Single 7

8 0 0
                                    

Akala ko sa Exit Door or I should say sa HAGDAN kami dadaan pero salamat dahil mayroong biglang lumabas doon at siguro kasama sila sa mga gustong humuli sa amin---sana sa kanya nalang nasama pa ako. Lumiko kami bigla at mabuti nalang dahil mayroong elevator ang problema nga lang baka maabutan kami. Huminto kami at agad agad niyang pinindot ang button at tinignan kung malapit na ba ang mga taong sumusunod sa amin. Mukhang malapit na sila dahil naririnig ko na ang mga yabag nila. Mabuti nalang at mabilis na bumukas ang pinto ng elevator. Pumasok na kami agad dahil mahirap nang maabutan pa. He press the button na nagsasabi na sa ground floor kami pupunta.

"Sino ba sila?" tanong ko. Hindi ko sila kilala malamang at kung bakit nga ba siya hinahanap ng mga taong yun. Ang dami kaya nila. Nasali pa ako -_-

"You don't Fucking care! Will you shut your fucking mouth and don't you ever fucking talk." Grabe siya panigurado hindi sa langit ang bagsak niya 😂

"Anong you don't fucking care ang sinasabi mo? Nasali ako sa kabaliwan mo o kung ano mang ginawa mo na dahilan kung bakit hinahanap ka--pati ako ng mga lalaking yun tapos sasabihin mong wala akong pakialam? Amaw -_-" Bwisit lang 😬

"If you didn't talked a while ago habang nandoon ang mga lalaki sa condo ko hindi sana tayo nasa ganitong sitwasyon." katwiran niya.

"At kung hindi ka ba naman nagtago sa balkonahe ko dahil bakla ka dahil ayaw mong magpakalalaki at humarap, nakipagsuntukan o kung ano man sa mga lalaking yun. Hindi sana ako nasama dito."sagot ko naman dito.

"So, you want to be punched by someone?" Huh?

"Punched pinagsasabi mo? Bakit naman ako masusuntok kung doon ka lang naman sa condo mo makikipagsuntukan!" Nasali pa ako, nasaan na ba ang utak ng lalaking to?

Bumukas na ang elevator at 10 lalaki lang naman ang nag-aabang sa amin.

"Mr. Kim how are you?" sabi ng isang lalaki na nasa pinakaharap at mukhang pinagsakluban ng langit dahil sa kagwapuhan 😲 May mga hawak silang mga baseball bat, mga malalaking kahoy at mga metal pipes. Mukhang hindi maganda ang mangyayari ngayon.

"Don't ask me with that fucking damn question you fucking idiot. You're the one who fucking need that question and try to look in the mirror because I think you need to see you're fucking ugly face. "May gana pa talaga siyang sabihin ang mga salitang yon? Nanggigigil na ata ang lalaki na patayin tong katabi ko.

"Anong sabi mo?" Tanong ng lalaki.

"You're ugly. "
Sagot nito ng kalmado.

Umitim bigla ang aura nito at halos hindi na maipinta ang mukha niya.

Dahil sa galit dali dali itong sumugod. Ang lalaki namang katabi ko parang wala lang sa kaniya at hinintay ito na makalapit sa kaniya bago niya sinuntok. Isang suntok lang nawalan na ito ng malay. Weak 😑 Sabay sabay na sumugod ang mga alalay nito pero bakas pa rin sa mukha ng lalaki ang kawalan ng expression. Akala ko ba bakla siya 😏 Kung kanina pa sana siya lumaban sana hindi ako nasali dito. Mahimbing sana akong natutulog ngayon. 😒
Nang makalapit na ang mga kalaban nito saka lang siya gumalaw at umiwas para hindi matamaan.

"Wag na wag kang gagalaw diyan." Sabi nito sakin. Habang nanonood ako kung paano siya makipaglaban ay hindi ko maiwasang mamangha kung paano siya umiwas at sumuntok na parang walang mga hawak ang mga kalaban niya. Masasabi kong parang sisiw lang sa kaniya. Tumaas ang kilay ko ng may lumitaw bigla sa harap ko. Lalapit sana ito ng sinipa ko ang pinakainiingat-ingatan niya 😂 at sinuntok siya ng mapaluhod. I press the button. Nang malapit na itong maclose ay nakita kong natalo na niya ang mga kalaban. Lumingon siya sa gawi ko. Nakita kong tumayo yung ala leader nila at may ipupokpok. Sisigaw sana ako pero huli na dahil sumirado na ang pinto ng elevator. Hindi ko lang alam kung bakit hindi man lang ako kinabahan. Sabagay, hindi naman kami close para mag-alala ako sa kaniya pero alangan naman kung wala akong gagawin diba? Hahabulin lang ako ng konsensya ko kung wala akong gagawin. Dali dali kong pinindot ang button na nagsasabing ground floor. Pagbaba ko napataas ulit ang kilay ko. Wala ng bakas ng mga tao dito maski yung lalaki-- sino nga ba yon? Ewan 😑 Napailing nalang ako at bumalik sa condo ko.

SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon