~Amber
Ilang araw na ang nakalipas mula ng magpunta ako sa bahay ng magaling kong ama para kunin ang ilang importanteng gamit na naiwan ko. Kaasar lang hanggang ngayon naaalala ko pa rin yun.
Naghanda na lang ako sa pagpasok ko sa school kesa iniisip ko pa ang mga walang kwentang bagay.
Pumili na ako ng isusuot kung damit sa pagpasok ko. Ang hirap mag isip ng isusuot na damit lalo't kokonti ang pagpipilian. Tinakpan ko ang mata ko at saka ako nag eenie meenie. Nakadampot ako ng red sleeveless pinartneran ko na lang yun ng jeans at high heels. Syempre di mawawala ang aking leather jacket.
Oh yeah. Ready to go na ko. Pinaharurot ko na ang aking baby. Habang nasa daan ako marami ang napapatingin Ewan ko kung bakit siguro ngayon lang sila nakakita ng babaeng rider?oh dahil lang sa ganda ko. De joke lang.
Mag gu-goodmorning muna ako sa mga trafic enforcer.
*wang weng wing wong wung*
"Good Morning din trafic enforcer."
Ayun na nga't narinig ko na ang sirena ng mga trafic enforcer. Lalo ko pang pinahrurot sa bilis ang aking motor hanggang sa hindi ko na makita ito sa aking side mirror.
Nakarating ako ng school ng buhay at hindi natiticketan. As usual lahat ng mata sakin nakatingin. Hindi ba sila nagsasawa sa ganda ko. Tss. Binigyan ko lang sila ng gantong pag mu-mukha -_-.
"Amber"
Nilingon ko kung sino ang tumawag sakin. Isang lalaki, classmate ko ata.
"Why?-_-" nakatayo sya ngaun malapit sa motor ko.
"Ah kasi ako yung laging nagbibigay sayo ng chocolates. Hindi ko na kaya gusto ko ng ipagtapat sayo yung nararamdaman ko. I love you since first year pa lang tau." ah tama classmate ko nga siya. Siya pala ang nagbibigay ng chocolates sakin.
"Thank you sa chocolates.-_-"
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Yeah. sure why not."
Agad agad niyang kinuha yung flower dun sa kasama niyang babae at inabot ito sa akin.
"Thanks. Starting today boyfriend na kita"
"Totoo ba yan?. Yes !! Candice did you hear that!"
Yung katabi niyang babae bestfriend niya ata. Halatang naiinis ito.
"Yes. Im so happy for you BEST!"
Nagbilang lang ako ng one to sixty.
"Break na tayo!"
Nabigla yung lalaki. Napanganga nga siya eh. Pagkasabi ko nun umalis na ko. Syempre maraming nakakita ng eksenang yun. Di ba nga all eyes on me ang mga peg ng mga tao sa university na yun.
Never akong magbibigay ng happiness sa ibang tao lalo na sa lalaki. Kung magbigay man ako paniguradong baawiin ko yun agad. No men deserves to be happy.
*booggshh!!!*
Napalingon ako kung san nanggaling ang ingay na yun and i found out na yung motor ko hinaharas nung bestfriend nung lalaking boyfriend ko ng one minute kanina. Lumapit ako sa baby ko. Ang saklap lang nayupi siya tapos nagasgasan pa.
Hinatak ko sa buhok ang babaeng nangharas sa baby ko. Makakatikim siya sakin. Sa lahat ng bagay wag ang baby ko!
"Walang SUSUNOD at MAGSUSBONG!" sigaw ko dun sa mga nanonood samin.
"Aray!Ano ba bitawan mo nga ako." pakiusap ng impakta na to.
Dinala ko siya sa garden pagkatapos ginapos ko siya sa puno. Nagpupumiglas ito pero naigapos ko pa rin siya. Hindi na ako nakapasok sa first class ko at wala na rin akong balak na pumasok dahil sira na ang araw ko.
