Chapter One

9 0 0
                                    

Michael Pedregoza's POV

"Go Michael, just always remember that we are here to support you" sabi sa kanya ni Mark.

"Tss." Sagot ko na lang.

"Grabe talaga, bunso wag ka namang ganyan. Matagal din tayong hindi magkikita tapos ang sungit mo pa rin." Nakanguso namang sabi ni Peter.

"Oo nga. Mamimiss ka namin bunsoy" maluha-luha namang sabi ni Simoun.

Lalo tuloy akong nainis sa inaasal ng mga ito.

"Tumigil na kayo!" Saway naman ni Frank. Ang pinakamatino niyang kaibigan. Magpapalamat na sana siya ng..

"Baka hindi tayo pasalubungan niyan." Sabay lapit sa akin at may binigay na piraso ng papel.

"Bunsoy ito yung size ng paa ko, wag mong kalimutan ah."

Lalong kumunot ang noo ko. Nasabi ko bang siya ang pinakamatino?

"Hay naku, tumigil na nga kayo. "Saway sa kanila ni Tita Minerva ang coach nilang lima.

"Ingat ka dun ah, wag magpapalipas ng gutom. Tsaka, wag mong kakalimutan ang magdasal sa Panginoon." Dagdag pa nito.

Ngumiti na lang ako ng pilit.

"Grabe bunsoy, baka sa pagbalik mo hindi ka na namin ma-reach." Sabi ulit ni Simoun.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Kasalukuyan kaming nasa Gate ng Campus at hinihintay ang magsusundo sa akin sa airport. Nakapasok kasi ako sa U.S. Open. Class hour pa kaya halos walang nagpakalat-kalat na estudyante kundi kami lang ngunit tumitingin pa rin ako sa paligid, hindi ko maiwasang malungkot dahil walang kasiguraduhan kung kailan ang pagbalik ko.

Ako nga pala si Michael Pedregoza, 20 years old, isang tennis player.

Bata pa lang ako ay pangarap ko nang sundan ang yapak ng aking ama. Dahil isa siyang Legendary tennis player. At ngayon, nararamdaman ko nga unti-unti ko nang naabot ang mga pangarap ko.

"Nga pala bunsoy, hindi ka ba magpapaalam sa girlfriend mo.?" Tanong sa akin ni Frank.

Buhat sa sinabi ni Frank ay agad kong pinalibot ang aking mata at nagbabakasakaling mahanap ang pinaka-inportanteng babae sa buhay ako.

"Michael, my bebe loves!!!"

Agad naman kaming napalingon sa sumigaw na iyon.
Nakita namin si Joanne na tumatakbo pa punta sa amin.

"Whhuuaahh!!! My bebe loves, galingan mo dun sa Amerika ah. Tsaka magdala ka ng tissue, baka mag nosebleed ka sa mga kano dun." Sabay abot ng bag sa akin na puno ng tissue.

Natawa naman sina Peter dahil dun.

"Joanne, seriously?"tanong pa ni Mark.

"Oo naman, bakit?"

"Baka nakakalimutan mo na 16 years ng buhay ni Michael ay sa Amerika siya nakatira." sabat naman ni Peter.

Napanguso naman si Joanne.

"Ganun ba."

At pinag-tripan na naman nila Peter si Joanne. Samantalang ako ay hinahanap pa rin ang kanina ko pa gustong makita.

Napansin naman ako ni Joanne.

"Ay my bebe loves, hinahanap mo si Leah? Andun siya sa isang bench malapit sa vendo machine."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad pinuntahan ang pinakapaborito kong lugar. Tama nga si Joanne dahil nakita ko ang babaeng mahal ko na nakaupo sa bench at nakayuko ang ulo. Agad ko siyang nilapitan at lumuhod para maitapat ang aking ulo.

One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon