JOY's POV
"Joy! Bumalik ka dito!" sigaw sakin ng kapatid ko na si Sooyoung.
Hindi ko siya pinansin at maya maya hindi na niya ako sinusundan. Siguro naiisip niya na mas magiging masaya siya pag wala na ako. Patuloy lang akong naglakad palabas nang mansion namin dala dala ang maleta ko. Lalayas na ako sa amin.
Maayos naman akong nakalabas sa amin dahil wala namang pakialam ang mga tao dito sa akin. Kahit nga ang mga guard namin eh.
At yung kapatid ko naman,wala ding pakialam yun sa akin. Kaya lang niya ako pinabalik kanina kasi ninakaw ko daw yung maleta sa bahay namin. Tss. Ang kapal talaga ng mukha niya. Siya nga diyan ang malakas gumastos sa amin eh.
Lahat ng gusto niya binibigay ng mga magulang KO at ako ang laging nakikihati sa kanya. Ampon lang naman siya eh. Hindi ko alam kong anong ginawa niya sa mama ko at siya lagi ang kinakampihan kahit masama ang ugali niya.
Maya-maya may dumaan nang taxi at sumakay na ako. Hindi ko alam kong saan ako pupunta nang may nadaanan akong pamilyar na lugar. Binayaran ko na ang taxi at bumaba. Pumunta ako sa swing at umupo.
"Hi. Ako nga pala si Red." sabi ng isang batang lalaki na tumabi sa akin sa swing.
Tiningnan ko siya at ngumiti.
"Hala! Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya nang napansin niyang umiiyak ako.
"Inaway kasi ako ng kapatid ko" sagot ko.
"Wag kang mag-alala. Akong bahala sayo." sagot niya habang nakangiti.
"Salamat. Kasi dinadamayan mo ko kahit hindi mo ako kilala." pasasalamat ko sa kanya.
"Okay lang yun. Ano nga pala pangalan mo?"
"Sorry. Sabi kasi ng papa ko wag ko daw sasabihin ang pangalan ko sa mga taong bago ko lang nakilala." paliwanag ko.
"Ganun ba? Alam ko na. Velvet na lang papangalan ko sayo."
"Bakit Velvet?"
"Kasi ako si Red kaya ikaw nalang si Velvet. Kasi pag pinagsama tayo. Red Velvet ang lalabas." natatawang sagot niya.
Napangiti ako. "Favorite mo ba ang Red Velvet?" tanong ko.
"Oo. Mas lalo na yung cake. Ikaw?"
"Oo. Pareho pala tayo ng paborito. Sige. Ako na lang si Velvet." nakangiting sabi ko.