"Ikaw anong problema mo at ginawa mo yun sa baby ko?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw anong problema mo at kailangan mong manakit ng tao. Emotionally and Physically? Now i know kung bakit kq nabansagang devilbitch. Buti nga ako yung motor mo lang ang sinira ko yun madaling gawin eh yung sakit na binigay mo sa bestfriend ko ang hirap tanggalin nun. Alam mo bang matagal ka na nyang gusto?" umiiyak na sya habang kinakausap ako at nakagapos pa rin siya.
"Bakit hiniling ko bang mahalin niya ko. Problema niya na yun. Ano ipipilit niya na mahalin ko siya. Pasalamat nga siya naging boyfriend ko siya ng isang minuto atleast natupad ko ang pangarap niya."
Tumawa siya ng tumawa. Hindi ko alam sa babaeng ito kanina lang umiiyak ito pero ngaun tawa na ng tawa. Ano to epekto ng pagkatali sa puno. Layasan ko na lang siya bahala na kung sino magpakawala sa kanya dyan kasi iiwan ko syang nakatali sa puno.
"Wala ka nga naman kasalanan na mahalin ka niya. Siya rin walang kasalanan na minahal ko siya. Alam mo ba kung bakit ko ginawa sa motor mo yun. Nasasaktan ako kasi nakikita ko syang nasasaktan ng dahil sa isang babaeng walang puso. Ang tanga niya eh. Alam naman niya na hindi ka marunong magmahal eh pero qyun siya nagpakatanga pa rin."
Napahinto ako sa sinabi niya. Di ko aakalaing makakaya niyang sabihan ako ng ganun.Siya ang kauna-unahang nakagawa niyan sakin.
"Siya lang ba ang tanga? Di bat ikaw rin?" tanong ko sa kanya.
"Siguro nga ako rin tanga. Tanga naman lahat ng nagmamahal eh. Sana lang Amber matuto kang magpahalaga sa nararamdaman ng iba. "
"Bat ko naman gagawin yun-_-. Saka ko na gagawin pag natuto na ang lahat ng tao nyang sinasabi mo."
"Darating ka rin sa point na mararamdaman mo kung anu ginawa mo sa mga taong sinaktan mo.."
Bobang babae. Karma ba ang gusto niyang palabasin? Eh parang nauna pa yung karma eh kaya ako nagkaganito.
"In your dreams beybeh. Maghanda ka ng pera pambayad mo sa nasira kong motor." sabi ko sa kanya habang naglalakad ako paalis.
Pinaayos ko ang baby ko. Inabot ako ng 5k sa pagpapagawa niya. Kaasar wala na akong pera. Dahil sa bwisit na mag best friend na yun nabawasan pa ang budget ko. Kasalanan ko bang mahalin ako ng bestfriend niya. Hayst. Kailangan ko ng magkapera andami ko pang bayarin. Tuition. Rent ng bahay ko. Mga bills. Ang sakit sa utak.
Umuwi na ako pagkatapos ko ipagawa si baby. Sa dami naman kasi ng pwedeng galawin eh. Kung pwede lang sa taas ko ng flag pole igapos yung babaeng yun pasalamat siya sa puno ko lang siya ginapos.
Habang nakahiga ako sa kama at nagpapahinga naisipan kong i check ang facebook ko. Magpapalipas oras muna ako habang nag aantay akong magdilim.
Naglalaro akong Candy Crush ng biglang may mag pop-out na message.
To: Claire Dela Cruz
'honey i miss you.'
Hala ka uy! Ano to wrong send or what? Pero imposible naman un. Natitibo siguro dahil sa ganda ko. Tinignan ko yung profile ng claire na yun kaso wala ako ganung nakitang info. Yung profile picture niya naman hindi makita ang mukha natatakpan ng buhok.
Sumapit ang dilim at palaisipan pa rin sakin kung sino ang baaeng nag pm sa akin. Minabuti ko ng pumunta sa pagkakakitaan ko.
Nagpunta ako sa isang madilim na lugar. Hinubad ko ang leather jacket ko at pinatong ito sa motor ko. Hinanap ko si Miko. Si miko siya ang kumakausap sa mga lalaki kung magkano ang magiging bayaran.
Oh ano iniisip niyong trabaho ko.
-----
Sa tingin niyo ano trabaho ni Amber?!