Marcus
"Anong ginagawa mo dito?" gulung gulo kong tanong
"Ikaw ba yung sinasabi ni Nanay Desi na Ate Is?" tumayo siya at kinuha ang panyong nasa leeg para punasan ang kanyang kamay
"A-ako nga" bakit ba ako nauutal?
"Mga bata, maglaro muna kayo ha. Makikipagkilala lang si Kuya Bon kay Ate Is nyo" biglang naghiyawan ang mga bata sa paligid namin
"Uyyyyy! Kuya Bon Ate Is lab lab" naghugis puso pa sila Joshua, Yve at Hazel. Napatingin ako ng mariin sa kanila. Itong mga batang 'to. Tumawa lang naman si Marcus bilang tugon. Inakay niya yung mga bata sa playground pagkatapos ay bumalik sa harapan ko
"Marcus nga pala. Ikaw?" nilahad niya yung kamay niya
"A.. Ah.. Shae.. Shae Clarise" nakipagshake hands ako sa kanya. Bakit ba ako nauutal?
"Palagi kang kinukwento sa akin ni Nanay Desi. Ang sabi niya napakabuti mo raw na bata. Hindi niya raw akalain na lalaki kang isang napakagandang dalaga" umupo kami sa upuan katabi ng playground
"Si Nanay talaga" napangiti ako sa narinig ko mula kay Marcus
"Dito ka pala lumaki?" tumango ako bilang sagot. Naalala ko na naman ang pagiging bata ko dahil sa tanong niya.
"Uhm, Marcus pasensya ka na nung nakaraan sa airport ha" pag naaalala ko yung kahihiyang ginawa ko parang gusto kong lamunin na lang ng lupa
"Wala yun. Nagulat lang ako sayo" ngumiti siya. Yung ngiting yan eh! Promise magkamukhang magkamukha talaga silang dalwa
"Ahh.. Pasensya na talaga ha"
"Eh sino ba kasi yung Daniel na sinasabi mo na kamukha ko? Ganun ko ba talaga siya kamukha para mapagkamalan mong ako siya?" tumango ulit ako bilang sagot. Magsasalita pa sana siya pero biglang binuhasan kami ng tubig nung mga bata.
"Kyle! Bakit mo kami binasa?" tanong ko sa kaniya pero tumawa lang siya
"Laro tayo!!! Laro kuya ate!!" napangiti kaming dalwa. Hinila ko si Yve at Grace pagkatapos binuhat naman ni Marcus si Denver sa likuran. Hinahabol kami nila Kevin, Joshua, Sasy, Pauline pati yung ibang bata. May dala silang tabo at timba.
Binaba ni Marcus si Denver mula sa likuran niya kaya nabuhusan siya ng tabo ni Sasy at Pauline. Bigla naman niya akong hinila sa tshirt kaya napaupo kaming dalwa sa putikan. Pinaliguan kami nung mga bata kaya kumuha ng hose si Marcus at nagsimulang paliguan din ang mga bata
"Waaaa! Ate Is tago kami!!" nagpuntahan sila sa likuran ko at humawak sa aking bewang
"Tabi dyan Ate Is!! Nasaan na kayo" habol ni Marcus sa kanila. Mukha kaming nagpapatintero pero ako yung basang basa dahil sa tubig na nagmumula sa hose na hawak ni Marcus. Tumawa lang siya ng tumawa. Kinuha ko ang hose kaya siya naman itong binasa ko. Ganun din ang ginawa ng mga bata. Nagsikuhaan sila ng baso, tabo at timba para tumulong na basain si Marcus. Tumakbo ako ng nakaharap sa kanya. Hindi ko napansing malapit na pala ako sa hagdan nung slide kaya nauntog ako. Napatigil silang lahat.
"Shae, okay ka lang?" tumango ako pero kasabay nun ang paghawak ko sa ulo ko
"Me-medyo masakit" napansin kong tumahimik sa paligid. Nagsimula silang magsorry sa akin
"Ate Is sorry po" sabay na banggit ni Kyle at Kevin
"Sorry po Ate" banggit ni Yve
BINABASA MO ANG
Behind OUR Past
Teen FictionPaano mo mababago ang kasalukuyan, kung nananatili ka sa nakaraan? Oo, mayroon na lang ikaw at ako pero wala ng tayo. --- Updated New Version: Chapter 1-6 are available. Thank you for reading! Comment your suggestions and reactions! -ereynaaa ♡