Chapter Four

3 0 0
                                    

Leah Luz Sanchez's POV

"It's nice to finally meet you Ms. Sanchez, hope to see you soon."

Sino kaya ang lalaking yun? Tsaka bakit niya ako kilala?

Napabuntong-hininga ako lalo.
Isang buwan na ang nakalipas mula nung makapasok ako sa tennis club at isang buwan na din nagpapabalik-balik sa isipan ko ang sinabi sa akin ng lalaking yun.

Anong kailangan niya sa'kin? Wala naman kaming atraso sa kaniya.

Isa pang dagdag sa isipan ko sina mama at papa. Kahit na hindi sila nagsasalita ramdam kong may problema.

"Girl!"

Napapikit na nalamang ako sa ingay ni Joanne. Tsk. Kahit kailan talaga.

"Girl!" Sabay akbay sa akin.

Uwian na namin ngayon at naglalakad na kami palabas ng building.

"Ang ingay mo Joanne."inis kong sabi sa kanya.

"Sorry na. Sasabihin ko lang namang sabay na tayong umuwi eh." Sabi naman nito sabay pout.

"Tss."

Malapit na kami sa gate ng magtaka kami dahil ang daming taong nagkukumpulan. Especifically mga babae.

"Ay anong meron?"tanong naman ni Joanne sa'kin.

Nagkibit-balikat naman ako. At lumakad na lang paiwas sa mga nagkukumpulan.

"Ang gwapo naman niya."

"Anong name kaya niya."

"Baka hinihintay niya 'ko."

"Luh? Kung hinihintay ka dapat kanina ka pa nilapitan."

"Ilu-siyo-nada."

Lihim naman akong natawa sa mga naririnig ko. Mga babae nga naman, basta lalaki.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Joanne ng biglang may lalaking humawak sa braso ko.

"Gotcha!"

Nagulat naman ako at agad nilingon ang humawak sa braso ko.

Nanlaki naman ang mata ko.

"I-ikaw"gulat ko pa ring sabi.

"Yes, did you miss me."sabi pa nito sabay kindat. Nagtilian naman ang mga kababaihan dun.

Uminit naman agad ang ulo ko. Napaka-hangin naman nito.

"So, anong ginagawa mo dito?"pagtataray ko naman.

"Woah! Easy babe, you're too hot."sabay ngisi.

Lalo akong nainis kaya walang sabing tinalikuran ko na lang yung bastos na lalaking yun.

"He-, hey babe wait"sabay humarang ito sa harapan ko.

Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata.

"Ano bang kailangan mo?"

Ngumiti naman ng malaki ang lalaki.

"Well, let me introduce myself-"

"Hindi ako interesado."
Putol ko sa sinasabi ng lalaki sabay takbo at sakay agad sa bus.

Huminga naman ako ng malalim.

"Muntik na 'yun."sabi ko sa sarili ko.

Makalipas ang ilang sandali, ay nasa bahay na ako.

Papasok na sana ako ng pinto ng marinig ang parents ko na nagsisigawan.

"Hindi. Hindi ako papayag. Roman, sisirain mo lang ang buhay ng anak mo."rinig kong sigaw ni mama.

"Pero wala na tayong pagpipilian. Ito na lang ang paraan para maisalba ang kompanya."sagot naman ni papa.

Dahil sa gusto niya ding malaman kung anong pinag-uusapan ng parents niya ay bigla na lang siyang pumasok.

Nadatnan niyang nakaupo sa sala ang mga magulang niya. Si Papa na nakaupo at nakayuko. Si mama naman ay nasa tabi nito at hinahagod ang likod ni papa.

"Ma, Pa, may problema po ba?"

Parehas naman silang nagulat sa pagdating ko.

"Ahm.. a-anak, kanina ka pa ba diyan?" kinakabahang tanong ni mama.

Dahil sa ayoko ding magsinungaling ay tumango ako.

"Naririnig ko po kayong nagsisigawan nasa labas pa lamang po ako. Ano pong problema ng kompanya?" tanong at umupo ako sa tapat ng kinauupuan nila.

Kitang-kita kong nagkatinginan sila. Alam kong nahihirapan silang sabihin sa akin pero gusto kong makatulong.

"Ma, pa, di ba sabi niyo po sa akin bawal ang maglihim sa pamilyang ito. Sa ligaya man o sa hirap, sama-sama tayo." Pag-e-encourage ko pa sa kanila.

Bumuntong-hininga naman si Papa at si Mama naman ay sumisinghot na.

"A-anak kasi... ang totoo niyan..."huminga ulit ng malalim si Papa.

"Nalulugi na ang kompanya anak."nagsisimula na ding umiyak si papa.

Alam kong mahirap ito tanggapin dahil buong buhay niya kompanya ang naging buhay niya bago dumating si mama sa buhay niya.

"Ahm.. May, may iba pa po bang paraan para maisalba pa ang kompanya?"

Sa tanong kong iyon ay lalong umiyak sa mama. Agad naman siyang niyakap ni papa.

Base sa nakikita ko ay ayaw talaga sabihin ni Papa sa akin ang problema.

"Pa." Pagpupumilit ko pa.

"May paraan pero, ayokong i-alis sa'yo ang iyong kalayaan anak."nahihirapan ding sabi ni papa.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Nagsimula na din akong kabahan sa sinabi ni Papa.

"Dalawang buwan na ang nakakaraan. Nagbakasali akong mag-aagapan pa ang pagbagsak ng sales kaya nangutang ako sa isang kaibigan ko sa Japan. Pinautang naman niya ako ngunit kailangan ko ding mabayaran sa loob ng isabg buwan. Ngunit, pagkalipas ng isang buwan ay lalong bumagsak ang sales. Kasabay nun, ang paniningil sa akin ng kaibigan ko."huminga ulit ng malalim si papa.

"Tapos po?"

"Isang buwan na ang nakakaraan, nakita ka daw ng kanyang anak sa iyong eskwelahan. Nagustuhan ka daw ng anak niya. Kaya...."huminga ulit ng malalim.

"Kaya ang gusto nila bilang kabayaran sa utang ko ay ipapakasal ka namin sa anak nila. Kasama pa doon ay tutulungan din nilang makabangon muli ang kompanya."tapos ay yumuko ulit at yumakap kay mama.

Hindi ako makapaniwala sa narining ko. Kasal bilang kabayaran? Bumalik ba ako sa sinaunang panahon at nauuso na naman ang arranged marraige.

"P-pero anak, kung ayaw mo ayos lang kay papa ah."

Hindi na lang akp sumagot sabay tayo at dumiretso na sa kwarto ko.

Dumiretso ako agad sa kama at doon ko ibinuhos ang hinanakit ko.

Of all the people, bakit kami pa. Kainis naman eh.

Iniyak ko ng iniyak ang problema namin. Tapos ay kinuha ko picture namin ni Michael na nasa Bedside table ko.

Misha, tulong naman oh.. Hindi ko alam ang gagawin eh.

Pagkatapos ay niyakap ko ang litrato hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon