My GF is a white lady

736 5 1
                                    

A/N: Maraming Thank You sa mga readers dyan at wala pa namang negative comments so far :))

Second

Pag gising ko nasa sarili kong kwarto na pala ako. Inisip ko na panaginip lang ang lahat ng nangyari.

Noong ako ay bumangon sa higaan ko. Napasin ko na may katabi ako sa kama.

"Good Morning...."

nagulat ako sa sinabi niya at sa nakita ko dahil ang katabi ko ay ang babaeng napaginipan ko.

Biglang nanginig ang buo kong katawan at ang nasabi ko lang sa sobrang takot ko ay "Please wag mo akong papatayin"..

Ngumiti lang siya sa akin at ang duguan niyang mukha ay biglang luminis.Ang kanyang nakakatakot na itsura ay biglang naging nakaka akit sa mga mata

"Nangako ka sa akin na ako ay sa iyo at ikaw ay sa akin"

A/N: Wala na akong maisip na magandang sasabihin ni Ghost.

Naalala ko yung sinabi ko na gusto ko. No choice ako nun ehh, gusto ko pang mabuhay

Narinig ko yung nanay ko na sumigaw " Sky bumangon ka na!!

Papasok ka pa ng maaga"

Pagtingin ko sa katabi ko wala na yung babaeng multo.Aba! ang galing ni mommy natakot niya yung multo.

Bumaba ako sa kusina at niyakap si mommy. Alam ko na hindi siya maniniwala sa sasabihin ko at aakalaing nababaliw na ako kaya hindi ko na sinabi.

Kumain na ako at naligo hanggang sa umalis ako ng bahay ay hindi na nagpakita yung babae.

Biglang may kumalabit sa akin sa itaas at noong tinignan ko. Lumulutang pala siya sa taas ko.

Grabeee sobrang natakot ako sa kanya.

"Sasama ako sa'yo"

No choice ako kasi pag tumanggi ako sa kanya baka patayin niya ako

Tinanong ko siya kung ano yung pangalan niya at sinabi "看啊的"

Ano? ano sabi niya? Hindi ko naintindihan kaya tumuloy na lang ako sa paglalakad

"Kanade, Kanade ang pangalan ko"

Wow close agad kami ni Kanade.

Joke lang kahit Nakakatakot siya hindi ko maitatanggi na ang ganda niya pero ang creepy niya talaga

Noong ako ay nakarating sa school ko at nakapasok sa room namin. Nandun lang si Kanade na nagmamasid sa akin.

Nakita ko yung Ex-girlfriend ko at kasama ang isang lalaki. It breaks my heart more. Nalungkot nanaman ako. </3

Nabalitaan ko na lang na magka MU sila nang lalaki. Haayy Buhay lagi na lang ako malas sa buhay kelan ba ako sinuwerte.

Lumapit sa akin yung kaibigan kong babae na si Megan.

Inakbayan niya ako.

"Ok lang yan"

Napangiti ako sa sinabi ni Megan.

Kahit papaano nawala yung sakit nararamdaman ko.

Tinignan ko si Kanade at nakita ko na NANLILISIK ang mga mata niya.

A/N: Characters so far

Sky Delos Santos= The Protagonist

Marie Delos Santos=Mother of Sky

Megan Tolete= Classmate at Friend

ni Sky

Ella Santos= Ex- GF ni Sky

Christian Banaag= Bangong ka MU ni Ella

My GF is a white ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon