'Pabili PO Band-aid'

120 8 1
                                    

  Band-aid.. para saan ba ang band-aid? di ba ginagamit yan pag nasusugatan tayo.. taga takip ng sugat.. pero hindi ba kahit takpan mo masakit pa rin.. kaya dapat araw-araw linilinis para gumaling.. parang pag-ibig lang yan.. pag nasaktan ka.. gagamit ka ng band-aid which is sa mundo ng pag-ibig ay tinatawag na mga ngiti.. pero sa likod ng mga ngiti may pusong sugatan at nasasaktan.. tinitiis ang sakit.. kaya dapat tayo gumagawa ng paraan para mawala yung sakit.. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin.. pero hindi ba paano gagaling ang sakit kung hindi natin gagamutin.. Kasi ang sugat di yan inaalagaan ginagamot yan.. lagi natin yan naririnig noon sa mga magulang natin pag nasusugatan tayo noong mga bata pa tayo na ang sugat di gagaling pag bi ni baby.. kitams.. bata pa lang tayo may natuturo na sila na pwede i-connect sa pag-ibig kaya ang sakit di mawawala kung di tayo mag mo-move on.. Sinasabi ng iba pano mag mo-move on kung di naman naging kayo.. always remember.. di lang yung mag-on o in a relationship ang pwede sa moving on stage.. pati na rin yung mga single pero ang puso ay feeling taken.. kasi kung may nararamdaman ka para sa tao may karapatan ka mag move on.. kasi may feelings na involve.. pero isa lang ang wala kang karapatan kung di kayo.. wala kang karapatan na manumbat kung bakit ka nasasaktan, kung bakit di ka niya kayang mahalin kahit binigay mo na lahat, o kung bakit sa lahat ng sweet messages at gestures niya sayo ih nauwi ka pa rin sa NgaNga.. kasi malamang sa malamang tablado ka pag sinabi niyang "bakit ano ba kita?' o di kaya "bakit tayo ba?" o di naman kaya "sinabi ko bang umasa ka?" o di ba sarap lang sungalngalin pag may nagsabi niyan pero may point siya kasi di kayo pero tang inumin mo di ba kasi ikaw walang karapatan manumbat pero siya nagkaroon ng karapatan para saktan ka.. pero kasi umibig ka.. kaya naman bigyan mo man ng karapatan o hindi masasaktan at masasaktan ka dahil nagmamahal ka.. pero anywoooooo ano ba ang definition ng moving on? yun yung kalimutan ang sakit na nararamdaman at i let go ang taong di ka mahal o di ka na mahal.. yun yun di ba? wala naman nakalagay na ang moving on ay para sa mag ka relasyon na naghiwalay lang.. kaya mga pards, pare, prinsesa, prinsipe, dyosa, dyoso, ordinaryong mamamayan, alipin, alien o kahit ano pang tawag sayo move on move on din pag alam mong pagod ka na syempre hindi ka mag mo-move on kung ang lakas ng fighting spirit mo na baka pwede pa maging kayo o maaayos niyo pa ang lahat.. mga tsong kelan pa kayo magigising? pag nakita niyo harap harapan na may iba na siya.. hindi naman masama mag expect na baka pwede pa.. pero maglaan ka lang ng isa o dalawang buwan tignan mo kung may chance pero kung wala pa rin pinagbago aba mga kuya at ate move on na.. ikaw magpapakalunod sa sakit samantalang siya nag ha-happy happy.. karapatan mo maging masaya.. at kung na isipan mo na mag move on ay aba wag puro salita di ka makakausad niyan dapat may gawa.. siguro sa iba matatagalan pero at least na usad ka kahit mabagal kasi may ginagawa ka para malimutan ang taong minahal mo o minamahal mo kasi di lahat ng bagay nagagawa agad agad pero darating ang isang araw pag gising mo di mo na siya mahal at handa ka na ulit harapin ang panget niyang muka ng hindi ka na nasasaktan.. kahit gwapo o maganda isipin mo na lang panget sila .. ^_____^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

   "Sorry is like a Band-aid.. Just because you use it.. doesn't mean it's going to heal the wound"

hahahaha.. konti lang naging connect nung title sa kabuuan ng sinulat ko.. XDD

'Pabili PO Band-aid'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon