Lesson 12: French Kiss

4.4K 67 4
                                    

Lesson 12: French Kiss

French Kiss

-A "kiss with the tongue" stimulates the partner's lips, tongue and mouth, which are sensitive to the touch. The practice is usually considered a source of pleasure. The oral zone is one of the principal erogenous zones of the body.

Zoe's P.O.V.

"Ui Kurt, galit ka pa din ba?" malambing kong sabi"Bati na tayo oh."Hindi pa din nya ako kinikibo.

"Sige na Kurt, peace na tayo." Sabay peace ko pa. "Sige ka, bubuksan ko tong pinto ng sasakyan mo tapos tatalon ako, maatim ba ng konsensya mo na Makita akong mamatay? Usap na tayo oh.."

Ngumisi lang sya."Para namang kaya mo."Hayst di ata nito kakagatin ang pagdadrama ko eh.

"Sige ka, babawiin ko na yung pagsagot ko sayo kanina...." Oo. Kami talaga. We're in a relationship. A boyfriend-girlfriend relationship. Hindi na master at princess.

Ipagpapatuloy ko pa sana yung sasabihin ko kaso bigla nyang hininto ang sasakyan. "Aray! Gusto mo na ata talaga akong matuluyan eh!" sakit! Tumama noo ko. T_T

"Cut it out  Zoe! Wala nang bawian! Tayo na kaya!" tumingin sya sa mga mata ko. Seryosong seryoso sya

Oo. Kami talaga. Nanligaw sya. Andami din kasing nangyari nung gabi ng kaarawan ko.


Flashback...

Ngayong gabi, napagpasyahan kong tigilan na ang pagmamahal kay Clyde. Tama na siguro yung 19 years na pagbabaka sakali na mapapansin nya ako. Hindi naman saktong 19 years yung paghanga ko sa kanya. Syempre di ko pa naman sya nakikita nung baby pa kami di ba? Pero ang punto ko lang, sya ang first crush ko, first love at first heartache. Pero di ba, hindi naman ako dapat tumigil sa paghinga. Hindi lang dapat iikot ang mundo ko kay Clyde.

May mahal syang iba at hindi ako yun. Nagbaka sakali lang naman ako eh. Pero this time, magiging liberated na ako. Tama na to. Gumawa naman siguro si Lord ng kapareha ko eh. Hintay hintay lang din dapat.

"Kurt." Tawag ko kay Kurt. Nagbabyahe kami ngayon. Sinamahan nya ako kanina sa Mango. Doon ko dinaos ang 19th birthday ko.

"Yes, Princess?" hinawakan nya ang kamay ko.

"M-may idea k-ka ba kung sino yung babaeng mahal ni Clyde?" alam ko na namang si Ziah na kapatid ni Kurt ang babaeng mahal ni Clyde. Dinig na dinig ko ang lahat. Actually, hindi ako galit sa nalaman ko. Siguro hindi talaga ako mapapansin ng lalaking mahal ko. Ang sama ko pa nga dahil para akong naging bitter kay Peach. Nagmahal lang din si Peach. Nagmahal kami pero hindi iyon masuklian.

"Wala syang nababanggit, Princess." Oo nga naman, hindi yun sasabihin ni Clyde. May ibang mahal si Ziah..sila ni Red. Kesa Makita nya itong lumayo sa kanya, mas pipiliin na lang siguro nito na maging malapit sa kanya kahit parang malayo talaga. Parang ako lang din si Clyde.

"Bakit mo naman natanong?"

"A-ah wala..never mind." Makaraan nun hindi na ako umimik pa. Napagdugtung-dugtong ko na. In love si Clyde sa kapatid ng bestfriend nya. Kaso may kasintahan na ito, kaya naisipan nyang sumali sa basketball team kung saan captain ball ang boyfriend ni Ziah, si Red . Nang sa gayon ay mapalapit pa sya dito. Para bagang 'keeping your friends close and your enemies closer'. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig...kahit alam nyang kasintahan na ito ng pinsan nyang si Red, minamahal pa din nya ng lihim. Oo, to clarify things... magpinsan si Red Aeon Rivas at Clyde Rivas Marquez.

Lessons From A Sex godTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon