Two

1 0 0
                                    

Nakaupo ako sa sofa habang kumakain ng tinapay na may nutella. Nag luto na rin ako ng breakfast para kay mommy. Para din mabawasan ang gagawin nila yaya. Kawawa naman eh. Mabait kasi ako. Dyosa pa. I mean magiging dyosa palang. Oh yes.

Kasalukuyan kong inuubos ang tinapay ko ng may biglang sumigaw kaya napatalon naman ako sa inuupuan ko. Juice coloured!

"Mommy naman! Anyare? Why are you shouting?"

"Anong why why ka jan? Eh sa nagulat ako sayo. Aga-aga tapos anjan ka nakaupo mag isa? Naka patay pa yung ilaw. Mukha kang multo. Anak naman. Aatakihin ako niyan sayo eh."

"Oh. Sorry for that. I need to wake up early bc ky will pick me up at 7:30 am and I need to prepare cos this day will be the day. The day that is before the day tomorrow. Charuty. So yeah. My english is nice right mommy?"

"Say what? Pinagsasabi mo anak. Hay nako. Bahala ka na nga. Wag kang iiyak-iyak kapag nabigo ka ha? Masasapok kita. Di naman yan puro ganda lang. Kailangan jan talent. Alam ko naman anak na may talent ka. Kaso baka sumuko ka agad kasi mahirap yan na trabaho. Ayokong nahihirapan ka."

"Mi, lahat naman pong trabaho ay mahirap. Saka kaya ko to. Si kys nga nakayanan ako pa kaya? Mi kaya ko to. Trust me. Just for once."

*Beep Beep!

Anjan na pala si ky.

"Bye mi, di po ako mag papagabi."
Nag kiss na ko sa cheeks niya tapos lumabas na ng bahay. Di ko na hinintay pa ang sasabihin niya kasi pipigilan niya lang ako. Why can't she just be happy for me? Bastos ba kong anak? Wala ba ko respeto?

"Uy bebe gurl. Problem?"

Napabuntong hininga naman ako pagkaandar ng kotse paalis ng bahay namin. Tumingin ako sa labas ng bintana. Binaba ko iyon at dinamdam ang lamig ng simoy ng hangin ng umaga. Oh kay ganda.

"Wala naman. Si mommy kasi. Gusto ako pigilan dito sa desisyon kong mag model. Ky, pangit ba talaga ako?" Tumingin ako sakanya at saglit naman siyang tumingin sakin at balik naman sa kalsada ang tingin niya ulit.

"Do you want an honest answer or a friendly answer?" Seryoso niyang tanong sakin. Uupakan ko talaga to.

"Ky, syempre ung honest."

"Oh okay. Umm. Honestly yes. You are beautiful. You just need a little touch of aphrodite's magic. Mag ayos ka lang then ayos na. Kaya smile na beastie. Show 'em what 'ya got."

Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Ganyan ako kiligin. Wahaha.

"Aray ko! Compliment yun teh! Ano ba!"

"I know. Gusto ko lang mangurot. May angal ka?"

"Ah eh. Wala naman. Grabe ka talaga. Baliw to the max. Hala sige. Pag bigyan si ateng kimme."

"Che! Hahaha. Oh malapit na ba tayo? Teka san ba tayo pupunta?"

"Sa salon muna tayo. Excited nako! Andito na tayoooo!"

"Teka nga, sino ba dito ang mag memake over? Ikaw o ako?"

"Syempre tayong dalawa! Like duh. Di pwedeng ikaw lang noh. Unfair ka."

"Ang sabihin mo baka matalbugan ko ang beauty mo. Takot ka noh? Hala ka."

"Echoserang palaka ka talaga kimme! Hahaha oh baba na daliii."

"Okay okay my gods!"
Babaeng to. Tulak tulakin ba naman ako palabas? Pero keri lang. Excited din kasi ako.

Sabay kaming pumasok sa isang mamahaling salon. Halatang mamahalin kasi labas palang. Pang mayaman na. Ganda!

He's My Dream Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon