Chapter 2

44 3 3
                                    

The Bridge Of Love

Chapter 2 

Eto na po ang UD ko guys! Sana po magustuhan nyo! >______<

- Brix's POV -

She nodded slowly. YES! Never, pa ako naging sobrang interesado sa isang babae... Ano bang ginawa mo sa akin Hazel? Hindi naman toh, dahil sa pagkagusto no? Hindi ko naman sya gusto diba?

Tumakbo agad ako sa tabi nya at naglakad sya, sumunod na lang ako. Grabe ang tahimik namin. As in, naririnig ko yung hangin... 

"Hazel--" I tried to break the silence, pero bigla syang tumingin at dun ko lang nalaman na sobrang ganda niya. She looked at me confusedly. Sa pagkaliit niya, kaylangan niyang tumingala. 

At may pagka maroon pala ang hair niya... Yumuko na lang sya. And is she... blushing? Siguro, isa din sya sa humahanga sa akin... I gulped at tumingin na lang ng diretso.

"Saan ka ba nakatira?" tanong ko. "Sa ***** street..." sabi niya, at sobrang hina ng boses niya. Teka, sa ****** street? Alam ko malapit yun sa mga kagubatan, kasi malapit ang bahay ko sa street na yn eh..

"Yun yung malapit sa may medyo, kagubatan diba?" tanong ko. She nodded. 

Naglakad na kami ng naglakad, habang makapunta sa ****** street, at ang tahimik talaga nun. Ang creeepy nya talaga... Nung pinanuod ko syang papunta sa bahay niya, bigla na lang syang tumakbo at tinapon yung bag nya sa harapan nung pintuan niya.

 Nagulat ako so binaba ko yung bag at skateboard ko sa likod ng isang bush, at sinundan sya. Pumunta sya sa may kagubatan, at nakita ko sya sa isang bridge... 

Ang ganda naman dito, peaceful. Tapos sa ilalim ng bridge may river. Nagtago ako sa likod ng isang puno at tiningnan si Hazel. May kinuha siya sa may isang bush. Isang notebook at ballpen. 

Umupo sya sa may railings ng bridge at binaba yung notebook. Pinagmasdan nya yung ulap at ngumiti. Para namang baliw tong si Hazel.

"Boo!" gulat ko sa kanya, at lumabas sa may puno. "Aack!" sigaw niya at biglang napatalon sa river. 

O_______O

Ay shacks! "Hazel! Okay ka lang ba?!" sigaw ko at tumingin sa may river. Biglang may lumitaw na ulo and she glared at me. "Sorry..." sabi ko. Inabot ko yung kamay ko sa kanya at kinuha naman niya, inakyat ko sya sa may bridge.

"What are you doing here?" tanong niya. "Uhm... Sorry ha, kung sinundan kita..." sabi ko. "Just leave now, Brix...." sabi niya. Haay, the way she said my name.

"Ayoko nga..." sabi ko at tumawa. "Geh lang, tumawa ka pa. Tingnan mo, basang-basa tuloy ako." sabi niya at tiningnan yung damit nya.

"Umalis ka na kasi, magpapalit na ako at pagbalik ko dito, dapat wala ka na." sabi niya in a fierce way. Ang cute nya pag-galit.

"What are you smiling at?" she frowned and crossed her arms. Ngumigiti ba ako? Wh-what? "Tch. Dun ka na, sige aalis na ako, magpalit ka na..." sabi ko at tinulak sya papunta sa bahay nya.

- Hazel's POV -

"Tch. Dun ka na, sige aalis na ako, magpalit ka na..." sabi ni Brix at tinulak ako. I rolled my eyes at pumunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng towel at naligo lang ng mabilis.

At habang naliligo ako, napaisip ako. Bakiy nya kaya ako sinundan???

Is he? Ugh, hindi pwede. Feelingera naman ako masyado.

Pagkatapos ko maligo, nag-suot agad ako ng isang t-shirt na green at browb shorts. Buti naman at aalis na si Brix. Dapat kasi di na lang kami nagkakilala... Nalaman nya tuloy yung secret bridge na yun...

Do you want to know kung bakit 'Secret Bridge'?

SECRET!!! XD

Lumabas na ako at pumunta ulit sa bridge. I looked around, buti naman wala na si Brix. Hindi na ako umupo sa railings, baka maulit pa kasi eh... Dun na lang ako umupo sa mismong bridge.

Nag-susulat kasi ako sa diary ko ngayon ehh...

Dear Diary,

May nakilala akong guy this day, first time ko yun. His name is Brix Santos, sya yung pinaka-popular guy sa school namin. He was kind to me, pero ayoko masyado makipag-kaibigan sa mga lalaki... We never know naman diba... Pero, he made me blush... Bat ganun? And he makes my heart smile. Totally weird, at parang super interesado sya sa akin... Ako din naman eh, naging interesado ako sa kanya... Ito na ba yung kinu-kwento sa akin ni mama dati? Yung feeling na toh'? Hindi, hindi pwede...But I'm glad na nagkakilala kami... It totally made my day... =)

                                                                                                  Love,

                                                                                                         HAZEL

"Sup."

"ACK!" sigaw ko at bigla kong sinarado yung diary ko.

"Brix! Akala ko ba, umalis ka na????" I frowned.

Yes, si Brix. Hindi pa sya umaalis.

"Ano yan???? Diary??? PABASA!" sabi niya ng naka-ngiti. "H-huh?! Yoko nga!" sabi ko at tinago yung Diary ko sa likod ko.

He raised a brow at kinuha bigla yung diary.

"BRIX!"

"Haha! Kunin mo!" sabi niya at binelatan ako. And maliit ako, at matangkad sya. Ang dayaaa!

"Ang daya naman eh! Ang tangkad mo kaya!" reklamo ko.

Binelatan nya ako at tinaas pa lalo yung Diary.

"BRIX!" sigaw ko at sobrang namumula na ako sa galit.

Inagaw agaw ko pa at sa sobrang inis ko sa kanya. Natulak ko sya at hinila naman nya ako.

WE BOTH FELL.

Uhm. AWKWARD?

"Uhm.." sabi ko at tumayo bigla.

"Uh... Ito na nga.." sabi niya at binalik yung Diary ko.

Ang awkward talaga, nagtitinginan lang kami na parang mga ewan dun.

"I should go... Bye!" sabi niya at tumakbo na paalis.

I nodded then smiled.

Bakit ako ngiti ng ngiti?!

Brix naman eh, anong ginawa mo sa akin?

************

So, nagustuhan nyo ba guys? Sobrang tagal ko pa toh' hindi na-update until na may nagkagusto sa story na toh. Thank you, Mikee and Lara! THANKS TALAGA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon