ako naiiba babae naman ako.

"May tupak ka na"sabi ko.

"Hahaha wala akong tupak paano mo naman nasabi yan"tawa parin siya ng tawa.

"Wala tumigil ka na nga"uminom na lang ako ng juice.

"Ay. Nga pala kanina pa tayo naguusap pero hindi pa ako nagpapakilala. Kent nga pala"sabay parang magseshakehands yung kamay niya.

"Nah. Hindi ako mahilig sa shakehands"binalik na niya ulit ang kamay niya.

"So, anong pangalan mo?"tanong niya.

"Ano muna ang buong pangalan mo. "luh. Di ako nagbibigay ng pangalan pag hindi ko alam ang buong pangalan ng humihingi ng pangalan ko at hindi ko kakilala.

"Sige pero kailangan ipangako mo na ibibigay mo ang pangalan mo. "

"K. "

"Kent Matthew Lee, sayo? "

"Half Korean? "
Tanong ko.

"Yes. Ikaw iniiba mo ang usapan. "What? Bakit niya naman nasabi na iniiba ko ang usapan. Nagtatanong lang naman ako.

"Hindi ko iniiba ang usapan nagtatanong lang naman ako. "

"Sagutin muna bilis. "

"Wala! Bawal. "sumimangot naman ang mukha niya.

"Ang daya mo."

"Hahaha paano naman ako naging madaya?"
Tawang tawa kong pahayag.

"Sinabi ko sayo pangalan ko. Full name pa yon pero ikaw wala. "sumisimangot pa rin nyang sabi.

"Pano kung wala akong pangalan? "

"Impossible! Lahat ng tao may pangalan. Sige na! Promise hindi ko naman sasabihin kahit kanino. Lalo na kay Mingyu at sa mga barkada niya kasi alam ko naman na magtatanong talaga yang mga yan sakin kasi kinakausap mo ako pero si Mingyu pinaalis mo kanina. Tatak na tatak ka sa kaniya kasi first time yon. "mahabang lintaya niya. Ang haba grabe. Nerd ba talaga to?

"Sige, siguraduhin mo lang na wag na wag mong sasabihin kahit kanino kundi hahanapin kita kahit saan mang sulok ng mundo at ipapapatay kita"hahaha yung mukha niya parang natatae nagbibiro lang naman ako.

"O-o-ahem... Oo naman promise yan cross my heart. "una nauutal siya.

"Anna"yan lang ang sabi ko.

"Alam kong unfair para sa side ko pero tatanggapin ko. Anna nice name. Basta totoo yan ha"

"Do I look like a liar? "seryoso kong sabi.

"So, Anna nga. "nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ako.

"Ano nga ba ang ginagawa mo dito? "tanong niya.

"Wala. Tambay"

"Ah.. "boring na nito.

Ako lang magisa ang pumunta dito. Hindi ko sinama yung dalawa kasi time ko to para sa sarili ko. Nakita ko tong new open na coffee shop kaya pumunta ako dito.

Ilang minutong katahimikan. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko. All black rin ako ngayon. You know blouse and pant pero hindi ito yung sinuot ko kahapon. Walang dalang bag. Phone at money lang tapos keys ng kotse ko. Nagkotse ako papunta dito, actually nagdrive lang ako ng nagdrive buong araw hanggang sa makita ko tong coffee shop and not to mention hapon na ngayon.

SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon