Chapter 7: Confuse

11 1 0
                                    

= Ligaya's POV =

He kissed me on the cheek.....

He kissed me on the cheek......

He kissed me on the cheek......

" Arggghhhh!!" Di ako makatulog dahil sa ginawa ni Tisoy kanina! Leche! Alam kong I'm making a big deal out of a simple kiss on the cheek. Pero come on! Wala pang humahalik sa pisngi ko. Okay, maybe except for my Kuya and Papa pero sila lang. Bakit? Kamag-anak ko ba siya?! Hindi naman diba?! Amo ko lang siya?! Amo lang!

Maka-inom nga ng tubig. Baka mahimasmasan pa ako. Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan. Alam niyo na! Ang kwarto ko nasa loob ng kwarto ni Tisoy. Parang walk in closet ang peg. Okay back to our topic.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan pero napansin kong wala si Tisoy. Baka nasa garden nila? Sasamantalahin ko na lang. Baka kasi kung makita ko siya, baka maging statwa ako. Dali-dali akong bumaba sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsel. Kumuha ako ng baso at nagbuhos ng tubig sa baso. Ininum ko yun. Hay! Naku! Nahimasmasan nga ako eh!

" What are you doing?" Nailuwa ko naman ang iniinom kung tubig. Pucha! Lumingon ako at nakita ko si Tisoy! 😒
Iniiwasan na nga eh! Magpapakita pa! Kumuha kaagad ako ng basahan at pinunasan ang naibuga kong tubig.

" Huy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. What are you doing?" Tanong niya. Bulag ka bro!

" Malamang sumasayaw. Nasa kusina po ako! Tayo! Ano po ba ang ginagawa kapag nasa kusina? Diba umiinom? Kumakain? Minsan lumilipad talaga yang common sense mo kahit saan!" Pag-dadabog ko. Totoo naman eh!

" Masama bang magtanong ha?!" Tanong niya sa akin at umirap! Hay!! Grabe talaga siya! Parang babae! Ang bipolar!

" Oo! Masama! Lalo na pag obvious ang sagot!" Sabi ko sa kanya. Hinugasan ko ang baso sa sink bago ko ito inilagay sa cupboard. Paglingon ko, nakatingin sa akin si Tisoy. Oh? Ano nanaman ang problema niya?

" Huy Tisoy! Ba't ka tulala?" Tanong ko sa kanya. Nabalik naman yata siya sa wisyo niya.

" W-wala. Uh, Ligaya?"

" Hmmm?"

" Uh, pwede magtanong?" Tanong niya sa akin.

" Nagtatanong ka na, nagpaalam ka pa. Oh sige, ano yun?" Sabi ko sa kanya at tsaka umupo sa high chair. Umupo rin siya bago siya nag-salita.

" Nagkaboyfriend ka na?" Tanong niya sa akin. Na-ubo naman ako sa tanong niya. Ako? Boyfriend? Sa mukha kong to?! Hahahahahahhahaha..... wala pa.

" Naku Tisoy! Bakit naman yan ang tinanong mo?" Tanong ko sa kanya habang tumatawa, yung nerbyos na tawa! Naku! Superman! Tapos ka na ba sa pakikipaglaban kay Batman? Pwedeng sagipin mo naman ako dito sa napakacontreversial na topic. Kung naririnig ko kasi yang B na word, naaalala ko yung nagawa ko sa kanya.

" Wala lang. Bawal? Dali na! Sagutin mo na!" Sabi niya sa akin. Ay atat si Tisoy! May lakad? May lakad?

" Ba't atat ka?" Tanong ko sa kanya.

" Edi sorry!" Sabi niya. Napatawa ako. Loko tong lalaking toh!

" Sige. Wala pa. Wala pa akong bf." Sabi ko. Nakita ko naman siyang tumango.

" Tisoy..." Napatingin naman siya sa akin at tinaas ang isang kilay niya.

" Sorry pala sa nagawa ko kanina. Di ko yun sinasadya. Nagdilim na kasi ang aura ko kaya ayun, nadamay pa ang relasyon niyo ng girlfriend mo." Sabi ko habang nakatingin sa baba.

At alam niyo kung ano ang nakakaloka?! Lumapit siya sa akin at intinaas ang mukha ko. Tinignan ko siya sa mata. Wow! Ang ganda ng mga mata niya! Parang painting! Ang ganda! Parang Bohol at Palawan na pinagsama! Idagdag mo pa lahat ng magagandang tanawin sa mundo! Ganun ka ganda! Pramis!

" Alam mo, wala ka naman dapat ikalungkot eh. Dapat pa nga, ako ang magpasalamat sayo eh!" Sabi niya with his oh-so-perfect smile! Okay, ano ba tong pinagsasabi ko?

" Huh? Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa mga mata niya.

" Eh siya lang naman talaga ang may gusto ng relasyon na yun eh. Kaya salamat." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

Ilang minuto kaming ganun. Unti-unting nagkalapit ang mga mukha namin! Oh my gas!!! 😱😱 Siya na ba ang magiging first kiss ko?! Pero di naman ang crush ko! Di rin naman siya ang love ko! Ang lapit na! Ang lapit lapit na! Clinose niya ang mga mata niya kaya sinunod ko na lang siya. Ang lapit na! Heto na.......

" Ay sus maryosep! Anong ginagawa niyo?" Napatingin kami kay Aling Rosa.

" Ah.... i-iniihipan ko lang po ang mga mata niya. Diba Tisoy?" Pinandilatan ko siya.

" Ah o-opo! Ang kati nga po ng mata ko eh! Ihipan mo naman Ligaya!" Sabi niya sa akin. Inihipan ko naman ang mata niya. Habang ginagawa ko yun, tinitignan ko si Aling Rosa. Tinitignan ko kung pasado ba sa kanya ang acting namin.

" Oh siya siya. I-off niyo ang mga ilaw bago kayo umakyat. Okay?" Tanong ni Aling Rosa. Tumango naman kami. Pagkapasok ni Aling Rosa, naglayo kami kaagad ng mukha. Kulang na lang sticky glue eh! At para kaming kamatis! Jusko!

" A-ah s-sige T-Tisoy. Uh, una ka na sa taas. I-ooff ko lang ang mga ilaw." Sabi ko habang nakatingin sa baba.

" U-uh s-sige!" Sabi niya at umalis na. Pero ang gamol nga naman, di pa nakuntento sa pagpapalito sa akin. Humirit pa!

" Ligaya?"

" Hmmm?"

" Good Night. Sweet dreams." Sabi niya at hinalikan ang noo ko bago siya pumunta sa kwarto.

Ako? Nakatayo lang dun. Nakatingin sa kawalan. Wow, kawalan talaga? Pero Tisoy.......

You got me Confused.......

My Monster MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon