"TARA, Tiffany, pasok tayo para maipakita ko na sa 'yo ang magiging kuwarto mo." Hinawakan agad ni Vicky ang kamay ni Tiffany at iginiya paloob ng mansyon ng mga Grylls. Pero natigilan sila nang may makasalubong silang matandang lalaki kasama si Madam Amelia at ilang mga body guards.
Yumukod si Vicky sa mga ito kaya ginaya iyon ni Tiffany.
"Tiffany, I'm glad you're here." Masayang bati ni Madam Amelia na ngiting-ngiti sa kanya.
"Who is she?" seryosong tanong ni Don Rodrigo.
Kahit hindi na magtanong si Tiffany ay batid na niyang ito ang asawa ni Madam Amelia. Don na don kasi ang hitsura ng matandang lalaki at mukhang napakaistrikto. Parang 'yung kontrabida sa mga pelikulang napapanood niya.
"She's Tiffany Cañete, Honey. Ang magiging personal assistant ni Bearlan," pakilala ni Madam Amelia sa kaniya.
"And why would Bearlan still need a PA?"
"Naku naman, Honey, kahit malaki na ang anak mo ay kailangan pa rin niyang magkaroon ng alalay sa mga ginagawa niya."
Napabuntong-hininga ang don. "Fine, ikaw na ang bahala sa anak mong iyon. What matters most to me now is that you convince him to marry Julie Anne. Pagbalik ko mula Japan ay dapat maayos mo na ang lahat. Ayokong makarinig pa ang anumang reklamo."
"Of course, Honey, ako na'ng bahala," tiwalang-tiwala na sagot ni Madam Amelia sa asawang may business trip na naman sa ibang bansa. Na lihim na ikinatutuwa nito dahil malaya nilang magagawa ang lahat sa plano nilang gawing tunay na lalaki si Bearlan.
"Ingat ka sa byahe mo, Honey. Call me if you get there, okay?" Humalik na ito sa asawa.
Lumabas na ang don at ngiting-ngiti si Madam Amelia na lumingon sa kanila ni Vicky. Parang nakalimutan naman ni Tiffany kung paano na ngumiti. Paano'y ninerbyos talaga siya kay Don Rodrigo.
"Sige na, Vicky, dalhin mo na si Tiffany sa kanyang magiging kuwarto tapos ay ipakilala mo agad siya kay Bearlan. Make sure she's beautiful, okay?"
"Yes, Madam," sagot agad ni Vicky kay Madam Amelia saka binalingan si Tiffany. "Tara na?"
"Sige po, Madam," magalang na paalam naman muna ng dalaga sa ginang na mayaman.
Tipid na ngumiti ang Madam. "I'm counting on you, Tiffany. Please do everything to make my son a real man."
"Opo, Madam. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko po. Aalisin ko po ang pagiging bakla niya."
"Very Good. That's my girl."
Wala silang kaalam-alam ay nasa isang pader si Bearlan at nakikinig sa usapan nila. Kanina ay saktong nakita niya ulit ang babae na sinalubong ni Vicky sa labas ng kanilang mansyon. Babae na Tiffany pala ang pangalan.
Nagtaka siya dahil may mga dalang gamit si Tiffany kaya nagmadali siyang lumabas ng silid niya at nakinig.
"'Yon pala ang plano nila" sa isip-isip ni Bearlan na napasinghap. "Good luck na lang sa 'yo, Tiffany! I'll make you regret this!" at sabi pa niya na napatitig ng masama sa dalaga. Sayang dahil ngayon ay turn-off na siya kay Tiffany.
•••
"AYAN maganda ka na. Sexy ka rin pala 'pag mabihisan ka ng magandang damit, eh."
"Salamat, Vicky. Okay na ba 'tong hitsura ko?" paninigurado ni Tiffany kahit na nakikita rin niya ang sarili na ang ganda niya ngayon. Hindi naman sa pagyayabang pero may maipagmamalaki rin kasi talaga siyang kagandahan. Sabi nga ng ibang tao ay para siyang Koreana. Singkit kasi ang kaniyang mga mata at maliit na matangos ang kaniyang ilong. Sinamahan pa ng pinkish niyang mga labi na sobrang nipis. Mana raw siya sa papa niya na pumanaw ng maaga, hindi pa siya naipapanganak.
"Oo naman. Siguradong unang tingin pa lang sa 'yo ni Sir Bearlan ay mapapanganga iyon sa kagandahan mo."
