Chapter 5

2.5K 25 0
                                    

April 27, 2016

"Kuya Prince may tanong ako sayo" binaba ko sa lamesa ang regalong binigay nila sa akin kanina

"Diba sinabi ko sayo Prince na lang?" umupo siya sa sofa at binuksan ang kinuha niyang pagkain sa ref

"Hindi nga ako sanay. Ang tagal tagal kong tinawag yun sayo, hayaan mo na kasi" tumabi ako sa kanya at tinignan siya. Anong alam niya kay Marcus Enriquez? Bakit may number siya nito sa cellphone niya?

"Ano pa lang itatanong mo?"

"May kilala ka bang Marcus Enriquez?" napatigil siya sa pagnguya at inilapag ang pagkaing hawak niya sa plato.

"Bakit mo natanong?"

"Eh kasi nung chineck ko yung phone mo kanina sa kotse, sa contacts mo may Marcus Enriquez. Kanina kasing umaga sa airport may nakilala akong kamukhang kamukha ni Daniel. Buhok, ilong, mata, ngiti, pati yung kiliti niya sa siko Kuya Prince lahat meron siya gaya ng kay Daniel. Kaso ang nasa nameplate niya Marcus Enriquez" ayoko ng paasahin ang sarili ko pero gusto ko lang makumpirma kung sino ba siya.

"Yung nasa contacts ko na Marcus Enriquez ay kaklase ko noong elementary. Tapos ngayon may-ari na ng isang car company. Kaya nakakabili kaagad ako ng bagong model na sasakyan dahil sa kanya. Binibigyan niya rin ako ng discount kasi isang beses sinamahan ko siya sa isang car event. At yung sinasabi mo naman, imposibleng may kamukhang kamukha si Daniel. Look Shae, mapapagod ka lang kakaisip sa kanya. Mag move on na tayong lahat okay?" hinalikan niya ang noo ko at tinapos ang kinakain niya. Maya maya ay nagpaalam na rin siyang uuwi dahil tinext na ito ng kanyang Lola. Alam naman nating Lola's boy yun si Kuya Prince.

"Shae" nagulat ako noong binuksan ko ang pinto at tumambad sa harap ko si Eunna na umiiyak, magang maga ang mata

"Anong ginagawa mo dito?" tumalikod ako sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko

"Sorry. Sorry sa lahat Shae" marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko

"Pagkatapos mo akong saktan, sasabihin mo sorry? Tanga lang ako Eunna, hindi bobo" sinara ko ang pinto. Sinisira niya ang araw ko. Gulong gulo na nga ako nitong mga nakaraang araw tapos dadagdag pa siya

"Shae, alam ko malaki ang kasalanan ko sayo. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong patunayan na nagsisi na ako". Matagal na panahon na yun. Lahat nang nasa paligid ko naka move on na, ako na lang ang hindi pa

"Eunna ano ba! Umuwi ka na! Nagmumukhang ako ang masama sa mata ng kapitbahay" nakaluhod siya sa harap ng pintuan ng buksan ko ulit ito

"Sorry... sorry" iyak siya ng iyak, kitang kita ko ang pagkapula ng mukha niya at pagkamaga ng mata niya

"Kung sayo ko kaya ginawa yon? Magagawa mo pa kayang patawarin ako? Eunna sa palengke ka na lang humingi ng tawad. Sawang sawa na ako sa lahat ng kasinungalingan mo" muli sinara ko na ang pinto at nilock ito, umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Chineck ko ang phone ko at may tatlong new messages at isang missed call.

From: Kuya Prince 6:32PM
Shae, bukas pumunta tayo sa Children Sunny Care ha? Stay tayo doon ng 2 days and 1 night okay? Goodnight my princess.

From: Kuya Prince 6:33PM
Wag mo na masyadong isipin yung nakita mo kanina. Baka di yun makatulog. Sige ka.

From: Clark 6:30PM
Clarise pwede ba tayong mag usap? Itext mo ako kung pwede na akong tumawag sayo

Clark (missed call) 6:29PM

Behind OUR PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon