My GF is a white lady

607 4 4
                                    

A/N: Dual Update po ngayon nakalimutan kong sabihin aa previous chapter

4th:

Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga kasama ni Kanade.Alam kong ang awkward pero wala naman makakakita kay Kanade kundi ako lang.

"Alam mo ba kung nasaan ang mga magulang mo?"

"Sa totoo lang .... Wala akong maalala ang tanging nalalaman ko lang ay ang pangalan ko at kung ano ako."

Ibig sabihin hindi niya alam kung paano siya namatay.Haayy paano ko mapapatahimik ang kaluluwang ito. Kasi sa hindi niyo natatanong, nakakatakot pa rin si Kanade kahit ang ganda niyang multo.Bigla na lang siya sumusulpot kung saan saan at minsan niyayakap niya ako

kahit yung buong katawan niya ay nababalot ng dugo at ang kanyang mga braso ay naaagnas na. Ang sweet niya noh?? Ewan!! ang gulo gulo na ang buhay ko.

"Yakapin mo ako, Nilalamig ako"

Ano? Nakakaramdam ng lamig ang mga multo? Agad kong niyakap si Kanade at niyakap niya rin ako.

Nakalimutan kong sabihin. kaya kong hawakan si Kanade at yakapin siya.

"Tulog na tayo" - Kanade

"Ano? ehh 9:00 pm pa lang "

"Gusto ko na matulog at matutulog ka na rin"

Warning!! Sa mga gustong magkaroon ng BF or GF na multo, Take Note: Sobrang demanding sila.

"Oh Sige na"

pinatay ko na ang ilaw at humiga ulit kasama si Kanade. Kahit multo na si Kanade , nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan niya. Ano ba ang pinagsasabi ko. Baka nahuhulog na ako sa kanya? ... bawal mangyari iyon hindi siya tao at paano naman kami ikakasal or paano kami makakapagdate.

Pinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog agad ako.

A/N: Next chapter Abangan ang POV ni Kanade :)))

Medyo madedelay po ang pag update due to the death of my Grand Mother

My GF is a white ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon