"The new kilig ambassadors of it's showtime! Hashtag luke, Hashtag Jon, Hashtag Jameson, Hashtag Nikko, Hashtag Paulo, Hashtag Tom, Hashtag riley, Hashtag Zeus, Hashtag Ronnie, Hashtag Mccoy, and Hashtag Jimboy!"
"Ghaaad. Ang gwapo niya!"
Tumatalon talon pa ko habang tumitili."Kim ano ba! Tumigil ka nga. Tumulong ka na dito bilis."
Napakamot naman ako sa ulo dahil kay mommy saka pumunta ng kusina.
"Sorry po hihi." Dali dali kong inayos ang lamesa saka kumain. Hinugasan ko muna lahat ng kinainan namin saka pumunta sa sala. Naabutan kong nanonood si mommy ng showtime kaya naki nood naman ako.
"Mommy gusto ko maging artista"
Sabi ko kay mommy na ngiting ngiti habang nakayakap sakanya. Ang ganda kasi. Andami nilang napapasaya tas ang yayaman na nila. Sariling sikap nila kumbaga. Si kyky nga eh galing galing umarte."Artista? Andaming pwede mong maging trabaho tapos artista pa. Iba nalang."
"Iiih. Gusto ko yun. Wala ka bang bilib sakin ha? Mommy?" Sabi ko with matching sakit ng puso effect pa.
Tinaasan naman ako ni mommy ng kilay. Ay wow oh taray jusko.
"Bilib? Sus. Opkors meron. Anak kita eh. Pero kasi, mahirap iyon. Saka pano ka naman magiging artista? Magpa salon ka muna at mag paputi ng kutis mong morena. Para di ka mag mukhang kahoy pag tumabi ka kila anne curtis."
"Mommy naman! Grabe ka makapanlait sa kutis ko. Excuse me. Makinis yan kahit hindi kaputian. And at least di ako negra ano ba mommy!"
"Tsaka may kukuha sakin. Sigurado ako. Ang ganda kaya ng anak mo mommy. Oh diba?"
Napatawa nalang si mommy at umiling iling.
"Mas maganda parin ako sayo anak. Eh naging reyna elena pa nga ako sa lugar namin noong bla bla bla bla"
Jusko day. Ayan nanaman ang pag flashback ng aking mader. Kaloka.
Napanguso naman ako sakanya at itinuon na ang atensyon sa tv.
Nakita ko naman si jameson blake sa singing mo to. Iiiih. Kinikilig nanaman ako. Ang gwapo!
Ano kaya kung ligawan niya ko? Sasagutin ko ba siya? Aba syempre! Yes na yes! Pak na pak.
Habang nag dedaydream ako ay may naramdaman akong mahapdi sa tenga ko. Parang hinihila pataas.
"Aray ko naman po! Bakit nanaman?"
Tanong ko kay mommy habang hinihimas ang tenga ko. Ayoko maging dwende sa haba ng tenga noh. Okay OA."Anong bakit nanaman? Eh para kang baliw kakangiti jan. Kinikilig ka nanamang bata ka. Tumigil ka ha."
"Ayy? mommy naman eh. Kj. Okay edi wag."
Tumayo nalang ako at kunyari nagdabog pataas ng kwarto.
Pumasok na ko at umupo sa gilid ng kama. Tumayo ulit ako tiningnan ang sarili ko sa salamin.Ano ba kailangan kong gawin para maging artista o model man lang? Gustong gusto ko talaga maging isa man lang sa dalawang iyon.
Hay nako. Nakakastress naman itey. Nine na pala. Maka punta na nga sa gym.
*Beep beep
Ay may nag text, teka asan nanaman cellphone ko? Ay ayun. Nasa ilalim pala ng kama.
"Hoy sipi! Ikaw ha naglalakad lakad ka nanaman. Pag ikaw nawala pano na ako? Iiwan mo din ako. Ganyan ka naman eh. Aalis ka tapos di na kita makikita. Tapos babalik ka ulit? Ano yun? Babalikan mo lang ako pag kailangan mo ulit ako? Ha? Eh kung ibato kita sa tartarus na pesteng sipi ka."
BINABASA MO ANG
He's My Dream Love
RomanceOne girl. One dream. A very big dream. Quite unbelievable but she won't just give up. She'll do everything she can. Guzzling every insults and problems that came to her. Fighting back her tears urging to fall through her cheeks. She's a strong, to...