"Sure ka? Eh, baka naman katulad 'yon ni Don Rodrigo na seryoso sa buhay?"
Natawa si Vicky. "Seryoso nga 'yung si Sir Bearlan pero mabait naman. Sobrang bait. 'Di ngayon umiimik, eh, at super guwapo pa. Sayang talaga at naging bakla siya."
Napabuntong-hininga si Tiffany na muling sinipat ang sarili sa salamin. Kapag naririnig niya ang word na bakla kasi ay parang nawawalan siya ng kumpyansa sa sarili na magagawa nga niya ang trabaho niya.
Ang iniisip na lang niya ay ang isang milyon kaya hindi na masama kung susubukan niya. Parang tumaya lang siya sa sugal. Puwedeng matatalo siya at puwede rin namang mananalo. At 'pag nanalo siya matutupad na niya lahat ng pangarap niya.
"Isa pa palang reminder mula kay Madam Amelia, Tiffany."
"Ano 'yon?"
"H'wag na 'wag ka raw mahuhulog kay Sir Bearlan. Pigilan mo ang damdamin mo kung sakali lang. Guwardyahan mo ang puso mo."
Siya naman ang natawa. "Ano ka ba, Vicky. Ilang ulit mo nang sinabi sa 'kin na bakla 'yung Bearlan na iyon. So, paano naman ako mai-in love sa kanya, aber?"
"Ay, 'wag kang pakasiguro dahil baka 'pag nakita mo si Sir Bearlan ay mahulog 'yang panty mo kaya hawakan mo 'yan."
"Gageh, hindi 'yon mangyayari 'no."
"Sinasabi ko lang sa 'yo."
"Oo na. So, puwede bang tara na nang maumpisahan ko nang akitin ang guwapo mong si Sir Bearlan?"
"Okay." Iniligpit muna ni Vicky ang mga ginamit nilang pampaganda. Nang maayos na ang lahat ay lumabas na silang dalawa sa silid at hanapin ngayon kung nasa'n si Bearlan sa mansyon. "Minsan nasa pool siya o kaya sa garden. Minsan naman nasa music room at minsan naman ay nasa loob lang siya ng kuwarto niya."
"Eh, paano natin siya makikita kung nasa loob pala siya ng silid niya ngayon?"
"Hindi kasi nakita ko siyang lumabas kanina."
Kibit-balikat na lang siya na sumusunod kay Vicky. Doon na niya napansin ang mga picture frame na nakasabit at naka-display kung saan-saan. At napangiti siya nang mahagip ng mga mata niya ang malaking larawan ng crush niya. Sabi na nga ba niya't taga rito ang crush niya. Hulaan niya. Panganay itong anak nina Madam Amelia at Don Rodrigo. At si Bearlan ang bunso.
Kinilig si Tiffany sa naisip na iyon. Gusto niyang magtanong kay Vicky pero nahiya siya kaya kunwari ay deadma siya sa mga picture na nakita niya.
"Ayun. Ayun pala si Sir Bearlan. Nagpe-painting sa garden." Turo ni Vicky sa isang lalaki na nakatalikod sa kanila.
"Siya na ba si Bearlan?"
"Oo. 'Di ba likod pa lang ulam na?"
"Oo na," sagot niya pero ang tinitingnan niya ay ang larawan ng crush niya. "Ulam na ulam talaga. Asan din kaya siya sa loob ng mansyon ngayon?" Kung puwede lang sana ay ito na lang ang hahanapin niya.
"Oo, siya 'yan. Si Sir Bearlan. Para siyang modelo ano?"
Napa-"Huh?!" siya na tumingin kay Vicky.
"Kako siya si Sir Bearlan. Ang nasa picture," turo ni Vicky sa picture na tinitingnan niya.
Namilog ang mga mata ni Tiffany. "S-siya si Bearlan?!" at turo rin niya sa picture na hindi makapaniwala.
Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Vicky. Kaya naman napanganga na siya sa shock.
"Nooo!!!" hiyaw rin ng kanyang isipan.
Saktong lumingon na si Bearlan Grylls sa kinaroroonan nila.
"Oh.. My.. God!" Parang nakakita na siya ng multo nang magtama ang tingin nila ng binata. Multo na napakaguwapo.
"Siya nga!" At hiyaw ng isipan niya ulit bago siya nawalan ng lakas. Muntik nang bumagsak ang katawan niya pero buti na lang ay naalalayan siya ni Vicky. Hindi niya kinaya.
"Oy, ano'ng nagyari sa 'yo?!" natarantang sambit ni Vicky.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...