~Amber
"Turn on the LIGHTS! TURN IT ON!"
Andito ako ngaun sa isang kwarto na madilim. Wala akong makita kasi nga madilim. Naiiyak na ako. Ayoko sa madilim na lugar.
"BUKSAN niyo na!" i was shouting, i really need to get out of this room.
Hindi lang sya basta kwarto na madilim nakalock pa ang pinto kaya hindi ako makalabas.
Nakakatawa lang ang isang demonyong tulad ko ay takot sa madilim na lugar.
Alam ko kung sino ang may gawa nito. Ang ugly witch na kabit na Ama ko. Kadiri lang diba? Kaasar lang at naisahan nya na naman ako.
Kinapa ko ang bag ko. Sa loob ng bag ko andun yung wallet ko at sa loob ng wallet ko andun naman ang mga credit card ko. Kumuha ako ng isa at nagpunta ako sa pinto.
Sinwipe ko ung card dun sa pinto at *kashing* nabuksan ko ang pinto.
Hinanap ko agad ang ugly witch. Natagpuan ko sya sa sala na umiinom ng tea.
"Alam mo talaga ang kinakatakutan ko no?"
"Bakit kasi kailangan mo pang bumalik dito?"
"Eh ano bang pakialam mo? Mas may karapatan naman ako sa bahay na ito. Pero wag kang mag-alala, hindi ako magtatagal dito dahil nasusuka akong makita kayo."
Bigla nya na lang hinablot ang kamay ko at aaminin ko medyo masakit yung paghawak nya. Bumaon ang mahahaba nyang kuko sa braso ko.
"Huwag na huwag ka ng babalik dito" diinan nyang sinabi sakin oh diba ang kapal ng mukha.
"Okay"
Paalis na sana ko pero mga ilang hakbang pa lang nagagawa ko bumalik ako para kuhain yung tea na iniinom nya.
"Ooppss. Natapon nasayang tuloy"*grin*
Tinapon ko sa mukha nya yung tea. Kitang kita sa mukha nya ang pag kainis pero ang nakakapagtaka lang is hindi sya lumaban oh nagsalita man lang.
Tinalikuran ko na sya mukhang wala akong mapapala sa kanya. Pero pagkatalikod ko sa kanya nakita ko ang mukha ng ama kong galit na galit.
"GET OUT!"
"Eto na nga diba lumalabas na oh."
"Simula ngayong araw na ito wala ka ng AMA."
"AY. Pasensya na ho ah. Pero ho MATAGAL NA AKONG WALANG AMA. TINAKWIL KASI AKO NUNG AMA KO EH. SIMULA NG ARAW NA YUN WALA NA AKONG AMA. Di nyo na kailangan ipaalala."
Ngumiti ako sa kanya bago ko umalis. Ramdam ko na rin ang pagbagsak ng luha ko pero pilit ko yung pinigilan.
Hindi dapat nasasaktan ang tulad kong demonyita diba? Hindi akong nag aksayang depensahan ang sarili ko dahil ang nakikita lang nya ang paniniwalaan nya.
Nagpunta muna ako sa play ground malapit sa dati kong bahay. Pinarada ko lang ang motor ko sa tabi at saka ako umupo sa swing. Tanging liwanag lang sa buwan ang nagsisilbing ilaw.
May mga luhang pumatak mula sa aking mata, agad ko itong pinunasan ayokong may makakita sa aking umiiyak.
Nakakaasar lang naalala ko yung nangyari sa magulang ko nung bata pa ako. Buti na lang ako lang anak nila at hindi na ko nagkaroon ng kapatid kasi kung nagkataong meron man akong kapatid malamang nagdudusa rin sya ngayon katulad ko.
Oh di ba, hindi naman ako masyadong masama diba? Sabagay umpisa pa lang naman ng kwento ko eh.
"Miss bat ka umiiyak?"
Oh holy shit. May nakakita sakin na umiiyak. Takte lang diba. Nanggaling sa likod ung boses. Boses lalaki. At base sa boses nya siguro magkasing edad lang kami. Pero kanina ako lang ang tao dito.
"H-Hindi." pag de-deny ko.
"P-pero."
Hindi ko na pinatapos ung sasabihin nya agad na akong sumakay sa motor ko at pinaharurot ito. Hindi na akong nag abala pang lingunin sya.
Haysssttt...
-----
yun lang. sino kaya yung guy na yun?hmm..
Sana naman may magbasa nito. XD
Kung meron man mag comment kayo o kaya Vote. haha
Demanding lang ang peg ko >.<