Chapter Two

11 0 0
                                    

Leah Luz Sanchez's POV

"Whuuahh!!! Good morning girl!!" Sigaw sa kanya ni Joanne.

"Good morning din Joanne." sabay ngiti.

"May assignment ka na ba? Pakopya naman ako."

"Wow, yan tayo sa mga hirit mo eh." Sabay iling ko.

"Ehh.. sige na girl." Pangungulit pa nito.

"Oo na! Pero last na 'to ah." Sabay bigay ko ng notebook.

"Whuuahh!!! I love you talaga girl!!" Sabay yakap sa akin.

"Oo na. Simulan mo na yan baka dumating na ang prof. natin."

Bumalik na si Joanne sa upuan niya. Habang ako, nag-iisip. Kamusta na kaya si Misha? Tulog na kaya siya? Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon tungkol sa kanya. At sa totoo lang, miss na miss ko na siya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Maya-maya ay dumating na din ang prof. namin at nagsimula na din ang klase.

Fast Forward

Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyan kaming kumakain ng mapansin kong hindi nagpapasinan ang parents ko.

"Ahm.. Ma, Pa, may.. problema po ba?"tanong ko.

Agad namang napatingin sa akin ang parents ko na parang gulat na gulat.

"Ha? Ah... naku, anak wala ito. Medyo napagod lang kasi si Papa sa trabaho."sagot sa akin ni papa.

"Sigurado po kayo?"tanong ko pa ulit. This time kay mama na ako tumingin.

"Ahmm... O-oo naman anak. A-ano ka ba? Kumain ka lang ng kumain diyan. Siya nga pala, kamusta kayo ni Michael, parang hindi ko napansin na hinatid ka niya ngayon."

Naalala ko na naman ang pag-alis ni Michael. Kamusta na kaya siya.

It's been a week since he went to U.S. pero parang kahapon lang nangyari.

"Ahm... N-nasa U.S. na po si Michael ma."sabi ko sabay yuko.

"Ganun ba."nasabi na lang ng mama ko.

"Sa totoo lang po, miss na miss ko na po siya."naluluha ko ng sabi.

Narinig ko namang bumuntong-hininga si Papa.

"Anak"sabay hawak sa kamay ko.

"Bata pa kayo. You're only 18 at dapat pag-aaral muna ang iniisip mo and such."malumanay niyang sabi.

"Nag-aaral naman ako ng mabuti ah. Ang taas nga ng grades ko eh."

"What I mean is, enjoy your teenages life. Masyado kang nasanay na si Michael lang ang kasama mo. Kaya ngayon, nahihirapan ka kasi wala siya."paliwanag pa ni papa.

Bununtong-hininga na lang ako.
"Why don't you do some extra-curricular activity para madivert yung atensiyon mo sa ibang bagay."suggest naman ni mama.

"Maybe your right ma."sagot ko naman.

"Balak ko nga po sanang sumali sa tennis club sa school namin."dagdag ko pa.

"That's great! I'll support you princess. When are we going to buy your tennis racket?"sabi naman ni papa.

"Hmm... How about on Saturday Dad?" na-excite ako agad dahil nalaman kong suportado ako ng parents ko.

"Great! On saturday then. How about you ma, sama ka sa amin?"tanong naman ni papa kay mama.

"Yes I am. Ano yun, iwan niyo ko dito mag-isa. No way."maarte pa nitong sabi.

Natawa naman kaming dalawa ni Papa.

Tama nga ang sinabi nila, iwan ka na ng lahat pero ang magulang mo, andiyan pa rin sa tabi mo.

And I could say that this is the first time I felt hapiness since Michael went away.

Michael, I hope your happy there in U.S., reaching your dreams. Don't mind me 'cause I'm just right here waiting for you.

One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon